Chapter 11

283 14 1
                                    

Chapter 11

Sooyoung's POV

Idinilat ko ang mga mata ko at nasilaw ako sa sobrang sikat ng araw. Nakahiga ako ngayon ng maayos sa kama ko, tumagilid ako at nakita ko si Luhan.

Si Luhan?!

Napaupo ako bigla. "What the eff-"

"Good morning!" Bati sakin ni Luhan. Ano ginagawa niya dito at paano niya nalaman ang bahay namin?

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sakanya at hinawakan ko ang ulo ko dahil medyo masakit.

"Binantayan ka namin ng dalawang araw." Sabi niya. 2 days?! Nagloloko ba to? Bakit nila ako binantayan ng dalawang araw? At bakit nila ako binabantayan?

"Bakit niyo ko binantayan? At bakit 2 days? Tulog ba ko for whole 2 days?" Tanong ko kay Luhan kasi sobrang naguguluhan ako. Ano bang nangyari?

"Hindi mo na ba natatandaan yung nangyari?" Tanong sakin ni Luhan at parang nagtaka siya. Magsasalita na sana ako ng biglang pumasok si Suho at ang iba pa... Bakit sila nandito sa bahay?!

"Ano ginagawa niyo dito? Suho! Alam ba 'to ni Papa?!" Tanong ko sakanya at ngumiti lang siya sa akin. Nagulat ako kasi bigla kong nakita si Papa, pumasok din siya ng kwarto at isinara ang pintuan.

"Tito, wala po siyang matandaan." Sabi ni Luhan.

"Imposible." Sabi ni papa.

"Imposible ka dyan, alam niyo tamang-tama dating niyo, may ike-kwento nalang ako sainyo." Sabi ko sakanilang lahat at lahat naman sila tumingin sakin at handang makinig.

"Oh, ano naman sasabihin mo samin?" Tanong ni Baekhyun.

"Nanaginip ako eh, naging wolf daw ako. Tapos nandun daw kayong lahat, sinagip niyo daw ako kila Taecyeon kasi balak ako patayin ni Taecyeon." Kwento ko sakanila. Tinitignan ko sila habang nagke-kwento ako at hindi ko masabi kung anong klaseng reaksyon ang mayroon sila ngayon.

"Pero ang galing ko daw kasi nakakapag-Telekinesis ako at hindi lang bagay ang nako-control ko, pati tao! Tapos nung napalayo ko na sila Taecyeon, si Sehun lumapit sakin at pinipigilan-"

"Ka maging wolf?" Biglang singit ni Xiumin.

"Oo, tapos hindi niya ko napigilan kaya-"

"Nakalmot mo siya sa likod at nanghina siya?" Biglang sabi ni Baekhyun. Ang galing naman nila? Paano nila nalaman ang panaginip ako? Pare-parehas ba kami ng panaginip?

"Oo, tapos si Kai naman ang sumunod, pero di padin ako napigilan at-"

"Nakalmot mo naman siya sa balikat?" Biglang sabi ni Chanyeol sakin.

"Oo. Teka pano niyo nalaman? Pero saglit lang hindi pa tap-"

"Tapos si Luhan yung huling pumunta at pinigilan ka niya, niyakap ka niya at sinabing 'Gusto kita'?" Sabi ni Chen.

"Ayiiiiii~ 'Yun yung favorite namin eh." Biglang singit sila D.O at ni Tao. Nag-apir pa yung dalawa at tumawa.

Tinignan ko silang lahat ng masama. Bakit alam ni ang panaginip ko. Oh teka, panaginip nga lang ba 'yun? Kasi kung oo, hindi naman dapat nila alam ang nangyari. Pero kasi alam nila ang nangyari at detalyado pa. Hindi kaya totoong nangyari 'yun? Pero imposible, sa palabas lang naman nangyayari 'yun.

"Pano mo nalaman?" Tanong ko kay Chen.

"Wag kang magugulat anak, kasi ang totoo talaga ay-" Sabi ni papa.

Inlove with a Wolf?! (EXO FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon