Renzy's POV
Jerald texted me na pumunta ako mamayang uwian sa café madera. Gusto ko na ngang maguwian para makita ko na ulit siya.
Dumating na ang pinakahihintay ko. Hindi kasi sumabay si Bes saken may gagawin daw siya kailangan niya daw pumuntang library.
Pagpasok ko sa café. Umupo ako malapit sa may glass para pagbaba niya kitang kita ko na kaagad ang gwapong Jerald ko.
"Ano pong order niyo?" tanong ni Kuyang waiter.
"May kasama po ako e. Hinihintay ko lang? pwede pong pahingi ng isang pitsel na tubig?"
"Sige po."
"Sir your order ito na po."
"Thanks."
Alas kwatro na. Wala pa si Jerald siguro may pinuntahan lang yon. Ayoko naman itext ng itext ano possessive?
Hanggang sa maubos ko yung isang pitsel ng tubig
Alas singko na, baka naman may pinaxerox or print lang yon busy sa thesis yun eh.
7:30 pm baka naman on the way na tapos traffic lang diba?
7:45 pm.
"Sir kayo na lang po yung customer magsasara na po kasi kami eh."
"Ganon po ba? Sige po aalis na ako. Pasensya na po pala kayo."
"Ingat po kayo"
"Thankyou po kuya"
Asan kaya yon? Reasonable naman siguro expalanation niya. Kakausapin ko na lang bukas.
Habang pauwi ako nag Facebook ako.
Joan sent 5 photos.
Si Bes nagsesend nanaman ng selfies niya. Hahahaha
Pagbukas ko pictures nila Jerald at Anjie.
Buhat buhat niya si Anjie. Sinakay pa sa sasakyan.
Kung kayo ako? Magagalit kayo diba? in off ko yung cellphone ko. Akala ko busy ka, gumagawa thesis, nagpaxerox at nagprint at natraffic kingina busy ka nga busy! BUSY sa ex mo.
Sana naman inorient mo ako para Hindi naman ako mukhang tangang naghihintay sayo sa café.
Matamlay akong umuwi. Parang ayoko pumasok naiinis ako pati sa sarili ko.
Kinabukasan sinalubong ako ni Bes.
"Okay ka lang? Ayoko kasing mangielam gusto ko ikaw mismo makakakita."
"Okay lang bes, Salamat sa info. Tara pasok na tayo?"
Nakita ko si Anjie sa upuan niya tuwang tuwa pa. Naglakad papunta sa akin saka ngumiti.
Bxtch is always a bxtch. Magpapakabxtch na din ako.
"Renzy pakisabi sa boyfriend mo salamat sa tulong ah? napakasweet niya talaga"
"Bakit Hindi ikaw ang magsabi? Tutal ikaw naman sumira sa araw ko kahapon"
"Really? Eh di ba pwedeng mas nageenjoy siya kasama ako kesa sayo?"
"You bxtch" sabay tulak ko sa kanya. Napahiga siya.
Buti wala pa masyadong studyante sa room.
Biglang sumulpot sa room si Jerald.
"The FCK anong ginawa mo Renzy!!!" sigaw ni Jerald.
"Tinulak niya ako nagpapasalamat lang ako."
"Ano ba Renzy? Nakita mong hirap maglakad si Anjie eh."
"Wow kaya pala kuntodo lakad pa siya papunta saken. Best actress nga naman. At ikaw Jerald? sino ba ang kasintahan mo? diba ako bakit ako pa yung nagmumukhang masama dito? Ako na nga yung mukhang tangang naghintay kahapon ako pa ngayon ang may kasalanan. Magsama kayo mga putangina niyo!!"