Chapter 1 - First Day

459 4 1
                                    

[June 2008]

Unang araw ng pasukan sa aking bagong eskwelahan.  Kabado akong papasok, malaki kasi itong bago kong school. Isa siya sa pinakamahal na eskwelahan dito, pero di naman exlusive. Medyo malayo din ito sa aming bahay. Nagcommute lang ako papunta rito. Minsan lang kasi namin gamitin yung kotse namin, 4 seater car lang naman yun at lolo ko ang nagda-drive, madalas kasi sumpungin ng rayuma yun eh kaya duon na lang siya sa mga halaman niya sa garden namin ng maghapon, halos araw-araw. Sila lang ng lola ko na nanay at tatay ng daddy ko at katulong namin ang kasama ko sa bahay. Isang professor ang lola ko sa university diyan sa U-belt. Habang ninenerbyos na nagiisip ng kung ano-ano bumaba na ako ng jeep.

Pagpasok ko sa gate ng school. Dumiretso agad ako sa bulletin board, yun kasi ang nakalagay sa papel na ibinigay sa akin nung nag-enroll ako para siyang guide for the freshmen or new enrollees ng school, duon ko titignan kung saan akong section mapupunta. After nun nakasulat din na lahat ng estudyante ay expected to go sa gymnasium sa oras na makita na nila ang kanilang section kaya naman pumunta na ko dun. May specific place pala para sa kaniya kaniyang section sa gymnasium ng school so I immediately looked for my section, nakita ko naman agad since yung mga advisers ay may hawak na banner with the section name written on it.

Nagkaroon ng mass para sa opening ng school year, pagkatapos noon pumunta na ang lahat sa kaniya-kaniyang rooms. 30 kaming magka-kaklase, may 3 sections per year at napunta ako sa 3rd section or last i guess but I really hope not. Nagpakilala isa-isa, nagkaroon ng recess at nagpaalam na before lunch time. Halfday lang sa first day of school dahil wala naman talagang gagawin sa first day. Yun din yung nakalagay sa "guide" or as what i said papel haha.

Naging maayos naman ang lahat sa unang araw, wala pa akong halos ka-close pero may napansin akong isa kong classmate. Sa likod siya nakaupo. Nakita ko siya nung nag-cr ako kasi dun ako sa pintuan sa likod pumasok pagkabalik ko. Dalawa kasi ang pintuan sa mga room, alam ko kasi lahat ng mga nage-entrance exam ay tinu-tour ng mga staff ng school gaya na rin ng kwento ng nag-tour sa amin. Yung isa namang pintuan nasa harap, malamang. Ewan pero parang nakakakaba siyang tignan, siguro dahil sa mata niyang mapupungay. Mukha siyang seryoso at may itsura naman. Moreno siya at may katangkaran talaga. Di ko pa alam ang pangalan niya paano ba naman hindi kasi ako nakinig ng maayos sa mga nagpakilala. Wala tuloy akong natandaan na pangalan ni isa. Kinakabahan kasi ako kaya pinre-pare ko na lang muna ang sarili ko sa pag-introduce sa klase.

Umuwi ako agad after ng first day of school, wala naman kasi akong masyadong gagawin eh kaya yun. Kahit boring dito sa bahay, comfortable naman ako. Na-miss ko tuloy yung elementary days ko sa province, duon kasi ako lumaki simula nung iwan ako ng parents ko after naming bumalik sa pilipinas from the states. Duon kasi ako pinanganak and we stayed there hanggang 6 years old ako gaya ng kwento sa akin ng mga kamag-anak namin. After nila akong iwan, bumalik ulit sila dun. Inalagaan ako ng relatives sa part ng mommy ko.

By the way, ako nga pala si Alexa Dela Rosa, 13 years old, 1st year high school. Di naman katangkaran, mga 5'3 lang, mestisa, may kasingkitan ang mata, mahaba ang buhok at mahinhin daw. Inosente pa ako sa halos lahat ng bagay, nerdy ang aking style dahil siguro naka-eyeglass ako dahil medyo malabo ang mata ko. Simple lang akong tao, hindi maarte, medyo mahiyain at tahimik talaga. Ang aming pamilya ay hindi ganoon kayaman pero higit pa kami sa may-kaya, yata? Haha. Lets say we have a more than normal life but not that well gaya nung mga may mansion, ganun..

Sana maging maayos ang unang regular class ko bukas, kahit gaya na lang rin ng unang araw ng aking pagpasok. Sana makita ko na rin siya at makausap kahit kasi ganoon ang dating at ayos niya, parang nakaka-intriga siya. Mahirap man aminin, gwapo siya ah may pagka-astig pero baka maangas at mayabang yung mokong na yun kaya nakakatakot din na lapitan . Ah basta sana malaman ko rin ang kaniyang pangalan, crush ko na yata yun eh.. Ewan!

 ‘Ang pag-ibig parang imburnal, nakakatakot mahulog at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka.’ - Bob Ong

Unang Pag-Ibig (One-Sided Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon