(Pakinggan niyo po 'yung song sa multimedia part, it somewhat fits the mood and the message of this one-shot. Thank you!)
----
Melo's POV
Isang linggo mahigit na mula nang ma-coma si Note. Isang linggo na rin ang nakalipas mula nang huli akong nakaapak sa bahay na 'to. Ang bahay na punong-puno ng saya dati, kung saan nakasama ko ang mga itinuturing kong pangalawang pamilya..... ang Myusick.
Nakalulungkot lang isipin na para na itong isang haunted house ngayon. Walang katao-tao.
Masakit para sa akin ang bumalik rito nang mag-isa, kahit na sabihing pinauwi lang naman ako ni Manager para maligo at kumuha ng ilang damit ni Note, para may magagamit siya kung sakaling magising na siya mamaya. Kahit na alam kong malabo 'yun sa pwedeng mangyari, pumayag pa rin ako sa utos ni Manager. Napapikit ako nang madiin nang maalala ko ang narinig kong usapan nina Manager at ng doktor ni Note.
FLASHBACK
Naisipan kong lumabas ng kwarto ni Note para bumili ng kape. Inaantok na ko kanina pa pero di ako pwedeng matulog. Gusto ko paggising ni Note, may gising na Melo na sasalubong sa kanya. Naputol ang paglalakad ko nang may marinig akong pamilyar na boses sa corridor...
"Ganun na ba talaga kadelikado?", tanong ni Manager kay Dr. Mendoza, ang doktor ni Note.
Nagtago na lang ako sa gilid para hindi nila ako mapansin.
"Yes Ms. Yuzon. His vital signs are not that stable, and he's still under coma. At this point, it really is up to him to wake up. I'm sorry but this is the best we could do now, to wait and pray for his recovery." Sabi ng doktor na ilang araw na ring pabalik-balik sa kwarto ni Note para i-check siya.
"Is there any way to know when he'll wake up? I mean, can't you give an estimate based on your findings? A guess? Hunch? C'mon Doc I know you have some ways-
"I'm sorry Ms. Yuzon. Unfortunately I can't do that. It's up to him now." Putol ng doktor sa sinasabi ni Manager.
"But..... it's been a week and...", hindi na natuloy ni Manger ang sasabihin niya nang bigla na lang siyang napaupo at nagtakip ng mukha niya gamit ang kanyang mga kamay. Bigla ko na lang napansin ang panginginig ng mga balikat ni Manager. Ito ang unang pagkakataon na makita ko siyang sobrang hina, na hinahayaan niyang makita ng ibang tao ang totoo niyang nararamdaman. Siguro katulad din namin si Manager, na sobrang naapektuhan sa mga nangyayari. Mukha man siyang matapang at amasona minsan, babae pa rin siya.
*****
Pumasok na ko sa kwarto ko... ang kwarto naming dalawa ni Note. Ganun pa rin ang ayos nito, gaya nang huli kong naalala. Nasa gilid and mga instrumento namin, puno ng poster ang dingding, may mga pictures ng Myusick sa lamesa sa kaliwa, gusot ang sapin ng mga higaan namin ni Note. Humakbang ako papalapit sa higaan ni Note, at nang uupo na ako ay may nahagip na papel ang mga mata ko. Nakasiksik sa ilalim ng sapin ng higaan niya, pero nakausli ang dulong bahagi nito.
Akala ko ay scratch lang ng kanta. Naisip ko na baka isa lang ito sa mga tula na ginawa ni Note para gawing kanta. Pero laking gulat ko nang sinimulan ko itong basahin....
Myusick,
Hindi ko alam kung sino ang makakahanap nito sa inyo. Pero kung binabasa niyo 'to ngayon, siguro deds na ko. Haha. Kasi syempre kung buhay pa ko tapos nabasa niyo 'to? Magtago na kayo. Lintik lang ang walang ganti! Hahaha. Uupakan ko kayo 'pag inasar niyo ko tungkol dito, lalo na 'yun si Melo. Gunggong na 'yon.
"Leche! Gumising ka ngayon Notario para asarin kita at maupakan mo ko. Ayos lang kahit ilan, basta gumising ka lang gunggong ka," saad ko habang pilit na tumatawa kasabay ng pagbuhos ng luha ko.