CHAPTER 1- ALLYSSA JANE CRUZ
Ally's POV
Kasalukuyan akong nagbibihis ng aking uniporme na mayroong tatak ng RKU sa may bandang kaliwang parte. Ngayon na ang pasukan kaya nagmamadali na ako dahil ilang minuto na lang at magsisimula na ang klase.
Hay, mukhang hindi maganda ang araw ko ngayon. Late na ako ng limang minuto dahil hinarangan pa ako ng ilang estudyante nung pumasok ako sa school gates. Nang makarating ako sa harapan ng classroom ay agad akong kumatok. Binuksan naman ito ng isang middle aged na babae at mukha siyang pamilyar sakin.
"Ma'am Agnes!" Masayang bati ko sakanya.
"Ikaw pala yan Allyssa, halina't pumasok ka at nagsisimula na ang klase" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay pumasok na siya kaya't sumunod na rin ako. Mga dating mukha ng mga dati kong mga kaklase at mayroon ring mga bago na hindi pamilyar sakin.
Umupo na ako sa pinakadulo dahil wala naman akong mga kaibigan dahil isa nga akong nerd--- maluwag na uniporme, medyo magulong buhok, at malaking eyeglasses.
LUNCH TIME
Nang papunta na ako sa canteen, bigla akong napatago dahil nakita ko ang mga magbabarkadang mahilig mang-bully sakin. Margaret San Juan, ang lider sa magbabarkada, at sina Jade at Ruby, ang kanyang alipores, naging sikat sila dahil sa mga ginagawa nilang pam-bubully sakin kaya't kinatatakutan talaga sila.
Nang makita kong nakalagpas na sila sa pinagtataguan ko ay agad akong umalis at dumiretso na papuntang canteen. Umorder lang ako ng sandwich at tubig, alam niyo namang scholar lang ako dito. Habang naghahanap ng mauupuan, naramdaman ko na lamang na may malamig na likido ang tumulo sa aking ulo at ng tingnan ko ito ay nakita ko na isa sa mga estudyante pala ang nagbuhos sakin ng iniinom niyang juice, tsk! nagsasayang 'to eh!
"Opps! Sorry nerd, nadulas sa kamay ko" sabi nung estudyante. Imbes na sagutin ko siya pumunta na lang ako sa lockers at kinuha ang extrang uniform at dumiretso sa washroom. Habang nasa cubicle ako ay may narinig akong nag-uusap sa labas ng cubicle.
"Hay, panira talaga ang nerd na yun dito sa school natin" Sabi ni girl #1
"Oo nga eh! Alam mo namang mga magaganda at mayayaman lamang ang dapat makapasok sa RKU" Sabi naman ni girl #2
Nanatili lang akong tahimik sa loob ng cubicle hanggang makalabas na sila. Agad din naman akong lumabas sa cubicle at tiningnan ang sarili sa salamin. Naiiyak ako sa mga sinasabi nila na hindi ako maganda, na hindi dapat ako nandito, at iba pang masasakit na salita. Hay naku Allyssa, ngayon ka pa ba susuko? Almost apat na taon ka na sa RKU, dapat sanay ka na sa mga pinagsasabi nila.
Tapos na ang lunch time kaya balik na naman kami sa mga classroom namin.
"Class, magkakaroon kayo ng bagong classmate" Sabi ni Ma'am Agnes--- siya pa rin ang magtuturo since first day pa lang ng school.
"Ma'am! Maganda po ba?" Sabi ng kaklase naming lalaki, tsk mga lalaki nga naman.
"Ma'am! Gwapo?" Isa pa 'to hay... kabataan ngayon -___-
"Mr Montero you can come in now" Sabi ni Ma'am Agnes kaya pumasok ang isang matangkad na lalaki na may jet black hair and a pair of ash gray eyes. Agad siyang pumunta sa gitna at nagpakilala.
"Hi. I'm Kyle Montero, nice to meet you" At nagbigay siya ng maliit na ngiti na nagpatili sa mga kaklase kong babae, napairap na lamang ako.
"Mr. Montero, you can sit beside Ms. Cruz" Agad naman akong nakatanggap ng masasamang titig mula sa mga babae, may naririnig rin akong mga nagbubulungan na kung bakit daw sa tabi ko pa siya tatabi. Mukhang mas lalong lalala ang pam-bubully nila sakin ngayon.
YOU ARE READING
The Nerd Is the Princess
Roman pour AdolescentsA girl with thick and big glasses, messy hair, and oversized uniforms and clothes. These are the perfect description of a nerd named Allyssa Jane Cruz - the school's campus nerd. But what if that nerd is a lost princess? Her nerdy looks will change...