Maam, I Love You, Maam!!
One Shot Story
written by: kira_ogura
~~~
"Chi, tara may training daw." tawag ng isa kong kaklase.
"Susunod na lang ako. Ipupusod ko pa yung buhok ko." At nauna na nga siyang umalis na ng room.
Friday ngayon at every friday ay may CAT kami. Isa ako sa mga officers na siyang nagtuturo sa iba pang seniors.
Nagmamadali kong inayos ang buhok ko at tatakbo nang pumunta sa field kung saan ginaganap ang training. Sa pagtakbo ko, hindi ko namalayang may kasalubong na pala ako na tumatakbo rin. Nagkabungguan tuloy kami.
"Ay, pasensya na, nagmamadali lang ako." sabi ko sa nakabungguan ko. Hindi ko na hinintay pa yung sagot niya. Umalis na agad ako doon. Hindi ko din naman siya kilala.
---
"Tumakbo ka no?" sabi ni Yen, ka-officer ko.
"Oo. Dapat pala hindi ko na tinakbo. Hindi pa naman pala nagsisimula." sagot ko sa kanya. May nakabungguan pa tuloy ako.
"At least hindi ka na-late. Haha! Pero nakakalungkot lang kasi hindi ka na masyadong fresh tingnan."
"Nang-aasar ka ba?"
"Ay nga pala! Sa flight Delta ka daw." sabi niya, binalewala ang sinabi ko.
"Eh? Ikaw?"
"Sa Foxtrot ako!"
"So nag-assign na pala sila.."
"Oo. Ang swerte mo nga e."
Kunot noo ko siyang tiningnan.
"Huh? Bakit naman?"
Sumiksik siya sa gilid ko para bumulong.
"Sa delta yung transferee na taga section C." maingat niyang sabi habang kinikilig.
"May transferee? Sino?" May mga nagtatransfer pa pala sa ganitong panahon? Hindi ba masyado nang late?
"Ang hina talaga ng sagap mo sa mga balita dito! Nako! Hindi mo yun kilala? Si Chase Magpali!"
Chase Magpali? Umiling ako.
"Kainaman ka na e! Sikat yun! Galing sa kalapit nating Academy! Gwapo tapos may pagka-bad boy! Alam mo namang kahinaan yun ng mga girls! Kyaaaaa!" tapos nag-iirit siya sa tabi ko.
Gosh. What's with girls liking bad boys?
"Alam mo namang hindi ko hilig ang mga bad boy-bad boy na yan, Yen."
"Naku, Chi-Chi, ang gwapo niya kaya! Oh my gahd! Kung makikita mo lang siya. Talagang--" bla bla bla. Pasalamat ko na lang at dumating na ang aming Corps Commander kaya't natigil na rin siya sa pagngawa.
"OFFICERS! Punta na daw sa kanya-kanyang flight."
So ayun na nga. Nagpunta na ako sa flight Delta.
"ATTENTION!" Nag-attention naman sila tulad ng sabi ko.
"Maam, excuse me po. Ito po ba ang flight Delta?" tanong ng isang lalaki na may katangkaran. Napaangat pa nga yung ulo ko nang sinubukan ko siyang tingnan.
"Yes. And why you're late?"
"May nakabungguan po kasi ako kanina habang hinahanap ko kung nasaan yung field. Magtatanong pa sana ako sa kanya, kaso matapos niyang magsorry, bigla na lang siyang tumakbo. Hindi ko naman alam na officer pala yun. E di sana, sinundan ko na lang siya." nakangiti niyang sabi. Lumapit siya dun sa flight saka sumiksik dun sa may bandang unahan. Nagsi-ipudan naman yung iba pang cadet.
BINABASA MO ANG
Maam, I Love You, Maam!! (One Shot)
Teen FictionAng lakas ng tagas mo! Nainlove tuloy ako sayo!