Tips Para Maging Close kay Crush:

4.8K 59 18
                                    

Huwag mong ipaalam sa iba, umaksyon ka sa sarili mong mga paa.

Huwag ipaalam sa iba - Kapag may crush ka huwag na huwag mong ipaalam sa iba ito, kahit sa mga kaibigan mo. Dahil kapag ipinaalam mo ang mangyayari ay sandamakmak na tukso ang sasalubong sa’yo. Kapag nandiyan si crush asahan mo ang “Yieeeh” ng mga kaibigan mo, ayan halata ka na nga… pahiya ka pa. Kaya huwag na huwag itong ipaalam sa iba.

Maghanap ng ibang pang-cover - Maghanap ka ng ibang taong ipagkakalat mo na kunyaring crush mo. Piliin mo yung taong maniniwala ang iba na crush mo nga siya. Hindi naman siguro masamang gamitin ang isang tao sa lagay na ‘to diba? Kasi obviously kapag ang tao ay hindi mo gusto hindi ka nahihiya sa kanya at hindi ka nahihiya kapag may “Yieeeh” ang barkada.

Panahon na ng aksyon - Kapag nakahanap ka na ng isang taong ipagkakalat mong gusto mo, ito na ang time para umaksyon ka, para lumapit ka na sa kanya, sa taong gusto mo talaga. Makipagkaibigan ka, sa ganitong paraan hindi ka na mahihiya sa kanya dahil ang alam ng iba ay may iba ka na. I-close mo siya at ika’y magpakasaya.

Huwag kang pahalata - Huwag mong ipakita sa kanya na bawat galaw mo ay may malisya sa’yo. Huwag mong ipakita sa kanya na sa bawat galaw niya ay kinikilig ka. Umakto ka ng normal, umakto ka na parang kaibigan lang. Huwag mo ipakita sa kanya ang tunay mong nararamdaman dahil baka ang mangyari ay ika’y masaktan.

Masarap ang feeling kapag yung crush mo naging kaibigan mo, masarap yung feeling na nagagawa mo yung mga bagay na hindi mo magawa kapag may mga pang-aasar ng barkada. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tips Para Maging Close kay Crush:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon