Chapter 5: Ang Lalaki sa Panaginip at ang pagkawala ng pagkakaibigan

866 25 2
                                    


'Ang lamig. Sobrang lamig. Malakas ang hangin. Nasan ba ako at ang lakas ng hangin? Bakit ganun? Ano tong nararamdaman ko? Ang bigat sa dibdib. Ang sakit. Sobrang sakit. Naninikip ang dibdib ko. Luha? Ano to? Umiiyak ako? Pero bakit? Anong nangyayare? Hindi ko maintindihan. Nasan ako?' sambit ni Sahania sa sarili.

Iminulat niya ang mga mata niya. Malabo. Halos wala siyang maaninag. Pumikit siya ulit. Punong-puno ng luha ang mga mata niya. Kinapa niya ang kanyang pisngi at naramdaman niyang basang basa nga ito. Pero bakit siya umiiyak? Bakit ansakit sakit ng nararamdaman niya? Hindi niya alam kung anong meron pero hindi niya talaga mapigilang umiyak. Naramdaman niya ang paninikip ng dibdib niya at hindi tumitigil ang pagdaloy ng luha niya na parang ansakit sakit na ng ulo niya sa tuloy tuloy na pagluha.

'Ayoko ng ganito. Tama na! Hindi ko na kaya! Ayoko ng umiyak!' sigaw ng utak ng dalaga.

Sa kabila ng pag-iyak ay pinilit niyang muling imulat ang mata at sa wakas ay may naaaninag na din siya. Nakasuot siya ng puting damit. Nakaupo siya sa kahoy na upuan. Ngunit nasaan siya? Inikot niya ang kanyang paningin. Para siyang nasa isang park. Napapaligiran ito ng matataas na puno at halaman. Nakilala niyang parang panahon ito ng taglagas dahil halos mga walang dahon ang mga puno na naroon at may mga nagsisilaglagan na mga dahon na nililipad ng malakas na hangin. Ang malakas na hangin ay nagbibigay ng malamig na pakiramdam.

Pero nasaan siya? Anong ginagawa niya doon? Ngayon lang niya nakita ang lugar na yon. Pero bakit siya umiiyak? Bakit ansakit sakit ng nararamdaman niya na nagpapasikip ng dibdib niya? Anong meron? Paano siya nakapunta don? Bakit siya mag-isa?

May papalapit. Papunta ito sa kung nasaan siya. Isang lalaki. Nakasuot ito ng puting t-shirt sa ilalim at natatakpan ng itim na jacket. Hindi niya maintindihan ang sarili pero parang mas lalong nanikip ang dibdib niya at mas nagpatuloy siyang umiyak ng makita niya ito. Itinaas niya ang kanyang mukha ng makalapit ito upang kilalanin. Pero sa kung anong kadahilanan ay hindi niya maaninag ang mukha nito. Hindi niya alam kung dahil sa sikat ng araw, dahil sa matinding pagluha niya o kung anuman pero hindi niya talaga maaninag ang mukha nito maliban sa mga labi ng lalaki. Nakikita niyang gumagalaw ang mga labi nito. May sinasabi ito sa kanya. Pero ano?! Wala siyang marinig! Nagsasalita ang lalaki sa harapan niya pero wala siyang marinig!

'Anong sinasabi mo?! Bakit ako nandito?!' gustong sumigaw ng dalaga pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay walang lumalabas na salita sa bibig niya. Anong meron? Hindi ito maaari! Pinilit niyang buksan ang bibig niya.

'Bakit hindi kita marinig?! Bakit ako umiiyak?!' Pero kahit anong gawin ng dalaga ay wala talagang lumalabas sa bibig niya. Gusto niyang malaman kung sino ang lalaking ito at kung anong dahilan bakit ito nagpapakita sa panaginip niya.

'Sino ka?! Sino ka?! Sino ka!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!'

--------------------------------------------------------------------------------------

Napabalikwas sa pagkakahiga si Sahania. Isang panaginip. May naramdaman siyang tumulo sa leeg niya. Kinapa niya ang pisngi niya. Umiiyak siya. Naguguluhan ang dalaga dahil kahit alam niyang panaginip lang iyon ay hindi niya parin mapigilan ang pagtulo ng luha niya. Eto na naman siya. Nakita na niya ang panaginip na iyon dati pa. Ng paulit-ulit. Pero kahit ilang beses na niya itong napanaginipan ay nagigising parin siyang umiiyak sa hindi maipaliwanag na kadahilanan.
Sa panaginip niya umiiyak siya pagkatapos paggising niya ay may luha sa mga mata niya at naiiyak padin siya. Nananaginip din naman siya ng iba pero ang panaginip na iyon lang talaga ang paulit ulit. Nakaupo siya sa silyang kahoy sa parang park or garden na may mga bakod at napapalibutan ng matatangakad na halaman at puno na halos nagsisilaglagan ang mga dahon sa lakas ng hangin at dahil makikita mong panahon na din ng taglagas. Tapos may lalapit na lalaki na hindi niya maaninag ang mukha, nagsasalita ito pero hindi niya marinig ang sinasabi nito, pagkatapos nun ay magigising ulit siya. Laging ganun, every single time. Akala mo naka enable ang replay button ngunit kada gigising siya ay umiiyak parin siya.
Nagsimula ang panaginip niyang iyon noong grumaduate siya sa elementarya. Hindi niya maintindihan kung papaano nangyare at kung ano ang dahilan pero noong una niyang mapanaginipan iyon ay naaalala niyang nakita niya ng buo ang mukha ng lalaki doon at pati ang ibang sinasabi nito sa panaginip niya.
Ngunit hindi niya maintindihan bakit sa tuwing magigising siya ay hindi na niya maalala ang itsura ng lalaki. Noon ay halos linggo linggo niyang napapanaginipan iyon. Kada gigising ay umiiyak siya at di niya maalala ang itsura ng lalaki. Paunti unti ding lumalabo ang itsura nito at humihina ang boses at dumating na nga ang panahon na wala na siyang naririnig sa mga sinasabi ng lalaki sa panaginip niya at literal na wala na siyang maaninag sa mukha nito. Hanggang sa naging malimit niya nalang itong mapanaginipan. Tuluyang nahinto ang panaginip niya nung bago siya grumaduate ng High School kaya nakapagtataka para sa dalaga kung bakit muli na namang bumalik ang panaginip niyang iyon. Hindi narin siya gumawa ng paraan para alamin ang kahulugan ng panaginip na iyon dahil matagal ng hindi niya ito napapanaginipan. May ibig sabihin nga ba kaya ang panaginip na iyon kaya muli na namang nagpakita sa panaginip niya ang lalaki?

The Non-Existent Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon