May's Point of View
"BASTE!"
Natahimik ang buong classroom, building, school dahil sa sigaw ko. Pero ilang sandali lang din ay bumalik na ang lahat sa kaniya kaniya nilang ginagawa. Halos araw-araw na nangyayari 'to. What else is new?
"Akin na," lahad ko ng kamay ko at lumapit kay Baste na maayos na nakaupo sa assigned seat niya. Sus! Kunyari pa.
"Ang alin?"
"Hindi mo ba talaga ibibigay?"
"Ang ano nga? Anong malay ko sa hinahanap mo? Aba, May, kapag may nawala sa 'yo ako agad may kasalanan? Huwag judgmental. Nakakasakit ka naman."
Pumikit ako at hinawakan ang gilid ng noo ko. Nako, sasakitan talaga ako ng ulo dito. Nagmamaang-maangan pa ang loko.
Ilang taon na at hindi ko pa rin gets kung bakit araw-araw na lang siya nagmamaang-maangan pero araw-araw din naman siya nabubuko. Ako na ang napapagod para sa kaniya.
Magkabarkada na kami hindi pa nagsisimulang pumiyok ang boses niya at magbuhat noon pa ganito na ang ginagawa niya. Kilala ko na bawat kilos at galaw nitong si Baste. Numero uno sa kalokohan at ganitong gimik. Napakahilig magtago ng gamit tapos kunyari wala siyang ginagawa.
Lumang luma na ang mga ginagawa niya. Wala na bang bago? Imagine, freshman years pa lang ganito na siya. Eh nasa senior high na kami ngayon. Kapag ako nainis ako na mismo mag-iisip ng bagong prank para dito.
"Isa," banta ko.
"Dalawa." Aba. Nang-iinis talaga ha.
Bago ko pa siya sugurin ng tuluyan sa upuan niya ay dumating ang dalawa pa naming barkada – si Gio, short for Giorgina, at Derek.
Parang nangangandidato si Gio dahil maya't maya ay may nanghihingi sa kaniya ng candy na agad naman niyang hinahagis sa kanila. May factory ata ng candy 'to, ni hindi man lang nauubusan ng stock.
Nang makarating sila sa tapat namin ay inabot sa akin ni Gio ang Chippy na hawak niya, "Chill, May. Ikain mo na lang 'yan. Dinig na dinig boses mo nasa corridor palang kami." Umupo siya sa tabi ni Baste at ngumiti, "So... ano na naman kinuha sa 'yo ni Baste?"
"Oi!" reklamo ni Baste. "Bakit ako na lang palagi pinag – "
"'Tol, nalaglag notebook mo," pulot ni Derek sa pink na notebook at inabot sa kaniya.
Bago pa man niya 'yon mahawakan ay inagaw ko na ang notebook at umupo sa tapat nila saka pinitik sa noo si Baste. "Wala pala sa kaniya ha." Magtatago na nga lang sa obvious place pa. Sana doon na lang sa may mataas na lugar para hindi ko maabot. Tutal maliit lang naman ako. Hay nako. Kailangan talaga ng proper training nitong si Baste sa pagpraprank.
"Derek naman! Nabuko tuloy ako!" Nanisi pa.
"Ipapakain ko talaga sa 'yo 'to kung sakaling hindi mo agad binigay," I rolled my eyes at him and sat in front of Gio. May homework pa akong gagawin.
I started working on my homework while eating. Ilang sandali lang ay dumikit na sa akin si Gio at Baste.
Si Gio, pinagkukumpara ang sagot namin para raw sure. Si Baste naman pasimpleng kumukupit sa Chippy na binigay sa akin ni Gio. Kunyari nakikikumpara ng sagot eh wala namang nakasulat sa notebook niya. Ano 'yon, gumagamit siya ng invisible pen? As if.
Nasa kalagitnaan na kami ng pagsasagot nang unti-unting lumapit sa amin si Derek. Sumilip siya sa ginagawa namin saka nanlaki ang mata at nagpapanic na kinuha ang notebook sa bag niya. "May homework pala?!"
YOU ARE READING
The Newbie
HumorMeet Gio, isa sa pinakapalakaibigan na taong makikilala mo. Mabait at mabilis makasundo ng ibang tao. Meet May, Derek and Baste. Sila ang mga kabarkada ni Gio. Ilang taon na silang magkakaibigan. Magulo man minsan pero wala na silang gustong ibahin...