CHAPTER 45

59 20 2
                                    

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at nakitang nasa isang silid ako, walang ibang tao kundi ako lang. Sinubukan kong gumalaw ngunit noon ko lang napagtanto na mahigpit ang pagkakatali sa aking mga kamay ganon na rin sa paa.

Ang huli kong naaalala, kausap ko si Yumiko at Seinji. At...

Shit! May kung anong bagay na pinaramdam sa leeg ko si Yumiko dahilan para himatayin ako!

Damn it. Ano bang problema niya? Nasan si Devin? I need to get out of here!

Agad akong napatingin sa papabukas na pinto, bakal ang pinto kaya naman nagdudulot ito ng ingay. Doon ay nakita kong iniluwa si Yumiko kasama si Seinji.

"Kamusta tulog?" Nakangising saad nito habang papalapit sa pwesto ko. Tinitigan ko naman ito ng matalim.

"Why are you doing this?!" Bulalas ko. Tinignan ko naman ang walang emosyon'g mukha ni Seinji. "Seinji what the hell is going on?!"

"Ito ang nakatadhana para sa'yo, Queenie. No one can change the fact that you're dying tonight." Sabi naman ni Yumiko.

Die?! Am I really going to die?!

"Bakit? Anong ginawa ko?" Gigil na tanong ko pa. Hindi ko lubos maisip na ginagawa nila sa'kin ito.

Sasagot pa sana si Yumiko nang hawakan ni Seinji ang braso nito dahilan para matigil ito at mapatingin sa kanya. Nakaramdam ako ng matinding inis dahil parang may tinatago pa sila.

May tinatago pa, eh sinabi niyo na ngang papatayin niyo 'ko. Yun lang ang big deal dito.

"Ano?! Bakit parang may ayaw pa kayo sabihin?!" Sigaw ko dahilan para mangunot ang noo ni Yumiko.

"H'wag mo kaming sinisigawan dahil baka hindi kita matantya." Giit nito kaya nakagat ko na lamang ang aking labi habang masamang nakatingin sa kanila.

"Nagpunta lang kami dito para alamin kung gising ka na, ngayon makakaalis na kami." Blangkong sabi ni Seinji at nagsimula nang maglakad pero muli akong nagsalita.

"Nasaan si Devin?! Tell me where is he?!" Nanggagalaiting sigaw ko dahilan para mapalingon siya sa'kin.

I don't know what their planning to do with me pero sana naman atleast malaman ko lang kung nasan si Devin... maybe... maybe he can save me...

"Mamaya mo na---"

"I'm here."

Bigla akong kinabahan sa huling nagsalita. No doubt, it's Devin. Dahan dahan siyang pumasok ng silid habang nakapasok ang mga kamay sa bulsa.

Walang ekspresyon na makikita sa mga mata niya kagaya ng nakasanayan ko ngunit may kung anong aura na nagpaparamdam sa'kin ng masama...

"Devin..." Usal ni Yumiko.

"Umalis na muna kayo." Malalim na utos ni Devin without breaking our eye contact. Para akong nanlalamig sa mga tingin niya'ng yun.

Walang anu-ano'y natagpuan ko na lamang ang sarili na kaming dalawa nalang ni Devin ang nasa kwarto. Kinakabahan ako sa mga tingin niya ngunit tinatatagan ko ang loob para labanan 'yon.

"Pakawalan mo 'ko, Devin." Naiusal ko na lamang habang nakatingin pa rin sa kanya. Hindi siya sumagot at nanatiling nakatitig sa'kin which is hindi ko ma-gets.

I have this bad feeling na isa siya sa may balak na gawin sa'kin. Kasi kung wala... Kanina niya pa ako pinakawalan.

Dahan-dahan siyang lumapit sa'kin at umupo gamit ang isang tuhod, dumukot siya ng maliit na kursilyo sa bulsa at pinutol ang tali sa aking mga kamay at paa.

CRIMINAL [Under Major Editing]Where stories live. Discover now