I Love a Man Who Doesn't Exist (one shot)

793 32 53
                                    

Sana magustuhan niyo to, pang 4 ko na itong story so here is it.

x

---------

Summer na naman and I really hate it. The fact na tuwing summer vacation ay pumupunta kami sa resort which is owned by my parents, no choice naman ako kundi sumama. I hate summer, the resort, the pools or the beaches, at dahil iyon sa hindi ako marunong lumangoy and may trauma na ako dahil noong 10 years old ako ay nalunod ako and now I'm 16, hinding-hindi na ako lumalapit pa sa mga pool or beach. By the way, I'm Charlotte, and may kuya ako si kuya Christopher, 18. Okay ayan na! Natatanaw ko na. Nandito na kami ngayon sa resort.

Welcome to C'S RESORT

"Magandang umaga!" Masiglang bati sa amin ni Ate Jinni, isa sa mga pinakamatagal at pinagkakatiwalaan dito sa resort. Nang huli ko siyang makita ay maganda siya, ngayon lalong gumanda. Ngumiti siya pero nang tumingin siya sa akin ay tila nabura ang kakapiranggot niyang ngiti. Pagod na siguro si ate Jinni. I just shrugged it off.

"Good morning, Jinni." Nakangiting bati ni kuya Per. She smiled again then walked us to our own rooms. Obviously, dito kami ng whole summer and it made me sick. Pagkadating ko sa magiging room ko ay nahiga na ako, nakakapagod kaya, halos 5 hours ang biyahe namin kaya nang biglang may kumatok ay hindi na ako nag-abala pang tumayo at pagbuksan kung sino man iyon.

"Pasok." Tinatamad kong wika bago pinilit na maupo.

"Heey sis." Ito lang pala.

"Yup?" At muli akong nahiga sa kama. Lambot talaga ng kama kong mahal.

"Gusto mo bang sumama sa beach side?" Niyugyog pa ako nang hindi ko sumagot.

"Kuya naman... I hate it, diba?" Kumunot lalo ang noo ko nang tumawa pa siya. I gave him a glare that made him to stop. Dapat lang.

"Hoy Lotte, tutulungan mo lang naman ako sa part time job." At hinila na niya ako patayo sa kama. May balak pa atang buhatin ako nang sinipa ko ang tiyan niya. Woah! May natutunan naman pala sa coach ko sa judo. "Babae ka ba? Ang sakit." Hawak-hawak ang tiyan ay naupo siya sa sofa sa harap ng kama ko.

"Modern woman here, jackass. At huwag mong minamaliit ang tulad kong babae. Marami akong alam. So? What do you want? Ano kinalaman ko sa pagpapart time job mo?" Pinandilatan ko pa siya ng mata. I know na malaki na talaga ang mata ko, pero lalo pa itong lumaki sa inis.

"Dami mo talagang alam." Natawa na lamang siya. I nodded. Marami talaga akong alam. "Kasi PO, sabi ni erpat, bibili niya ako ng bagong kotse eh syempre pumayag ako. Ang kaso bilang isang life guard..." Paliwanag niya pero pinutol...

"Ano ba yan! Pabitin pa! Ano nga?" Nilapitan ko na siya na at naupo sa tabi niya.

"Tuturuan muna kitang lumangoy bago ako pumayag, dahil alam kong ikaw lang naman ang babantayan ko!" Sabay tawa nito nang malakas. "Daig ka pa ng mga 7 years old, Lotte." Dagdag pa niya at patuloy sa halakhak.

Hinila ko ang shirt niyang kulay gray at sabay binatukan sa ulo. "Che! Huwag kang mag-alala, hindi naman ako lalabas sa kwarto ko."

"Hoy kanina ka pa. Nga pala, nandito sa resort natin yung favorite mong boy group sa Korea. Nagulat nga ako. Biruin mo sa resort pa natin---" Hindi ko pinakinggan pa ang sinasabi niya. Omg! B1A4 nasa Pilipinas! Nasa C'S Resort. Iisa lang hinihingahan namin!

"Osige kuya, pakisara na lang yung pinto ko pag aalis mo." Sabi ko sabay tayo, hablot ng SLR ko and paper with pen, for signing. Girl scout ito. Laging handa. Pero hindi handa sa kalokohan ng kuya kong baliw! Paalis na ako nang sabihin niyang "JOKE LANG!" bago kumaripas ng takbo. Lalong lumaki ang mga mata ko. At hindi na nagpaligoy-ligoy pa. Nanakbo na rin ako at hinabol siya. Makakaisa na naman iyon sa akin.

I Love a Man Who Doesn't Exist (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon