"Hindi nga pala tayo.. Wala nga pala akong karapatan. I'm just your friend. Kaibigan na masasandalan mo kapag nasasaktan ka. kaibigan na sasamahan ka kapag nag iisa ka. Kaibigan na nandito lang parati kapag nalulungkot ka. I'm just your best friend, na kayang gawin lahat para sumaya ka.."
Tinitiginan ko siya, pero hindi ko masikmura na wala lang sa kaniya yung mga sinabi ko kaya't agad akong napatungo.
"S-sorry.."
Nang marinig ko yun... Isa lang ang pumasok sa isip ko. Kundi ay hindi niya masusuklian yung nararamdaman ko para sa kaniya.
Hanggang kaibigan lang talaga.
Bahagya akong tumawa at punas ng luhang tumulo mula sa aking mata.
"Ano kaba! Ayos lang.. Basta.. Walang magbabago sa samahan natin ah? Ayokong masira yung tatlong taon na pagkakaibigan natin dahil lang sa walang kwentang damdamin kong to."
Hinawakan ko siya sa kamay. Bahagya siyang nagulat pero hinayaan niya na lang akong hawakan ang kamay niya.
"O-oo. Kaya please wag kanang umiyak." Sabi nito.
Hinawakan niya din yung kamay ko na nakahawak sa kamay niya.
"Huwag kang mag alala, tutulungan parin naman kita kay Thea."
Nginitian ko siya ng mapait.
Mas okey na 'to. Kahit na masakit para sakin na ilakad si Jac na mahal ko kay Thea, diba nga? Kaibigan ko siya. Gagawin ko lahat para sumaya lang siya. Ito yung mahirap eh, nafall ako sa kaibigan ko na kahit alam ko naman na hanggang kaibigan lang ang turing sa akin.
Hindi ko kailan man inisip na mag kakagusto ako sa kaniya. First of all, we're best friend since grade7, kaya't hindi ko inaasahan ang ganitong sitwasyon... Na mapo-fall si Girl Kay boy.
Narealize ko lang to, simula nung dumating si thea.. Cousin ko.
Yeah! It's ridiculous!
It's so on-- I'm Geneviene Rose who falled inlove with my bestfriend, he's Jac Evans Artates.
BINABASA MO ANG
Hindi nga pala tayo
Teen Fiction"Hindi nga pala tayo.. Wala nga pala akong karapatan. I'm just your friend. Kaibigan na masasandalan mo kapag nasasaktan ka. kaibigan na sasamahan ka kapag nag iisa ka. Kaibigan na nandito lang parati kapag nalulungkot ka. I'm just your best friend...