Chapter 40

1.1K 67 14
                                    

Maymay's POV
× × ×

"Luhhh!?" Mahinang sabi ko pagkagising ko. Wait. Totoo ba tong nakikita ko? Ilang beses ko binuksan at sinarado ang mga mata ko. Magkatabi kami natulog ni Edward? Aba, loko to ah! Linaw ng usapan kagabi eh! Sarap pa ng tulog oh. Ah ganun!?

Maiinis na sana ako, kaso nung bumangon ako ng bahagya nakita kong nilagyan niya pala ng mga unan sa pagitan namin. Kahit papaano, na-appreciate ko naman na pinag-isipan niya parin pala. Tsaka, ako lang ang may kumot saaming dalawa. Ang sweet naman ng mokong na to! In fairness naman daw, mukha namang walang halong malisya. Sabagay, hindi naman siya ganun. Hindi.

Okay, sige na, di na ako gagawa ng issue pa. Uy pero ha, ang gwapo ng naman ng salubong sakin ng umaga! Tuluyan na akong bumangon sa kama para mag-ayos ng sarili. Bumalik din naman ako agad at eto, tinititigan lang siya mula sa sofa. Ang himbing parin ng tulog niya.

Tumayo ako para kumutan siya pero imbes bumalik sa sofa pagkatapos, napabalik tuloy ako sa tabi niya. Maaga pa naman kasi, alas-kwarto palang o! Dahan-dahan akong humiga para di ko siya magising. Wala akong ibang ginawa kundi titigan ang mukha niya.

Sa totoo lang, ngayon ko lang nakikita ng masinsinan ang mukhang to, kasi madalas, pag nakaharap siya sakin ay sa mga mata niya lang ako nakatingin. Paano naman kasi, grabe siyang tumitig. Pakiramdaman ko matutunaw ako sa bawat tingin niya sakin. Napapa-iwas pa ako minsan kasi hindi ko kinakaya, sabay distract ko nalang sakanya para tumigil na.

Mula sa kulay ng balat niya, mga kilay at pilik-mata niyang mahahaba at sa matangos niyang ilong, doon palang alam ko nang para siyang prinsipe. Yung mga nasa TV ba? Isama mo pa yung mga nunal niya sa mukha. Ang perfect niya. Bakit ba kahit natutulog siya nakangiti parin talaga? Pogi. Kainis a.

Hindi ko alam pero gusto kong hawakan yung mukha niya. Siguro kasi, dahil tulog pa siya. Pag gising to, aynako asa! Siya ang panay ang pangungulit saakin. Inayos ko ang pagkakahiga ko para mapalapit pa sakanya ng husto at inilapit ko ang kamay ko sa mukha niya. Sana wag muna siya magising agad, kasi gusto ko muna siyang titigan ng ganito kalapit.

"Hey." Bigla siyang bumulong.

"Ay bushak!" Sabi ko nalang at nagtangkang babangon na sana. Nahiya ako bigla. Nasa ere pa pala yung kamay ko, sa harap ng mukha niya. Patay na! Hinawakan niya yung kamay ko kaya hindi din ako nakabangon.

"I'm sorry if you felt offended in a way." Sabi niya agad. Alam niya talaga ano? Pero, sabi ko nga hindi naman kasi siya ganun.

"Okay lang. Alam ko namang mahirap matulog sa sofa at ayaw mo lang naman iwan ako." Sagot ko sakanya.

Nilagay niya yung palad ko sa pisngi niya at nagpasalamat siya saakin. Nagiging normal na ata namin mga ka-sweetan niyang mga ganito. Ayokong masanay ng sobra uy, hala, baka mamaya hanap-hanapin ko na. Naman eh!

"Alis na ako." Sabi ko sakanya kasi kailangan ko na rin ayusin yung mga gamit ko para sa biyahe namin mamaya. Ngayon na nga pala kasi yun, off to Baguio na.

"Let's eat breakfast first?" Pag-aaya niya naman. "I'll cook for us."

"Hindi na, sa bahay nalang ako kakain. Matulog ka pa."

"Okay then, hatid kita outside." Sabi niya at bumangon narin kaming dalawa, nag-ayos ng konti para makababa na.

Tulog pa raw si Tita kaya pinasabi ko nalang din kay Edward na nagpapasalamat ako sa time kasama siya kagabi. Nag-enjoy ako makipag-kwentuhan kay Tita. Sa totoo lang, di lang naman puro si Edward yung pinag-usapan namin, pati rin yung kapatid niya. Buti nga okay na sila Tita pero masakit daw talaga mawalan ng anak, sabi niya. Yung mga bagay na yun, hindi kasi kinuwento ni Edward saakin masyado kaya feeling ko nasaktan talaga siya eh. Sino nga ba naman kasi ang hindi?

Broken Promises (MayWard) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon