Chapter 19: Amusement Park

272 10 1
                                    

Josh Angelo

Hinawakan ko siya sa may bandang pulso, "Hayaan mo muna siya," pagpigil ko.

Parang alam ko na ang nangyayari dito, umiiyak si Lei na lubos ikinirot puso ko. Kahit pa na may nangliligaw o boyfriend niya ba 'to hindi mawawala ng ganun ganun nalang ang nararamdaman ko kay Lei.

"Bakit ka ba nangangailam? Sa pagkakaalam ko hindi ka naman niya kaano-ano." nakita ko ang ngisi sa labi niya na tila ba nangaasar.

"Hindi por 'que, hinayaan lang kita sa katarantaduhan mo, e palalampasin ko 'to." ginamitan ko ang boses ko ng tono na pang-warning.

"Bitawan mo 'ko"

"Hayaan mo muna siya," mahinahon at nagpipigil kong sambit.

Agad kong nakita ang inis sa mga mata niya at sinimulang mag lakad papalayo sa direksyon ko.

"TSS."

"Bakit ka umiiyak?" umupo ako sa tabi niya. "JS Promendae 'to hindi Halloween party, bakit ganyan suot mo?" pangaasar ko, kahawig niya kasi yung Sofia the first niya.

Hindi siya tumahan sa pagiyak, inilagay niya ang mga kamay niya sa mata niya upang ito ay matakpan at lalong umiyak na malakas.

"HUHUHUHU!"

"Joke lang yun e," pinilit ko tanggalin ang kamay niya.

Aba ayaw patibag.

"Tahan na cute mo e,"


"E hindi naman naka cocktail si Sofia!T^T tsaka naka purple naman siya!"


"Bukod sa spelling, ano pa bang pinagkaiba ng purple at lavender?" taas ng kaliwang kilay ko.


"M-mas light yung purple? Hihihihi!~"  ngumingiti sya habang may luha na tumutulo sa mga mata niya. so damn cute, Lei. humarap ako sa kanya upang makita ko siya ng ayos. tinanggal ko ang kamay niya sa mukha nya at agad kong pinunasan ang luha niya.


"Andito lang ako Lei, diba kagkaibigan naman tayo?" ngumiti ako sakanya at hinawi ang buhok niyang sumasagi na sakanyang mala anghel na mukha.


"Si Jayson kasi! HUHUHUHU andami laging kasamang babae tapos friends lang dae sila tapos party daw ito tapos -- tapos hindi niya ako pibapansin," patuloy pa rin ang pagbagsak ng luha niya pero agad ko itong pinupunasan, napapansin ko na nasisira na ang ayos niya sa mukha dahil sa mga luha niya.


Tumayo ako at nag alok ng kamay sakanya na tila ba niyayaya ko siya. "Tara, may pupuntahan tayo na mas mag-eengjoy ka." tumayo din siya at inabot ang kamay ko pero bago kami tuluyang pumunta sa pupuntahan namin ay dumaan muna kami sa mall para bumili ng pampalit, kaysa naman pumunta nalang kami dun ng naka cocktail dress siya at ako na naka tuxedo.

Lei, magiging madamot muna si Gelo ha? ngayon lang naman Lei. Kahit ngayon lang.


--

Rebecca Lei's POV

"Wowwwwww! Ang ganda naman dito Geloooo!!! Wooooohhhhhh!! pagsigaw ko, ngayon nalang kasi ako nakapunta sa amusement park dahil nung nasa Australia pa ako ay 'di ako pinapayagan nina Daddy kasi wala daw ako kasama. NAMISSSS KO 'TTOOOOOOOOO WAAAAAAAHHHH~


Agad akong tumakbo sa may Flying Fiesta. *O* Graabeeeeeee!!! Wooooohhh nag tatalon talon ako at na-excite. parang gusto kong sumakay ditoooooooooo parang ang saya na nakakatakottttt.


Falling in Love to a Childish [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon