Today Was a Fairytale
Nang makarating sa university ay dali dali na kaming bumaba ni Summer. Fvdge! Nanghihina tuhod yung ko sakanya eh! Ba naman, wagas, nakatabi siya sa kin sa Jeep kanina. Hindi ko kinakaya. Tapos.. tapos.. dala niya pa rin yung bag ko emergerd. Kinikilig ako, kahit alam kong hindi dapat. Kasi alam kong wala namang katugon yung nararamdaman ko sakanya. Ewan ko ba!
“San kaya pwedeng makahingi ng application form dito?” Tanong ko sa sarili ko.
“Hay nako, Winter. Minsan talaga, tatanga-tanga ka eh no? Edi malamang tanong mo sa guard para hindi ka nahihirapan jan.” Maanghang na sabi sa akin ni Summer.
Okay binabawi ko na. NAKAKABADTRIP SIYA HA. Wagas, oo nga’t alam kong shu-shunga shunga ako MINSAN pero tama bang sabihin niya ako ng ganoon? Ay jusko. Walang galang sa babae to ah!
Inirapan ko nga siya sabay sabing, “Makatanga wagas? Talino mo ha. Wooo, hiyang hiya ako sayo. Pramis.”
“Bakit? Matalino naman ako ah?” Mahangin pang sagot niya sa akin. Boom sabaw. Nabadtrip ako don.
Papa God, bakit pa po ba kasi si Summer ang nagustuhan ko? Bakit hindi nalang si Gray? Bakit po? Ang layo po nila sa isa’t-isa eh. Si River Gray, mahal na mahal ako. Pero nagawa ko po siyang saktan. Tapos andito ako ngayon, kasama si Summer. Tapos ganyan naman po ugali niya. Nakakainis naman kasi tong puso ko eh.
“Ge pagyabang mo pa yan worldwide.” Naka-irap naman na tugon ko sakanya.
“Ito naman jinojoke lang eh. Sorry na kung nasabihan kitang tanga. Nadala lang ako ng damdamin ko. Patawarin mo na ako, please?” Pa-cute na sabi niya sa akin.
Ano pa nga bang magagawa ko? Eh sa wala eh.. Di ko kayang mainis sakanya ng matagal. “Oo na. Badtrip ka, ingay ingay mo jan. Samahan mo na nga lang ako papunta dun.” Sabay turo ko sa gate ng university kung saan mayroong guard na pwede naming mapagtanungan kung saan pwedeng makakuha ng application form.
“Kuya, saan po pwedeng makahingi ng application form?” Magalang na tanong ko sa guard.
“Application form? Dito. Ilan ba kailangan mo?” Tanong niya naman sa akin. Mukhang mabait naman si Manong eh, kakatuwa. Doon lang pala nanghihingi, akala ko naman papasok pa sa loob. Buti naman, hindi na.
“Ahh, dalawa po—”
“Tatlo po.” Biglang singit naman ni Summer sa tabi ko kaya napatingin ako sakanya.
“Tatlo?” Nakakunot-noong tanong ko sakanya.
“Para sa akin yung isa.” Parang wala lang na sagot niya sa akin.
Nagulat naman ako doon, akala ko ay sa mas maganda at mas malaki siyang university mag-aaral yun kasi ang usap-usapan sa room. Yun din ang plano nila ng barkada niya kaya nagulat naman ako doon.
Nang binigay na ni Manong yung application form ay agad na naman kaming umalis doon ni Summer. Time check, wow ang aga pa pala. 4pm palang, malapit lang kasi yung Univ. mula sa SBA kaya naging mabilis lang ang byahe namin at madali lang naman kaming nakahingi ng Application Form eh.
“Tara, sakay na tayo ng jeep.” Sabi ko naman kay Summer. Kahit maaga na, alam ko namang uuwi na kami eh. Saan pa ba kami pupunta?
“Wag muna, tara gala gala muna tayo dito.” Aangal pa sana ako pero bigla niya na naman akong hinila palayo dun. “Wag ka ng umangal, libre kita.”
“Ha? Libre saan?” Nakatangang tanong ko sakanya. Nagulat ako kaya ako. Ang bilis ng mga pangyayari, omg.
“Hay nako, malamang pagkain. Ano pa ba? Tara nga dito.” Sabay hinila niya ako papasok sa isang ice cream parlor. “Kain muna tayo dito. Maaga pa naman eh, mamya na tayo umuwi.” Sabi niya habang umuupo kami sa isang table na pandalawahan.”
BINABASA MO ANG
You Are the Song of My Life
RomansaWinter May Chloe is a graduating high school student of St. Beatriz Academy. Being in her senior year, she has this simple and yet, dull life. Though she didn't know that her non-thrilling life would change when a man namely "Ethan Summer Praga" ent...