PROLOGUE

5 1 0
                                    

"Tapusin na natin 'to. Mag-aral muna tayo. Ayoko muna ng distraction. I'm sorry," dahan-dahan niyang sinabi na nagpatibok ng puso ko. Tibok na masakit. Tibok na mahapdi at tibok na dahan-dahan din.

Totoo ba 'to? O nananaginip nanaman ako?

"No. It's okay. Naisip ko rin yan noon. Lalo na't malapit na 'kong magtapos. I'm fine."

Labing anim na salita. Labing anim na salita ang naisagot ko. Pero buong katawan at pagkatao ko ay labag sa pagbitaw ng mga salitang 'yon.

Hindi ko alam na maari palang masaktan ang isang tao kahit wala pa kayong relasyon. Pwede pala 'yon?

Kakaiba. Kakaibang pakiramdam. 

Masakit na pakiramdam. Sobrang sakit na parang pinupunit yung puso ko kasabay ng utak ko. Sobrang sakit na wala akong ibang nagawa kundi ang tumalikod ag maglakad ng mabilis dahil nga masakit.

At ayokong masaksihan niya 'yon.

Naka yuko akong lumingon ng bahagya, umaasang makikita sa mga mata niya ang sakit na nararamdaman ko. Pero nabigo ata ako.

Nandoon siya, pinapanood nga akong maglakad papaalis pero nakangiti at kumakaway pa sa akin.

"Mag-iingat ka papauwi ha?" rinig kong sigaw niya na lalong nagpalaglag sa mga luha kong ilang segundo ko ng pinipigilan.

Nandoon siya, nakatayo, hinihintay ang pagkawala ko sa paningin niya, kumakaway at mukhang masaya.

Bakit ka ganiyan?

Bakit parang ang saya-saya mo pa?

Bakit ka ngumingiti? Bakit ka nakangiti na lalong nagpapahirap sa akin na lumakad papalayo.

How can you be so lovely and a jerk at the same time?

And why did our FAKE relationship suddenly ends? Why?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Second Chance For The First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon