Unexpected (One Shot Story)

986 16 1
                                    

Una palang pinalabas ang Gimme 5 sa ASAP sinabi ko sa sarili ko gusto ko silang suportahan.

Dun ako nagsimulang gumawa ng fansclub para sakanila

Dun ako gumawa ng paraan para macontact ang handler nila

Sa di ko inaasahan, nagreply nga si Ate Jelay sa message ko sa Instagram nya.

Akala ko nung una mahihirapan akong makausap sya pero hindi

Inaantay ko syang magtext sakin, nagrounded pa nga cellphone ko nun eh

Pero nakikiinsert ako ng sim sa kapatid ko kasi baka mamaya nagtext pala pero di ko lang alam

January 1,2014 ng ibalik ni papa phone ko sakin, tuwang-tuwa ako nun kasi alam ko malapit na next performace ng Gimme 5 sa ASAP at nag-aantay nalang ako ng text galing sa handler nila

Dumating ang January 4,2014 pero wala pa ring text sakin, nawawalan ako ng pag-asa nun, pero sabi ko sa sarili ko "Tiwala lang, magtetext din yun"

Sobrang kabado ako nung January 4, di ko alam kung bakit, di ko dn binibitawan phone ko nun.

Nagpuyat ako nung araw na yun, di ko alam kung bakit di ako makatulog pero talagang inantay ko mag-12mn.

Nanonood kami ni papa ng Narnia nung biglang nagvibrate phone ko.

Unregistered number.

Akala ko wrong send lang pero nung binasa ko yung message, nagulat ako.

Yung handler na pala nila yung nagtext sakin

Pinapapunta nya kami sa ASAP para sa Gimme 5

Chinat ko kaagad yung co.owner/classmate kong si Febie.

Binalita ko kaagad sakanya yung good news.

January 5,2014, pumunta kami ng abs-cbn, di kami pinapapasok, kaya naman tinext ko ng tinext si Ate Jelay.

12nn na! di pa rin kami nakakapasok, naiinip na yung mga kasama namin kaya naman tinawagan ni Febie si Ate Jelay

Paulit-ulit naming dinial yun pero binababaan kami.

Hanggang sa magtext sya, nagulat ako, alam kong galit na sya nung nagtext sya.

Nagdecide ng umuwi mga kasama namin ni Febie.

Tanging ako,si Febie, kapatid ko, si Dianne at Patricia lang ang natira nun

Imagine that, 11 kami tas 5 nalang kaming natira.

Nagtext ulit yung handler nila, sabi pumunta daw kami ng center road

Sumunod naman kami, kaso pagdating dun ayaw kami papasukin

Nag-antay kami sa 7/11 ng mga kasama ko hanggang sa tumawag na sakin yung handler nila

Galit na sya, pinapunta nya kami dun sa may elj, sabi nya pumasok kami dun pero ayaw kami papasukin ng mga guard kaya sinundo nya kami.

Galit sya, talagang galit sya, ilang beses akong muntik madapa dahil nakasunod ako sakanya, pinapagalitan nya ko habang tumatakbo kami sa hallway papuntang studio

Puro sorry lumalabas sa bibig ko nun, halos umiyak na ko

Pagdating pa sa loob habang nagpperform ang Gimme 5, di namin alam ang gagawin kaya napagalitan ulit kami ng isa pang staff

After nung performance nila lumabas agad kami ng studio at umuwi, habang nasa bus kami ng kapatid ko, dun ko binuhos lahat ng iyak ko

Pahiyang-pahiya kami nun.

Pagkadating sa bahay humiga at nagtwitter agad ako.

Nag-antay ako ng gabi, tsaka ko tinext yung handler nila, nagsorry ako at nagpromise na di na mauulit yung nangyari.

May mali din kasi kami dun, kinulit namin sya kahit alam naming busy sya sa pag-aasikaso sa Gimme 5.

1week din bago ako nakamove on sa nangyari na yun

Oo, ang OA ko pero syempre kung kayo nasa posisyon ko ano bang mararamdaman nyo dba?

January 15,2014 , pag-uwi ko ng bahay may kumakalat ng may taping daw ang Gimme 5 para sa GGV guesting nila.

Natatakot ako magtext nun pero nilakasan ko loob ko at nalaman kong totoo nga, pinapapunta ulit kami dun, at ako ang pinag-asikaso nya ng ibang fans na pupunta.

Super excited ako nun, di ako pumasok ng school para dun sa taping nila ng January 16.

Dun ko nakilala si Rianna at Aivy.

Dun ko din unang nakta si Ate Inna at Kuya Erick.

Dun ko nameet ang JLovers Admins (Princess,Harlyn & Ate Leona) pati na rin ang isang member nila, si Geli

At syempre dun ko nakilala ang Solid Nashies pati na rin si Kuya Philip Uy.

Sakanila kami sumabay, super kinakabahan ako nun kasi for the 2nd time mamemeet ko ang handler nila at nagpalusot lang ako sa parents ko para makapunta dun

Pero nung time na magsstart na ang taping ng Gimme 5 on GGV napalingon ako sa likod, nakita ko si Ate Jelay

Nakangiti sya sakin, at tinanong nya pa ako kung ok lang ako.

Dun gumaan yung pakiramdam ko, kasi di na sya galit :)

After ng taping nakapagpapicture ako dun sa apat (Grae,John,Joaquin & Brace)

Akala ko talaga di ko makukumpleto yung picture ko w/ Gimme 5

Di ko alam na after pala nun ay makakabonding namin si nash

Oo nakabonding namin, nakausap ko pa nga si John at Joaquin nun sa may mcdo eh

Dun din sa mcdo ko nakilala si tita michelle

Ang bait nila sakin, kahit na naistrbo ko sa pagkain nun si Joaquin dahil may pinakausap ako sakanya sa phone hahaha :)

Sila tita neth ang nangtreat ng food namin, pero tinake out namin ni ate fher yung samin dahil uuwi na ko.

Ang bait ni ate fher, kasi kahit gusto nya pa makasama si nash ay pumayag syang umuwi na para may kasabay ako.

Di ko alam na after pala nung day na yun ay makakaclose ko pala ang ilan sa mga member ng Gimme 5

Dun lahat nagsimula yun.

Lahat ng paghihirap ko para sa Fansclub na ginawa ko ay di ko alam na masusuklian ng ganito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon