Namumutla
Nanginginig
Parang sasabog ang puso sa lakas ng pintig
Nung unang beses mong hinawakan ang mga kamay ko.
Ngunit di nagtagal naging komportable na ito sa mga paghawak mo.
Sobrang komportable na ayaw ng bumitiw sa pagkakahawak nito.
Kaya hinigpitan ko pa ang pagkapit dala ang dalangin na magtagal pa ang mga sandali.
Tumingin ka saaking mga mata,
at kung ano bang kakaibang klaseng ligaya ang agad kong nadarama.
Ang saya lang talaga! ^_^
Napatitig ako sa mukha mo,
Ang ganda pala ng hugis ng mga mata mo,
ang makakapal mong kilay, matangos mo daw na ilong
perpekto mong labi,
at ang iyong masalimuyak na paghinga.
Ngumiti ka,
Napangiti na din ako,
Napatitig na para bang tumigil ang mundo,
Hindi ko na nga alam kung ano nang hitsura ko,
Alam ko lang, nagkakarera na ang mga pintig ng puso ko.
Gusto ko na din sanang tumakbo,
ngunit hindi palayo sayo.
Gusto kong tumakbo palapit dyan sa puso mo.
Niyakap mo ako,
nagulat ako,
hindi ko inaasahan na sa mga sandaling iyon ay mararamdam ko ang init ng iyong mga braso,
ang tibok ng iyong puso.
Ramdam ko ang pagiging ligtas sa loob ng mga bisig mo.
at kailanman hindi ko naisip na kumawala sa pakakayakap ko saiyo.
Halikan mo,
yan ang sabi ng nalulumbay kong puso.
Hindi ko na pinigilan,
Tinago ko ang hiya,
Hinalikan kita.
Damang-dama ang di pangkaraniwang koneksyon na tila ba sayo lang,
tanging sayo ko lang naramdaman
at mararamdaman pa.
At sa mga oras na yun, hanggang sa mga oras na ito
ito lang ang alam ko, (hingang malalim)
Mahal kita at Mamahalin pa kita hanggang sa dulo ng bilog nating mundo.
YOU ARE READING
Unang Tibok
PoetryPara sa mga inlove jan na habang tumatagal lalong umaapoy ang pagmamahalan. enjoy