Act 1: Lagot kay Boss!

2K 70 77
                                    

"Aray…asan na ba ako?” tanong ni Kupido nang mahulog siya mula sa bubong deretso sa isang bakanteng kwarto.

“Ang ganda naman kasi ng landing ko eh…pwede naman dun sa kama”. Wika niya habang nakatingin sa katabing kama. Dahan-dahan siyang tumayo habang nakakapit sa kaniyang bewang.

“Tsk…may nabali ata…aray ko po”. Pagkatayo niya ay nakita niya ang isang salamin, lumapit siya at tiningnan ang kaniyang sarili at namangha sa suot na damit.

“Naks ganda ng polo…pinadala ba ako dito para may pormahan?” tanong niya sa sarili. Maya-maya pa ay may narinig siyang tumunog mula sa kanyang bulsa.

“Teka ano ba yun?” tiningnan niya ito at inilabas ang isang Samsung Galaxy.

“Cellphone? Si big boss talaga ang hilig sa mga regalo.”

“Oo tama regalo yan ni big boss para magawa mo ng maayos ang misyon mo”

“Ay matambaka!” naihagis ni Kupido ang kaniyang cellphone matapos lumabas ang isang hologram.

“Ayusin mo naman baka naman masira yan, tandaan mo nasa mortal na mundo ka, ang lahat ng bagay dito ay madaling masira” wika ng isang lalaking nakaputi na nakalabas ang 3D image sa screen ng cellphone.

“Boss Chief Gabriel? Ikaw ba yan?”

“Oo ako nga, kung makapag-reak ka naman akala mo nakakita ka ng multo.” Wika nito.

“Eh sandali, bakit nga ba kasi ako pinapunta dito? Ang dumi, ang baho, aaminin ko nagustuhan ko ang porma ko pero ang mundong ito? No way!”

“So ganon? Gusto mong suwayin ang utos ng big boss? Tandaan mo ang iniuutos ko sayo ay nanggagaling lang din sakanya.” Pinulot ni Kupido ang cellphone na naihagis at umupo sa isang sulok.

“Haay hindi naman sa ganon chief, hindi mo naman kasi naipaliwanag ng maayos saakin kung bakit ko kailangang pumunta dito.”

“Ganun talaga, wala ka ng choice. Sinadya ko yan para hindi ka na makatanggi.” Wika ni Gabriel. Bahagya namang nalukot ang muka ni Kupido ng marinig niya iyon.

“Oh…ayos ka lang ba? Hindi ko pa nga naipapaliwanag sayo ang gagawin mo parang nagse-semana santa ka na diyan.”

“Chief naman…natatakot lang ako baka hindi na ako makabalik diyan.” Napakamot ng ulo si Gabriel.

“Parang hindi ka naman nanggaling dito, siyempre makakabalik ka. Kailangan mo lang magawa ang utos ng big boss.” Napabuntong hininga saglit si Kupido.

“Ano game ka na ba?” tanong ni Gabriel.

“Ano pa bang magagawa ko andito nako eh.”

“Yan tama yan, ngayon tumayo ka na, mabilis lang ito. Gusto ko intindihin mo ang lahat ng sasabihin ko.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kung Bakit Bumagsak si Kupido sa Lupa~ (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon