The detective
September 20 2k17
12:34
Pasig,manilaPumikit ako at dinama ang lamig ng bakal na hawak ng mga kamay ko. Nakakulong ako ngayon sa isang selda at iniisip ang mga kasamaang ginawa ko. Dahil sa kagustuhang sumikat at mag mukang matalino sa lahat, nagawa kong pumatay ng mga tao. Idinilat ko ang aking mga mata at umupo sa isang tabi at muling binalikan ang mga nangyari nung araw na yon;
"Clyde! Mabuti naman at naririto kana. Wala pang nagagalaw sa crime scene dahil wala padin naman si detective cristie , baka Hindi sya makapunta ngayon dahil may sakit daw sya at may gagawin pang importante."
Nilapitan ako ni inspector drei na kababata ko noon.Isa akong detective, magaling na detective to be exact at si Cristie naman ang partner ko kaya sya ang dapat na makakasama ko sa lahat ng kasong iaasign samin pero wala syang kwentang detective., maarte din sya at may sariling mundo. Maganda sana sya kaya lang bobo.
"Hayaan mo sya! Ganun naman talaga ang babaeng yon. Bakit kaya pumasok pa sya sa gantong trabaho kung Hindi din naman nya kaya. Nasan ang bangkay?" Tanong ko sakanya ng nakakunot ang noo. Hindi nila kayang lutasin ang ganitong kaso lang? E kahit ata kinder kaya ito eh.
Sinamahan naman ako ni drei papuntang crime scene. Nandito kami ngayon sa isang apartment na hanggang tatlong palapag at sa pangatlong palapag din kami naroroon dahil nandito ang crime scene.
May nagabot naman agad sakin ng isang folder na naglalaman ng mga inpormasyon tungkol sa biktima at mga suspect.
Name: jenelyn castil
Age: 18
Sex:femaleKakauwi lang galing trabaho ang biktima at dumeretso ito sa banyo upang maligo at magbibihis na sana sya nang may kumatok kaya pinagbuksan nya ito ng pinto kahit na nakatapis lang sya ng twalya.
May saksak sa gitna ng noo ang biktima pero makatapis pa naman ito ng twalya kaya Hindi rape ang pakay ng suspect.
Nakapwesto ang bangkay malapit sa may pinto ngunit nakagilid na ito. Nakabaon padin ang swiss knife sa noo nito.Bukas din ang mga drawer sa may salamin na nandidito at pati ang cabinet ng biktima ay magulo din at parang may hinanap dahil sa naiwan pang nakabukas ang drawer.
Tinignan ko ulit ang folder at nakita ang mga suspects na maaaring may kinalaman dito.
Jeremy tan -bestfriend ng biktima. Ito ang lagi nyang kasama sa trabaho dahil katrabaho nya din naman ito ngunit may nakapag sabi na may gusto daw si Jeremy Kay jenelyn pero may iba daw itong gusto kaya may motibo sya para patayin ang biktima.
Seline duelaz- pinsan ng biktima na nakaalitan nya nitong nakaraang linggo noong family reunion nila.matagal na daw na laging nagaaway ang dalawa pero mas malala ang pinagawayan nila ngayon dahil nauwi ito sa bantaan.
Mark Levis - sya ang nangungupahan katabi nitong kwarto ng biktima. May witness daw na nagkasagutan ang dalawa dahil sa lakas ng pagpapatugtog ng biktima at Hindi raw sya makatulog.call center ang trabaho nya kaya sa gabi ay wala sya, sa umaga naman ay nariyan.
Tinignan ko ulit ang biktima nang sa gayon ay may makalap pa akong impormasyon. Maya maya ay napatingin ako sa nakasaradong kamay ng biktima at napangisi nalang at agad na lumabas para sabihin sakanila kung sino ang killer.
Lahat ng police na kasama sa embestigasyong ito at ang mga suspect ay nag aantay sa sasabihin ko,
"Ang pumatay Kay jenelyn ay si jeremy-"
"Hindi!Hindi ko magagawa yan!mahal ko ang bestfriend ko. Hindi ko kayang gawin ang sinasabi mo!" Naputol ang sasabihin ko ng may umapila pa pero ipinagoatuloy ko parin ito.
"Pinatay mo sya dahil gusto sya ng taong mahal mo. Tama ba? May puso ka nang babae. Pinalabas mo lang na gusto mo sya para malayo mo ang taong mahal mo sakanya. Tignan mo ang polo mo, kulang ng butones. Hawak nya yon sa kaliwang kamay nya. Kaya pinagbuksan kapa nya ng pinto kahit nakatapis lang sya ay dahil Alam nyang darating ka at wala ka namang gagawing masama sakanya pero Mali pala sya. Pagbukas na pagbukas nya ng pinto ay sinaksak mo agad ang noo ng biktima para bawian agad ito ng buhay sabay itinulak mo lang sya sa gilid at hinanap ang presentation nya para sa pagtaas ng posisyon nya. Tama ba?" Hinila na sya ng mga police at isinakay para dalhin na sa presinto.
"Isa nanamang kaso ang nasolve mo idol!" Tatawa tawang lumapit sakin si drei sabay inabot ang sobreng naglalaman ng pera.pagtapos Kong tanggapin iyon ay umuwi na ako.
Pagpasok ng kotse sa gate ko ay bumaba na ako at Hindi na nagabala pang bunutin ang susi. Aalis din naman kasi agad ako.binuksan ko na ang pinto dahil Hindi naman ako ako naglalock
Laking gulat ko ng pagbukas ko ng pinto ay baril agad ang sumalubong sakin kasabay ng taong lumapit saakin at pinosas ang mga kamay ko patalikod, teka? Ano bang nangyayari.
Sinamaan ko ng tingin ang taong nakatayo sa harap ko habang nakatutok ang baril sa akin, Si cristie, ang partner ko kasama ang mga pulis kanina na iniwan ko sa crime scene at naririto din ang kababata kong si drei.
Napapikit ako at napangisi nang maisip ko na siguro ay Alam na nila.
"Hinuhuli ka namin sa salang pag patay Kay jenelyn at sa iba pang biktima ng lahat ng kaso na naresulba mo.Magaling kang magpanggap Clyde. Pero Hindi ako magiging isang detective para sa wala lang. Dalhin nyo nayan"
Napayuko nalang ako sa sinabi ng partner ko na si Cristie. Magaling nga sya.Nagagawa kong magframe up ng mga tao upang ipasa sa kanila ang mga ginawa ko.Naputol ang pagbalik ko sa araw nayon nang may nagbukas ng selda ko at pumasok ang isang nurse na may dalang pagkain. Dito nila ako dinala sa Philippine asylum manila dahil ayon sa psychologist ay may sakit ako sa pagiisip.
Tinignan ko ang nurse na papalapit habang nakangisi sa akin habang dala ang isang tray ng pagkain, nakaisip naman ako ng magiging kabayaran ko sa lahat ng mga kasamaang nagawa ko kaya nagawa kong haklitin ang ballpen na nakalagay sa neckline ng nurse at itinarak ito sa leeg ko.
BINABASA MO ANG
One Shot stories ni author♥
RandomIbat ibang one shot stories na likha ng malikot na isipan ni author