"Comoestas Batang Zoren?" (comoestas= kamusta) isang katandaan ang biglang pumasok sa silid. Maaaring ito na si Master Mines. Matagal ko ng alam ang kanyang pangalan ngunit ngayon ko pa lang siya makikita.
"Mabuti" tipid kong sagot. Ayaw ko na magtagal dito, nais kong ibigay na niya ang gusto niyang ibigay at nang makaalis na.
"May kasama ka palang napaka gandang babae. Sino siya?" tanong sakin. Napa ngiwi naman ako sa tanong niya at sa sinabi niyang napaka ganda. Bulag ata to.
"Si Aliyah, ang ampon ni Lolo." sabi ko sakanya at tumango tango lang siya. Nginitian naman siya ni Aliyah at ganun din si Master Mines. Tumayo siya at parang may kinukuha sa isang gabinete. Isang papel na nakarolyo ang kinuha niya.
"Inaasahan ko nga pala ang pagdating niyo dahil may ipapabigay ako sa iyong Abuelo" (abuelo= Lolo) sabi niya sakin. Tumango lamang ako.
Nakakapagtaka at di nagsasalita ang pangit na yun. Lumingon lingon ako sa paligid at biglang nawala! Ang tigas talaga ng ulo nun!
"Maaari ko bang makuha na ang ipapabigay mo? At nang makaalis na." ngumiti namang nakakaloko ang matandang lalaking ito at iniabot sakin ang papel na nakarolyo. Mukhang napapansin niyang naiinis ako sa babaeng pangit na un!
"Mecio gracias" sabi niiya at tuluyan na akong umalis sa silid. Inumpisahan ko namang hanapin si Aliyah. Ano bang nakain nun at di mapakali sa sarili. Wala ng ginawa kundi bigyan ako ng sakit sa ulo. Malalagot sakin yun.
Aliyah's POV
Habang nag uusap sila. Umalis na ako, nakakatamad naman kasi sa loob at boring ang silid na yun. Walang kabuhay buhay kaya naisipan kong lumabas at maglibot libot sa kahariang ito.
Napunta ako sa isang silid kung saan may mga kuwadro na gawa na nakadikit sa pader. Ang ganda ng pagkakagawa. Limang kuwadro na gawa ang nakapaskil sa pader. Ang isa ay kulay na brown, mukhang ang saya ng pamilya na ito at ang ganda ng kanilang anak. Binasa ko ang nakalagay sa baba at isang 'Trissac Isles Palace' ang nakalagay. Wow kung hindi ako nagkakamali si Prinsesa Dayna ito? Ang ganda niya.
Sa kabilang dako ay kulay green na kung saan Isang babae na hawak ang anak niya lamang ang naroroon. Ang lungkot naman dahil hindi sila kumpleto.
Naglakad ako ng kaunti para makita ang isang malaking kwadro na gawa. Bakit wala silang anak? Ang mga mata nila ay malulungkot kahit nakangiti sila sa larawang ito. Napahinga ako ng malalim na tila may parte sakin na malungkot, bakit ganito ang pakiramdam ko ng makita sila.
Tinitigan ko ang mata ng Reyna parang nakita ko na ang mga matang iyon dati. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko silang makita na ayoko.
Pagkatapos kong tignan ang mga larawan ay umalis na ako sa lugar na iyon, nagsimula na kong maglakad. Maglilibot libot pa ako. Mukhang di pa naman sila tapos mag-usap.
Habang naglalakad e biglang may humila sakin ng kamay ko. Hindi ko agad natignan ang humila sakin dahil sa gulat ko.
"Ikaw kung saan saan ka pumupunta! Paano pag napahamak ka ha? Edi lagot nanaman ako kay Lolo neto! Isa pang ganito, iwawala kita sa lugar na ito." mukhang alam ko na dahil sa boses niya. Araw-araw ba naman kaming magkasama, malamang at makilala ko na ang boses niya. Napangiti ako dahil nag aalala siya sakin at the same time naiinis dahil iwawala daw niya ako. Hm!
"Patawad Zoren. Gusto ko lang naman maglibot libot sa mundo niyo. Dahil walang ganito sa lugar ng mga tao." mahinahon kong sabi sakanya habang naglalakad kami. Hawak hawak pa rin niya ang kamay ko.
"Kung gusto mo maglibot, kailangan kasama ako!" sabi niya, dahil napangiti nanaman ako pero di ko pinahalata.
"Dahil malalagot ako Lolo pag may nangyaring masama sayo. Kung pwede lang ipakain kita sa mga hayop dito e." pagsusungit nanaman niya sakin kaya nag maldita on nanaman ako.
BINABASA MO ANG
Magical Tale: Pure De Luxe (on-going)
FantasíaShe's no one to someone, she's no where to be found and she's out of love by all. A girl wants to find herself gone to a magical world. Is she making her own destiny or Is the destiny making a way for her to find out?