Ikawalong Bahagi

476 8 3
                                    

Habang nag hihintay kaming tatlo sa pag dating nila Nicole, Stephanie at Rafael, May narinig kaming kaluskos sa hindi kalayuan.

Binalak naming tingnan kung anu ang kumakaluskos sa lugar na yon, Pero biglang dumating si Rafael. Mukang nagmamadali at pawis na pawis. 

* Rafael ?

* Tara na ! May nakita ako banda roon ! Bilisan nyo sumama na kayo saakin !

* Teka ! Wala pa sin...

* Babalikan nalang natin sila dito, Bilisan na natin baka mawala yung nakita ko doon !!

* a-a-a-a Sige.

Hindi ko alam kung anung meron, Bakit siya nagmamadali, Pero siguro na consious lang ako sa sinasabi niya kaya sumama na din ako.

Habang nag lalakad kami papunta sa sinasabi niyang lugar, Kitang kita ko sa mga mata niya na para bang may ginawa siyang mali Para bang kriminal ?

Kaya nung mga oras na yon medyo kinabahan ako, Pero iniisip ko nalang na hindi siya gagawa ng ganoong bagay dahinl hindi ganoon ang pagkakakilala ko sakanya.

ng biglang tumigil sa pag lalakad si Rafael.

* Bakit Rafael ? nandito na ba tayo ? bakit ka tumigil sa paglalakad ?

Hindi man lang siya tumugon sa tanong ko kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. ng maya maya pa ay napansin kong...

* Sandali lang ? ito ba yung sapa ? nandito ba si paolo ? 

* haaah... tignan nyo yon !! ang laki ng puno doon !! sigurado akong Puno ng balete yon ! ( Sandra )

* Oo nga !! Rafael ? kinuha ba ng engkanto si paolo ?

* Engkanto ? ( takot na tanong ni sandra )

* Anung sinasabi mo Trixie ? ( Alder )

* May naikwento saakin si rafael tungkol sa dalawang magkasintahang engkanto sa lugar na ito ! Mahabang kwento, Kaya rafael sagutin mo nalang ang tanong ko ! Nandito ba si paolo ??

* Naniniwala ka ba sa kwentong yon ?? ( Rafael )

* huh ...? anu bang pinagsasasabi mo ? anu sagutin mo na ang tanong ko !!

* Wala siya dito !!!! ( Sigaw ni Rafael )

Nagulat ako, hindi ako nakapagsalita, at sobra akong natakot, alam ko sa puso ko na may nangyayaring hindi tama at may mangyayaring hindi maganda, Hindi ko na kilala ang taong kasama ko ngayon, "Si rafael ba talaga ito?" yan lang ang naging tanong ko sa sarili ko nung mga sandaling yon.

Humarap saamin si rafael nakatingin siya kay sandra at alder ng nanlilisik ang mga mata, nanlaki ang mga mata ko sa mga sumunod na nangyari.

Sina Alder at Sandra nag susuka sila ng dugo at hawak ang mga leeg nila, PINAPATAY sila !! anu ba to ?? hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari nang mga oras na yon, Gusto kong tumakbo pero hindi ko maiwan ang dalawa kong kaibigan.

Hanggang sa bumagsak nalang sila sa damuhang sahig, Sinubukan ko silang lapitan pero hinila ni rafael ang braso ko at dinala ako sa malaking puno ng balete.

* Anu ba rafael nasasaktan ako !!  Bitawan mo ko halimaw ka !!

* Kayong mga tao ang may kasalanan !! Kaya papatayin ko kayong lahat !!

Balete sa Sapa [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon