Pagkatapos ng sakit na minsan ko nang tinamasa ay ang ligaya at kapanatagan na naghihintay lamang sa akin. Ligaya at kapanatagan na mas pinili kong balewalain dahil sa nabulag ako ng aking labis na pagmamahal sayo. Naniwala kasi ako na sayo ko makakamit ang ligaya ng walang humpay, ngunit kabaliktaran ng nangyari. Minahal kita dahil yun ang kagustuhan ng aking puso, ngunit hindi ako kailan man ginusto ng iyong puso gaya ng nais ko.
Ang sakit palang maging assuming. Yung tipo ng tao na nag-aasume na makapiling ka hababg buhay. Ang sakit malamang naniwala ako na akin ka at naniwala ka naman na ikaw ay para sa iba. Bakit mo pa ako pinagmukhang tanga? Mas nanaisin ko pa na diretso mong sabihin sa akin na hindi mo ako kayang mahalin dahil may mahal kang iba kesa malaman ko pa sa iba na nakikipaglandian ka na. Bakit ba? Mahal na mahal kita, ayaw mo ba?
Nagbago ako para sa iyo subalit nagbago ka para sa iba. Kailan ka kaya magbabago para sa akin? Minahal kita, lumisan ka. Umiyak ako natuwa ka pa. Bakit ba? Bakit kung kailan natuto akong maghintay dun ka bumigay? Bakit kung kailan natuto akong magtiis dun ka sumuko? Bakit kung kailan nasasabik akong akap-akapin ka dun ka lumayo? Bakit kung kailan mahal na mahal kita dun ka nagmahal ng iba?
Sumapit na ang wakas. Ang wakas ng iyong pag-ibig ngunit heto ako, heto pa ng pagmamahal kong hindi pa kumukupas.
Mahirap magpaalam sayo lalo nat naging parte kana ng aking buhay. Mahirap kang kalimutan dahil lagi kitang natatandaan. Mahirap kang bitawan dahil lagi kitang hinahawakan. Pero mas mahirap pala kapag lagi kitang natatandaan sa halip na dapat na kitang kalimutan.
Paalam. Paalam na at siguro ito na ang wakas. Naniniwala ako na ang pagmamahal at pag-ibig na nagwakas ay ang simula ng pagbunsod ng tuluyang pagpaparaya.
Asahan mong ikay akin pang mamahalin bilang kaibigan habang ang mga ala-ala ay ililipad ng hangin papalayo sa isip, sa puso at damdamin hanggang tuluyang maglaho.
Asahan mong ikay akin pang iibigin sa imahinasyon mula sa puso patungo sa tanaw hanggang marating ang wakas,ang kahilihilihang wakas at sa wakas ng kahulihulihang wakas "NAKABITAW NA".

BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PuisiLove heals, love hurts. Masakit ngunit hinahanap-hanap. Ang tanong, Until when? Hanggang kailan maninindigan sa ngalan ng pag-ibig o hanggang kailan masasabing tama na?