Secret File For Her

19 3 0
                                    

Hi guys ! My name is Vince . Gusto ko sanang magustuhan niyo ang ginawa kong secret file tungkol sa aming dalawa ni Gem , ang babaeng pinakamamahal ko .

Noong elementary , meron akong naging isang kaklase na super cute niya at sobrang ganda . Pinaghalong cute at maganda pero hindi ko pa siya masyadong napapansin noon dahil meron akong girlfriend that time . Oo napapansin ko na siya noon pa kaso pinagwalang bahala ko nalang siya pero kawawa naman ang girlfriend ko kapag umayaw ako kaya hinintay ko yung pagkakataon na hindi ko na talaga kaya at hindi na namin kaya that's why nakipaghiwalay ako sa kanya . Masakit yung nararamdaman ko nung time na yun kasi hindi ako makapaniwala sa na nagawa ko sa kanyang makipaghiwalay .

After naming maghiwalay ng gf ko noon , inisip ko at tinry ko na " What if kung si Gem ang ligawan ko ? Pero papaano ko sisimulan ? " . After kong maka move on sa gf ko , pinatagal ko pa kasi baka isipin ni Gem na rebound ko lang siya kaya nagtagal yun siguro mga 2 months . Syempre kinaibigan ko muna siya at nakikipagkwentuhan to know her more . Nalaman ko rin na naging ex-boyfriend niya yung isa sa mga kaibigan ko kaya nalungkot ako kasi biruin mo , holding hands at laging kasama ? Saan kapa kaya tinamad ako nun . Pero i realized how much worth it kung hihintayin ko si Gem at sana hindi na sila magkatuluyan BWAHAHAHAHAHAHAHA . Tapos tuloy tuloy na ang nangyari hanggang sa .....

Sinimulan ko ng manligaw kahit bata pa kami kasi grade 5 pa kami nun hahahahaha di ko alam gagawin ko kaya palagi ko siyang kinakausap , palaging kasama hanggang sa umamin na ako ng nararamdaman ko tungkol sa kanya . Hindi ko na namalayan na kami na pala ? Nagulat nalang ako ng kinaumagahan pag gising ko at pagpasok ko , kami na pala hahahahaha sobrang saya ko that time as in ayaw ko ng talagang mawala siya .

Pagtapos nung pangyayaring yun, syempre kami na, ang sweet na namin sa isa't isa, pinagtatanggol ko siya sa mga nang-aapi sa kanya and of course, palagi ko siyang tinutulungan sa mga bagay-bagay . Ang sarap mamuhay ng may lovelife kahit bata kapa pero hanggang dumating na yung grade7 na nawala na siya sa paningin ko , hindi ko alam pumasok sa isip ko na kung bakit kailangan ko siyang hiwalayan . Maybe bata pa ako nun kaya hindi ko nakita yung kahalagahan niya , ka-sweetan niya kaya nakipag-break ako sa kanya . Iyak ako ng iyak noon kasi bakit ? Bakit ako nakipaghiwalay ? Yan ang mga tanong na palaging pumpapasok sa isip ko kaya ito napariwara na ang buhay ko .

After namin mag break-up , sa school namin maraming magaganda kaya nagkaroon ako ng crush noon . Ibang iba siya kesa kay Gem kasi iba ang pagpapahalaga na ipinapakita niya . Hindi ko niligawan pero kinilala ko siya and i noticed and i realize na , ayaw niya sakin at sa iba ang gusto niya . Inumon ako ng alak noon hahahahaha kahit grade 7 palang ako kasi iniisip ko si Gem . Tinatanong ko noon na " What if kung kami parin ni Gem ? , aayaw rin ba siya at iiwanan niya rin ba ako ? " . Yan ang tanong na palagi kong naiisip tuwing gabi . Gabi gabi nalang sa pagtulog ko , kadalasan siya ang napapanaginipan ko . After what happened , sinabi ko sa sarili ko na makikita ko rin ang right girl para sa akin .

Pagtapos nung nangyaring yun , at lumipas na ang dalawang taon , grade9 na ako nun , meron akong isang tipong babae na magkalayo kami ng school . Hindi siya masyadong kagandahan at syempre , mabait siya . Nagsimula ang lahat ng yun sa chat . Inaasar-asar ko siya sa pamamagitan ng apelyido niyang kadiri HAHAHAHAHAHA . Well after a month , tinanong ko siya kung pwede bang manligaw ? Then sabi niya , oo daw . Masaya kami noon at di masyadong ka-sweetan pero isang kasamaan ang nangyari . May isang taong nanira sakin at kabalikaran ang mga sinabi niya dun sa natitipuhan kong girl kaya yun . After 2 weeks , di na siya nagpaparamdam hanggang sa nabalitaan ko nalang na may boyfriend na pala siya . Masakit perokailangang tanggapin kesa naman magmukha kanang tanga kakahintay . I already moved on . Siguro mga 2 months rin naka move on ako . Sabi ko sa sarili ko nun , wala na talaga . Ewan ko kung saan ko makikita ang right girl para saakin . Tapos naisip ko si Gem nun . Sana si Gem nalang at sana hindi ko siya pinakawalan nung kami pa . Iyak ako ng iyak that night..

Hanggang sa dumating na yung puntong nag chat si Gem sakin . Waaahhhh dininig ni lord ang panalangin ko kainis . Nag-goosebumps talaga ako nun as in tumayo talaga yung mga balahibo ko sa buong katawan ko . Hala siya na nga ! . Tapos nung nangyaring yung , nagchat na ako sa kanya at pinagpatuloy na namin yung conversation namin hanggang sa sinabi kong mahal ko parin siya , sana hindi ko siya pinakawalan nung kami pa at sana kaya niya pa akong tanggapin ulit . Sabi niya , oo naman . Mahal parin naman kita kaso kailangan muna nating mag-aral . Medyo nawalan ako ng confidence that time pero i realize na worth it siya . Hinihintay ko lang siya until now . Masaya kami at parang " Kami " pero yun nga like what i've said na study first kaya yun . Di nagtagal , natanggap ko narin yung gusto niya na study first muna . Hanggang sa dumating yung puntong nagtatawagan na kami , pero biruin mo ha , siya ang tumatawag at hindi ako . Nahihiya ako at sobrang kapal na talaga ng face ko kasi bakit siya pa ang tatawag HAHAHAHAHAHA kinikilig ako bwisit . At dumating na rin yung pinakahihintay kong pagkikita namin sa " Paco Park " . Well i realize how much i love her at hindi talaga masukat yung pagmamahal ko sa kanya . Iba talaga pag siya ang kasama at iba talaga ang pakiramdam ko kapag siya palagi ang kasama ko . Mahal na mahal ko siya at ayaw kong mawala siya kaya ito , naghihintay lang sa sagot at matamis niyang " OO"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 27, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Secret File For HerWhere stories live. Discover now