"Good morning Sister Rebeca" bati ko dito at yumuko upang mag bigay galang
"Good morning din Sister Mary, kumain ka na ba?" tanong nito
Tumango naman ako habang naka ngiti "Opo, kayo po ba? Masarap po ang inihandang pagkain ni Mang Romen. Siguradong magugustuhan niyo ito" saad ko naman dito
"Naku hindi pa nga eh" Malungkot na saad nito "Ang dami kong inaasikaso dahil ngayong dadating si Mr. Montenegro"
Napakunot naman ang noo ko "Sino po siya? bisita po?" tanong ko dahil wala naman naka pag sabi saakin na may dadating pala na bisita
"Oo, siya ang nag donate ng 1 million sa bahay ampunan natin. Napaka bait na bata" nakangiting tugon nito
"Gusto ninyo po ako nalang ang mag asikaso. Kumain nalang po muna kayo" yaya ko naman dito
"Talaga? Oh sige. Maraming salamat sister Mary" masayang sabi nito at dumiretso na sa aming cafeteria.
Ako naman ay dumiretso sa opisina upang maipag patuloy ang gagawin si Sister Rebeca. Nakasalubong ko si Ms. Lovely na siyang nag aayos ng mga papeles ng mga batang iaampon. Siya na din mismo ang nag turo saakin kung anu-ano ang gagawin
Habang nag aayos ng mga papeles ay bigla akong tinanong ni Ms. Lovely
"Sister Mary, ilang taon ka na?"
"24 po" sagot ko naman
Tumango tango naman ito "Bakit pala naisipan mong pumasok ng kumbento? Hindi naman sa masama. Maganda ka matangkad, at mabait. Sayang naman kung wala kang mapag mamanahan"
Ngumiti naman ako dito "Matagal ko na talagang gusto pumasok ng kumbento at maging madre. I always wanted to serve God the way my parents want it too"
Naputol ang usapan namin nang may tumawag dito. Nang matapos ang tawag ay bumaling ito saakin.
"Nandyan na daw si Mr. Montenegro" anito
Ewan ko ba kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba. Pero binaliwala ko nalamang at umalis ng opisina upang makipag kita kay Mr. Montenegro
Isang magarang itim na kotse ang nasa labas ng bahay ampunan. Yumuko ako't kinatok ang bintana nito. Laking gulat ko nalang nang biglang bumaba ang bintana ng kotse.
Napaayos ako ng tayo "A-ahh, pumasok na po tayo sa loob. Nag hihintay na po si Sister Rebeca"
Ngumiti ito saakin. Bigla ko naman naramdaman ang pag init ng pisngi ko. Ang gwapo ng ngiti niya. Makisig ito at malalim ang dimples. Sa tingin ko ay may lahi ito dahil na din sa ginintuang buhok nito.
T-teka.. ano ba itong pinag iisip ko? Hindi dapat ganito.
Nang makababa ito ay hindi ko mapigilang mapatingin sa mukha nito bawat segundo. Tinitingala ko din ito dahil ang tangkad nito.
"So what's your name?" tanong nito saakin na halos ikinagulat ko
"A-ah, Mary po" sagot ko dito
He let out a soft chuckle "Wag mo na akong i-po. I'm not that old" Napatingala naman ako dito at napatitig na berde nitong mata
Agad kong iniwas ang tingin ko't nag patuloy sa pag lalakad, habang siya ay naka sunod saakin.
"You're beautiful"
"S-salamat Mr. Montenegro" sabi ko naman
"Just call me Saint. Don't be too formal" aniya
tumango nalamang ako.
Pinuntahan namin si Sister Rebeca na ngayon ay nasa kanyang opisina. Umangat ang tingin nito nang pumasok kami sa opisina niya. Agad itong tumayo at malaki ang ngiti
"Saint! Naku, ang laki mo na" bati ni Sister at agad niyakap si Mr. Montenegro. Yumakap din naman pabalik ito
"I missed you Sister! wala nang nag luluto ng paburito kong caldereta" aniya
"Ikaw talagang bata ka! At maraming salamat pala sa donation ha? Malaking tulong ito sa bahay ampunan" pasalamat ni Sister.
"Walang anuman po"
Bumaling naman si Sister Rebeca saakin, hinawakan ako nito at giniya papunta sa harap ni Mr. Montenegro
"I suppose you've already met Mary" anito kay Mr. Montenegro
"Yes, I have. At talagang pursigido siyang maging madre huh"
Napatawa naman si Sister Rebeca "Oo, she really wants to serve God. At mabuti iyon! Malapit nalang ay magiging madre na din siya"
Tumango tango naman si Mr Montenegro, habang ako ay napa tungo nang naka ngiti.
"Well, good luck. Sayang lang kung hindi ka mag kaka pamilya"
"Ano ka ba Saint! Kami na ang magiging pamilya niya, kaya there's nothing to worry" aniya
"Just so you know Mary" agad naman akong napa tingin kay Mr. Montenegro "You can still have a family while serving God"
I was about to speak pero naunahan ako ni Sister Rebeca "Don't confuse her mind Saint. I'll just tour you around, halika"
Bumitaw si Sister Rebeca sa pag kakahawak saakin at nag paalam upang masamahan si Mr Montenegro.
***
Hi invisiblegirlinpink ang unang nag comment at nag vote! Thank you!
BINABASA MO ANG
Saint Montenegro [UNDER REVISION]
General Fiction*Got the cover off pinterest* Highest Ranking: #36 in Faith 08/14/18 Highest Ranking: #95 in Faith 06/10/18 Highest Ranking: #24 in Faith 09/06/18 Highest Ranking: #17 in Fate 10/24/18 Highest Ranking: #11 in Fate 10/26/18 Highest Ranking: #9 in Fat...