Kabanata 16

13 1 2
                                    

Kabanata 16

Brat

'Ihip ng malakas na hanging ang sumalubong sa akin,
Nang ako'y nagpaka-layo layo at napag isa.
Isang taniman ang kaharap, habang iniisip ka,
At ang mga luha mong bumabagsak, habang ako'y nagpapaalam na,
Dahil iyon ang tama at nararapat, tulala,
Habang iniisip ang mga kamay at bisig mong unti-unting pumupulupot sa aking baywang.
Patalikod na yakap ang iyong iginawad,
Upang mapigilan akong lumisan.
Subalit mahal, huli na ang lahat,
Tama na siguro na nag mahalan tayo kahit panandalian,
Kahit pa saglit lang.
Tadhanang tila tayong dalawa'y pinaglalaruan, pag iibigang walang hanggan, ang tumatatak sa ating mga puso at isipan.
Mga segundo, minuto, oras, buwan, araw at taon.
Bakit parang napaka bilis naman ng panahon.
Hawak hawak ang kamay mong kailanman ay hindi lumisan,
Ikaw na bumalik pa rin sa kabila ng pag aabanduna ko,
Ikaw na nandiyan pa rin, kahit na nasasaktan ka na't nakakaramdam ng panloloko.
At ang ikinukubli mong damdamin ay di mo inilabas sa akin.
Subalit nararapat sigurong hayaan muli natin ang tandahana na tayo'y muling pagtagpuin.
Hayaan muna nating lumipas ang panahon at hanapin ang sarili natin,
Kahit mahirap,
Bigyan natin ang ating sarili  ng panahon sa pagiging malaya,
Sana lang ay wag kang mawawala.
Kahit na dumating yung araw na magmahal akong muli, ngunit sa iba na,
Kahit nakalimutan na kita, sana ay wag kang mawawala.
Alam kong hindi patas, dahil ang sabi mo,
Hindi mo kayang magmahal pa kung hindi lang din ako,
Na hindi mo kayang isuko, kung ano ang meron tayo.
Kaya't mahal, patawad.
Isang bagay lang ang tandaan mo,
Kahit anong mangyari, hindi ka mawawalan ng lugar sa puso, isip at sistema ko.
Paalam.'

Pang ilang beses ko na itong pinapractice pero ngayon ko lang ito nakabisado.

Nakaharap ako sa salamin habang binibigkas ang tulang pinamagatan kong 'Paalam', wearing my fitted plain black cropped top shirt partnered with my tattered maong highways pants and black sneakers, I'm ready to go to Jude's event.

Every month ay parating may mga event si Jude at parati niya akong sinasali doon that's why I'm deeply falling in love with literature now. Hindi lang parating spoken poetry ang ganap ko, kung minsan ay nag story telling din ako, nakakatawang pakinggan, pero ganun na nga.

It's been six months, since everything happened at isang buwan nalang ay graduation na namin.

Zoe and I are still in good terms, sometimes we go out to eat pero hindi na kagaya ng dati, hindi na kami masyadong nag uusap lalo na nang malaman niya ang dahilan ko kung bakit ako nakipag hiwalay kay Lance,siya na mismo ang umiwas, nagpapalit siya ng schedule para hindi kami madalas magkita.

Ilang buwan na rin mula nang makita ko si Lance, after what happened, nawalan na kami ng communication, hindi niya ako kinulit o hinabol man lang, yun naman ang gusto ko, kaya ngayon ay parang durog na durog pa rin ako.

Hindi naman ako naging lonely because August is with me, kahit na alam ko ang gusto niyang mangyari sa relasyon naming dalawa, hindi ako nagtatanong sa kanya, at hindi rin naman siya nagtatanong. I think it's better because I'm still in the process of moving on. Alam niya ang mga nangyari kaya nirerespeto niya ang emosyon ko.

Binibigyan ko ng limitasyon ang lahat ng meron kami ni August, ayaw ko siyang umasa sa akin, lalo ngayon, na si Lance pa rin ang naiisip ko kapag kasama ko siya.

Makaraan ang tatlumpong minuto ay isang text ang natanggap ko mula kay August.

"I'm here outside, you ready?"

Hindi ko na siya nireplyan at isang sulyap pa sa aking sarili bago bumaba at umalis ng bahay, walang tao ngayon dito because yesterday, Ate Mara and Kuya Oliver went to vacation somewhere in Bicol with Baby Arvin. Ang sarap sanang sumama kaya lang ay may pasok pa.

Pagbukas ko sa gate namin ay isang matipunong August na nakasuot ng black polo shirt na mayroong tatak na maliit na crocodile sa may kaliwang dibdib tinernuhan niya ito ng black jeans at black sneakers. His hair is at its brush up style, mukha talaga siyang artista sa ibang bansa. Puro siya itim, that's why his white skin is really glowing, dinaig niya ang kulay ko, nakakahiya siyang lapitan. He is smiling genuinely while holding a white rose.

Titig na titig ako sakanya di ko pamigilang ngumiti, sobrang pogi niya, nakakatulala. Para siyang si Lance noon, ma awtoridad at halatang may kaya sa buhay, tayuan palang nakakamatay na, pano pa kaya pag nagsalita. Hala Tyra, nababaliw ka na nga.

"Anong meron?" Tanong ko nang iabot niya sa akin ang puting rosas.

"What?" parang gulat na gulat siya sa tanong ko. Wala naman talaga akong alam kung anong meron. Huminga siya ng malalim at sinuri ang aking mga mata, akala siguro niya ay nagbibiro ako.

Nang walang nakitang pagbibiro sa aking mga mata ay natawa siya at..

"Really, Ty? Oh God." He hug me tight, ang bango bango ni August, ang swerte ko na may kaibigan akong ganito.

"Happy birthday,you annoying brat. I love you." He whispered in my ear habang unti unti kumakalas sa pagkakayakap sa akin.

"Oh my gosh? What date is today? It's March 18!?" Niyuyugyog ko siya habang hindi makapaniwala. Tawa naman siya ng tawa.

Nahiya ako sa sarili ko, sariling birthday ko, nakalimutan ko. Parang nung birthday lang ni Lance, tas nung anniversary namin. Naiinis ako,napaka makakalimutin ko naman!

"You old lady. Let's go. Let's eat first, habang maaga pa." Inakbayan niya ako at lalong inipit.

"Thank you August! I'm sorry I really forgot. Libre ko na, let's go." Sinuklian ko ang yakap niya ng mas mahigpit pa at sumakay na kami sa kanyang sasakyan para kumain.

Masaya na may halong lungkot ang nararamdaman ko, masaya, dahil may isang tao na nagpaalala sa akin kung anong meron ngayon, at malungkot dahil hindi siya yung taong inaasahan kong magpapaalala sa akin ng mga ganitong bagay. Gosh, Tyra!

Sa sobrang pag iisip ko kay Lance at sa aming relasyon, hindi ko na namalayan na nakakalimutan ko na yung mga bagay tungkol sa sarili ko.

Ang hirap lang, dahil kahit anong gawing paglimot ko ay walang talab sa puso kong siya lang yung hinahanap hanap.

God, my poor and torn heart really need to take some rest, let me Lord, help me.

Let's Not Fall In Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon