[The Date]
8pm daw kami magkikita ni Joseph sa mall.
Bihis na ako pero ewan ko kung pupunta ako. Lakad ako ng lakad dito sa sala namin.
Well. Alam na nga pala nila kuya na nagkabalikan kami. :) Ok na rin si kuya kay Joseph. Nag usapang lalaki daw sila. Haha.
8:20pm na. Nagdecide na kong pumunta. Pero paglabas ko ng gate. . .
JOSEPH'S POV
"Sabi ko na nga ba di ka pupunta."
Actually bumalik lang ako dito sa kanila kasi wala siya sa mall kanina. Ayokong malate kami sa sorpresa ko sa kanya.
"Seph, sorry na." Hinawakan niya pa yung kamay ko, "Eto na nga e. Pupunta na ko kahit may. . Tampo pa ko. . Kasi di mo ko sinundo. . *pout*"
"Ocge na."
"Sorry ulit. Iloveyou."
"Ha? Di ko narinig." Pero syempre joke lang yun. Kahit mahina lang boses niya narinig ko.
"Iloveyou."
"Ha?"
Tapos tumingala siya sakin pasigaw na sabi niya, "Sabi ko ILO--" Hinalikan ko na kasi siya kaya di niya na natuloy. Humalik din naman siya pero tumigil din kami.
"Tara na." Sabi ko, "Nakanakaw ako ng halik. ^____^" Sabi ko tapos sumisipol sipol ako habang nakapamulsa pero nakatalikod na ko. Papunta na sa kotse ko.
"Hmp! Kung di lang kita mahal." Pero natawa din naman siya pagkatapos niya yung sabihin.
Sa byahe namin, tulog siya. Antukin talaga nito. =.= Kaya nananakawan ko lagi e.
Nang halik. ^_^
Maya maya lang nandito na din kami. 9:30pm na.
CHI'S POV
"Ang ganda dito! Kyaaaaaaah!" ^O^
Naka open arms pa ako na para bang naghahanap ng yakap.
"Pero mas masarap pag yakap kita."
Bigla akong niyakap ni Joseph. Ayan, NAGKATOTOO TULOY! Pero. . .
Kinikilig ako! Namiss ko kaya 'tong lalaking 'to!
Dahil sa matangkad siya, yung baba niya nakapatong sa balikat ko. Siya na kasi matangkad diba? Err.
Bumitaw siya tapos hinarap niya ko sa kanya. "Hindi ka na nagtatampo?"
Shemay. Ang gwapo lang ng boses niya. Syempre di na ko nagtatampo noh! >///<
"Huy."
Ako naman yumakap sa kanya ngayon, "Hindi na." Tapos pagkabitaw ko binigyan ko siya ng bonggang bonggang ngiti. ^_____^
"Um, Joseph. . ."
"Hmm?" Magkahawak nga pala kami ng mga kamay ngayon, magkaharap kami.
"Gutom na ko. . ."
"Haha. Syempre may pagkain."
"Yieeee! Mahal mo talaga ko noh!"
"Nagbaon lang ako para siguradong di ka papayat lalo. Pangit ka pag ganun. Magmumukha kang tingting."
"Hmp! So ibig sabihin yun lang dahilan mo? Di mo talaga ko mahal?"
Naglakad ako palayo sa kanya. Ngayon, nandito na ako sa malaking kwarto na 'to.
"Ui joke lang naman e. Sorry na."
Bubuksan ko na sana yung pinto pero humarang siya.
"Ano ba! Umalis ka nga dyan!"
"Bakit? Maghahanap kang pagkain?"
"OO! Walangjo naman kasi yung KASAMA KO! Ayaw akong pakainin! Mang aa--"
>///<
Ehhhh! Yan na naman e!
Kiss na naman!
Leche. Pangalawang nakaw niya na 'to sakin ngayong araw.
Pagkatapos niyang gawin yun naupo lang siya dun sa kama. Ay. Correction! Isang napakalaking kama! Tapos. . . Naglalabas siya ng sandwiches tsaka mga cookies!
Tumabi na rin ako sa kanya, "Oh, kaen ka na. Bati na tayo ah."
"Haha. Magnanakaw ka talaga! Pero sandali. Mga paborito ko 'to ah?" Sabay kuha ko ng isang sandwich, "Mmmm! Sarap ah. Gawa mo?"
"Oo. ^_^"
Nakatitig lang siya sakin habang kumakain ako, "E? Bakit di ka kumakain?" Kumuha pa ko ng isa tapos tinanggal ko na din sa plastic, "Oh, kaen ka oh."
Kinuha naman niya, ngayon parehas na kaming kumakain.
"Ah Joseph, buksan ko lang yung Tv ah."
Tumango lang siya.
"Yan! Bee movie."
"E ano ba! Love story na lang. Hanap pa ko." Sabi ko sa kanya.
Talo kami ng talo, pero sa huli, pinatay niya yung Tv!
"Bakit mo pinatay? :( Sana nanood na lang ako. *pout*"
"Gusto mo na naman ng kiss noh."
>___<
"Hin--"
Pero niyakap niya ako bigla, yung braso niya pinangyakap niya sa tyan ko kaya napahiga ako sa kama.
Ano ba 'to! Kinikilabutan ako e.
"Bakit? Ayaw mo ba nito? Tulog na lang tayo para walang away."
"HUH? HINDI MO AKO UUWI?"
"Hindi."
"Gusto mong--"
"Pinagpaalam naman kita kay manang at sa kuya mo kaya huwag kang mag alala."
"Hay salamat."
"Namiss mo ba ko Chi?"
"Bwisit ka. Tinatanong pa ba yan? Haler! Tagal tagal mong nawala e. Badtrip. Maka missing in action ka lang WAGAS e!"
"Sorry na." Lalo niya pang hinigpitan yung yakap niya sakin. Ako naman parang tuod kasi di ako makagalaw. -.-
"Okay lang yun. Basta dapat di ka na mawala ha."
"Cge. Tara na."
"Huh?"
"Tara na."
"ANONG TARA NA?"
"Tulog na."
"Ahhh. Okay. Pero."
"What?"
"Di ako makatulog."
"Bakit naman? Dahil hot ako? *smirk*"
"Err! Hindi ah! Side view kasi ako matulog. Kapal mo talaga."
"Ah ganun ba? Cge halika dito. Harap ka na lang sakin."
At ayun hinarap niya na ko sa kanya. Totoo ba 'to? Makakatabi ko siya matulog? Grabeee!
Kilig lang. >///<
Medyo di pa mahimbing ang tulog ko kaya nagising ako.
Pagmulat ko tulog na siya. Ang gwapo! ^_^ :">
"Iloveyou Joseph." Nasambit ko.
"Iloveyoutoo." Tapos nagmulat siya at ngumiti.
"GISING KA?"
"Oo. ^_^"
Asar! Kahiya. >///<
BINABASA MO ANG
Willing to Wait
Novela JuvenilTungkol sa babaeng matagal ng naghihintay sa boyfriend niyang bigla biglang nagdisappear ng hindi niya man lang alam ang tunay na dahilan. Eh ang kaso, hanggang saan ang kaya niya para maghintay? Is she willing to wait for her love?