1.III: The Stranger

2K 80 3
                                    

Labis pa rin ang pagtataka ko habang nakatingin doon sa lalaking nakaitim na hoodie na bigla na lang sumulpot at inatake si Kevin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Labis pa rin ang pagtataka ko habang nakatingin doon sa lalaking nakaitim na hoodie na bigla na lang sumulpot at inatake si Kevin.

Nakatulala lang ako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan sila. Mayamaya'y itinaas ng lalaki ang kamay niya sa ere.

"Void," maawtoridad na sambit ng lalaki.

Matapos no'n ay biglang nagkulay indigo ang paligid. Parang naging makulimlim na madaling araw sa isang iglap lang. Napansin ko rin ang paghinto ng mga gumagalaw na bagay gaya ng mga nahuhulog na dahon mula sa puno at gumugulong na lata ng softdrink.

Maging 'yong ibang hayop gaya ng paruparo at ibon ay parang nanigas sa puwesto nila. Parang huminto ang oras.

Habang ako naman ay nanigas sa kinatatayuan ko dahil lalo akong nagulantang sa mga nangyayari.

"Corinnaya Scythe," pag-alingawngaw ng boses na iyon ng lalaking nakaitim na hoodie.

Sa isang iglap ay may kulay lilang liwanag na lumitaw mula sa kamay niya at mula roon ay lumabas ang isang napakalaking kalawit!

Parang kalawit ni Kamatayan.

Lalo akong natulala sa nasaksihan ko. Sino ba talaga ang lalaking 'to? Bakit puro kababalaghan ang mga ginagawa niya?

Itinutok niya ang kalawit niya kay Kevin. Sa taranta ko ay bigla akong napatakbo sa kanyang harapan nang walang alinlangan at idinipa ko ang mga braso ko upang iharang ang sarili ko kay Kevin.

"Huwag mo siyang sasaktan! H-huwag mong sasaktan ang boyfriend ko!"

Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ngayon ng lakas ng loob para gawin 'to gayong kulang na lang ay lumabas ang puso ko mula sa dibdib ko at nagpapawis na rin ako nang butil-butil at malamig dahil sa labis na kaba. Basta ang alam ko lang, ayaw kong masaktan ng nilalang na ito si Kevin.

Sa pagkakataong ito, buong-tapang akong tumingala sa kanya. Nagulat naman ako nang makita kong kulay pula ang kanyang mga mata nang titigan ko ito nang deretso. Napansin ko rin ang kulay ng kanyang buhok-puti na parang pilak.

Hindi ganyan ang hitsura niya kanina. Sigurado ako.

Habang siya naman ay seryoso at walang emosyon ang mukha ngunit pinandilatan niya ako ng mga mata.

Nakatitig siya sa'kin ngayon na mukhang labis ang pagtataka. Habang ako naman ay para nang malalaglag ang puso at nanginginig na ang mga tuhod.

"Nakakagalaw ka sa loob ng void?"

Hindi ko siya sinagot, bagkus ay napakunot-noo na lamang ako dahil hindi ko naintindihan ang tanong niya.

"At ano sa tingin mong ginagawa mo?" inis na tanong sa akin ng lalaki.

"E-E, ikaw? Sino ka ba? Ano ba 'yang ginagawa mo?" buong-tapang ko namang tanong.

"Puwede ba? Umalis ka diyan kung ayaw mong madamay," seryoso niyang sabi.

Underworld University: The Mystic QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon