Chapter 4 "Love doesn't envy"

548 21 9
                                    

“Woooo! Go Caleb!” rinig na rinig ang malakas na cheer ni Hanna. (see picture on the right)

Natuwa ako na ginagawa niya ang inadvice ko sa kanya.

Pinanood ko lang ang laro hanggang sa sumenyas na naman sila ng time-out. Syempre, lumapit agad si Hanna sa kanila or to be more specific, kay Caleb.

Pero naunahan na naman siya. Sino pa ba? Si Allysa.

Nakita ko sa mukha ni Hanna ang inis. Lalo pa nang nakita niya na pinupunasan ni Allysa ang pawis ni Caleb.

“Hanna." tawag ko sa kanya habang hawak hawak ang braso niya.

“Aria, pigilan mo ko. Masasabunutan ko na talaga ‘tong bruhang ‘to!”

“Chill lang. Kahit naman anong gawin niya, di maaakit sa kanya si Caleb.”

“Hindi ba talaga?” sabi ni Hanna pagkalingon niya sa'kin.

“Pagkatiwalaan mo na lang ang boyfriend mo.”

“Tama ka! Wala naman siyang ubra sa beauty ko."

Pumito na, ibig sabihin nito'y tuloy na naman ang laban. 30-46 na. 45 seconds na lang. Tuloy pa din sa pagcheer ang dalawang sections.

Pero ang ikinagulat namin ay ang sunud-sunod na shoots ni the “amazing” Caleb.

33-46

35-46

37-46

39-46

Woah! Siya na. Kung kanina pa niya ‘to ginawa, sana mas malaki ang chance naming manalo.

40-46

10 seconds

42-46

“Go Caleb!” isang malakas na cheer galing kay Allysa.

45-46

At doon na natapos ang laro. Matapos ang madugong labanan, nagshake hands na ang mga naglaro. Kanya-kanya namang congrats ang mga kaklase ko sa mga estudyante ng 3B. Kahit ang mga tiga-3B ay nagcongrats sa section namin dahil kahit natambakan na kami, we still managed to have a good score in the end.

“Congrats!”

Kahit malayo sila sa'kin, kitang kita ko pa rin si Allysa na tumatakbo papunta kay Caleb.

Ewan ko ba, siguro may lahing linta ‘tong Allysa na ‘to. Kung makakapit kay Caleb akala mo wala nang bukas. Hindi naman sa affected ako pero kasi alam kong nasasaktan ang bestfriend ko dahil sa mga pinaggagagawa ng bruhildang 'yon.

At ayokong nangyayari 'yon.

Kaya ako na mismo ang lumapit doon. Dahil nakita kong hindi na kaya ni Hanna, ako na ang gagawa ng paraan.

“Sabi na nga ba ako ang lucky charm mo.” narinig kong sabi ni Allysa kay Caleb nang makalapit na ako.

“Hindi naman kami nanalo.”

“Kahit na! Ang galing mo kaya noong last quarter."

Hindi ko na kayang pakinggan pa ang mga kalandian nila kaya lumapit na ako at nakiepal sa usapan nila.

"Excuse me.”

“Yes?” si Allysa ang sumagot sa'kin.

“Pwede ba kitang makausap?” sabi ko sabay tingin kay Caleb.

Hindi nakasagot agad si Caleb, tumingin muna siya kay Allysa bago niya sagutin ang tanong ko.

“Sige.”

My Best Friend's Boyfriend (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon