"RHIEN!!"sigaw ni kuya
"WAAAAH!!!! KUYA, SORRY NA!" Sigaw ko rin sa kanya habang tumatakbo papalabas ng gate.
"BUMALIK KA DITO!!!!!"
Waaaahhhh naiiyak na ko kakainis kasi eh 'di ko naman alam na bawal palang ilagay sa oven yung popcorn eh.
Tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa makarating ako sa gate nila tita. Hindi ako pwede kanila Nathan dahil kakampi ni kuya mga tao dun!
Ok Rhien hingang malamin kunyari walang nangyaring habulan. Tumingin muna ko sa likod at medyo malayo pa naman si kuya kaya keri ko pang gumawa ng kwento kanila tita haha.
Dire-diretso lang ako ng pasok dahil kilala naman na ako ng guard nila tita.
"Good morning, manong" nakangiti kong bati kay kuya guard.
"Good morning din, ija" nginitian naman nya ako pabalik
"Tuloy ka na mukhang malapit na kuya mo haha" pahabol na ni manong kilalang kilala nya na talaga kami kahit minsan lang sila dito dahil sa ibang bands nakatira sila tita at nandito lang sa tuwing bakasyon.
"Good morning Tita, Tito at mga insan, nandito na ang cute niyong pamangkin!" masaya kong bati sa kanila sabay upo sa hapag kainan.
"Psh cute! Madaldal kamo," sabi ni Francheska panganay na anak nila tita Chelsea at tito Andrew Salazar.
"Che cute ko kaya"
"Oo nalang ate rierie oo nalang" sabi naman ni Alexander nakababatang kapatid ni Francheska.
"Tita ohhh ang sama nila sakin" sumbong ko kay tita
"Hay nako! Kayong mga bata talaga kayo tantanan nyo nga si rierie," suway ni tita sa kanila.
Hah! Kala nila ahhh! Kakampi ko kaya si tita!
"At ikaw naman Rhein anong ginagawa mo dito at bakit nakapantulog ka pa? Ano nanamang sakit ng ulo binigay mo sa kuya mo?" Tanong ni tita sakin. Napa-nguso nalang ako.
"Ano nanamang sinunog mo?" Tanong na ni Francheska.
"Ano nanamang pinasabog mo?" Pahabol pa ni Alexander.
Waaahhhh ansama nila..
"Hoy kayo talaga wag niyong paiyakin si Rhein hahahaha"pang-aasar pa sakin ni tito.
"HOY BABAE NAHABOL DIN KITA!!!!!" sigaw ni--
Uh-oh.... napatingin kaming lahat sa labas at nakita namin si kuya dun na hingal na hingal pero mahahalata mo sa aura niya na galit talaga siya kaya dali dali akong tumakbo papunta sa likod ni tita at doon nag-tago.
"Waaaahhhh kuya sorry na po"
"ANONG SORRY SORRY LUMABAS KA DIYAN!" Hala galit na siya huhu.
Lumabas na ko sa likod ni tita at hinarap si kuya na sobrang pula na ng mukha dahil sa galit.
"Uwe," cold na sabi into
"K-kuya?"
"Sabi ko uwe!"
"O-opo! opo!" natataranta kong sagot tumango muna ako kanila tita at agad na sumunod kay kuya.
Pag dating namin sa bahay wala paring reaksyon ang mababakas sa mukha niya.
"Pumasok ka na sa kwarto mo. Lilinisin ko na ang mga kalat," malamig na wika into. Pinagmamasdan ko muna si kuya bago sinunod ang utos niya
Sanay na akong ganyan kalamig makitungo si kuya at naiintindihan ko naman kung bakit..
BINABASA MO ANG
[Slow update]War of the past
Mystery / ThrillerLife is full of mystery, So expect the unexpected, And believe the unbelievable. Date started: December 24, 2017 Date finished: -----