Prologue

3 0 0
                                    


"Bestfriend!"

Unang bigkas pa lang ng salita ay alam ko na kung kanino iyon nanggaling kung kaya't napangiti ako at agad na humarap sa pinanggalingan ng boses na iyon.

Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap na agad ko namang tinugon.

"Mukhang masayang-masaya ka ah?"

Tinanggal niya ang pag kakayakap niya sa akin at tiningnan ako sa mata, kinurot ang aking pisngi, at mas lalong lumawak ang mga ngiti nya kung kaya't nadala na rin ako dito.

"Pinayagan na ako ni Debie na manligaw sa sa kanya!"

Sobrang tuwa at giliw na sabi nya ngunit dahil din sa sinambit niyang iyon ay unti-unting nawala ang malawak na ngiti mula sa aking mga labi.

Masakit pala na 'yong taong mahal mo ay may mahal na iba, at ang mas masakit pa ron ay isang kaibigan lang ang tingin niya sayo, isang bestfriend lang at kahit kelan hindi na ito hihigit pa doon.

Sabi nga nila, pag kaibigan, kaibigan lang. Kaso tanga ako, yung kaibigan ko minahal ko kahit alam ko naman na hindi niya maibabalik ang pag mamahal na iyon.

Im Siouxsie Leigh Imperial and Im stupidly Inlove With My Bestfriend.

Stupidly Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon