_________________________________________________________________________
Dedicated to Miss Aine, kase yung first story niya is yung first na story na nabasa ko dito sa wattpad^_^
__________________________________________________________________________
"TUOD"
Isang grupo ng mga kabataan ang nagpasyang mag-hiking sa isang kilalang bundok. Ang bundok na iyon ay kilala sa pangalang “Hiker’s Garden of Adventure”. Isa iyon sa mga popular na hardin sa buong Pilipinas. Marami kasing lugar doon na tiyak na hahangaan ng kahit sinong mamasyal. Maganda ang lugar, berdeng-berde ang mga puno na lubhang matatayog.
Ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami, may isang parte sa bundok na iyon ang napakasukal na tila tahanan ng mga ispiritu. Kay taba ng lupa, matatayog at luntiang mga puno ngunit ang bahagi ng gubat na ito ay may tampok na lihim…
Noong unang panahon, ang dating masukal ang gubat na ito’y dinadayo ng mga turista dahil sa taglay nitong ganda ngunit sa paglipas ng panahon nabili ito ng isang mayamang negosyante upang gawing isang pagawaan. Anupa't ang bahagi ng gubat na yao’y naglaho ang natural na ganda, ni mga hayop mapahimpapawid man o mapalupa’y nangakatakot mapagawi dito dahil sa nasira at nakalbong bahagi nito. Ang dahilan ay isang pagawaan ng mga nakalalasong kemikal, eksperimento at iba pang uri na sanhi ng pagkasira ng gubat.
Sa lugar na iyon, waring may sariling isip ang mga punong kahoy. Galit ang nag-udyok sa kanila. Nabubuhay sila, hindi dahil sa tubig at ulan at ang mga damo’y pawing malalago rin. Isa lang ang bumubuhay at nagdudugtong ng hininga sa kanila, ang dugo ng tao.
“Sawa ng ako sa mga taong nagsasamantala sa kalikasan, ipaghiganti natin an gating tahanan, kainin natin sila…” wika ng isang tuod.
Samantala, nakarating sa patutunguhan ang mga kabataang hikers.
“Here we are, finally!.” Wika ng pinakalider nila, si Bob. Magtatakipsilim na nang makarating sila sa harding na iyon.
“Kung ako ang tatanungin, excited na akong masimulan ang hiking ^_^’’, sabi naman ni Gab, ang pinakamayabang sa lahat.
“Hindi ka namin tinatanong.” Natatawang sabi ni Bob.
“Eh, excited na nga ako. Simulan na kaya naten?”-gab
“Wag ka ngang magsalita ng ganyan, walang magagawa ang kayabangan mo sa gitna ng madilim na gabi!.” Inis na wika naman ni Ken, na nagsisimula nang ayusin ang tent ng grupo. Seven boys and five girls.
“San tayo unang pupunta bukas?” upang maibsan ang takot ay nagsimulang magtanong si Tess. May pakiramdam kasi siyang hindi magiging maganda ang adventures ng barkada.
“Gusto kong puntahan ang pinakamataas na parte nitong bundok.” ani Gab.
“Ako naman dun sa pinaka-adventurous, san ba ditto maraming challenge?”si Grace, boyish kase si Grace, mahilig sa adventure.
“Ang sabihin mo, Most horrible” natatawang wika ni Alex. “Tapos, kunan mo na pictures.”
“Oo nga, hahahahahha..”Nagtawanan ang lahat.
Lingid sa kaalaman ng nakararami, may nakakarinig sa usapan ng magbabarkada, naghihintay sila ng tamang pagkakataon. Sabik na silang makatikim ng laman ng taoat uhaw na rin sila sa dugo ng mga ito.
BINABASA MO ANG
"TUOD" [scene 1]
AdventureNagpaplano ang grupo ni Tess na maghiking. What happened after that? wanna know????, just read! Gusto mo bang ituloy pa nila ang plano?