Tatlong taon mula nung hinangad kong maging tayo, at masaya akong na tupad iyon...
Nathan is Active Now
'pakapalan na to ng mukha, hindi magiging kami kung wala akong gagawin' sabi ko sa isip ko.
Dahil sa kagustuhan kong mapansin niya ako, kinapalan ko ang mukha ko upang mag send sa kanya ng message...
Tulad ng pangkaraniwan sinimulan ko ang usapan namin sa 'Hi!' o 'Hello!' at pangangamusta, naging magaan ang aming paguusap...
Nabalitaan ko sa kanya na siya pala ay na sa kanilang probinsya upang mag bakasyon...
Kahit malayo sa isa't isa kami ay naging malapit parin, hanggang sa hindi inaasahang araw may bigla siyang itinanong sa akin...
'pwede bang manligaw?'
Tanong na nakapagpabilis ng tibok ng puso ko, tanong na tatlong na taon kong hinintay, dahil sa hindi ko alam ang gagawin mabilis akong sumagot ng Oo...
Gabi-gabing magkausap sa loob ng isang linggo, hanggang sa biglang naglaho...
"Mahigit tatlong linggo na mula ng magusap kami, hindi parin niya ako chinachat" daing ko sa kaibigan kong si Paris
"Pinapaasa ka lang niyan, dun ka na lang kasi kay Josh" sagot naman niya
"Hindi niya ako pinapaasa, baka busy lang siya sa pamilya niya dun" depensa ko naman sa kaniya
Tiningnan niya lang ako ng makahulugan ngunit di ko na lamang siya pinansin...
Makalipas ang isa pang linggo at na pagplanuhan namin na mag practice ng volleyball ng sabado...
"Sav ano ng balita sa inyo?" Tanong ng kateam mate kong si Jade, ngunit di ako umimik, patuloy sila sa pagtanong tungkol sa kanya pero wala silang makuhang impormasyon...
'Bes! Sama daw si Andrei' ang nakalagay sa nagpop up na message
'Hala! Bes,wag!' sagot ko agad, nagpatuloy kami sa pagchachat at makaraan ang ilang minuto...
"Bes!" tawag sakin ng lalaki kong kaibigan at kasama na rin niya si Andrei...
Tahimik silang tumingin sa akin kung kaya't ako'y nagiwas ng tingin...
Nagpatuloy ako sa pagkain at hindi sila pinansin, binati sila ng mga kasama ko ngunit tinanguan lamang sila nito...
Mabilis lumipas ang oras, habang naglalaro kami inaya ni Lawrence na sumali sa amin, pumayag naman ito at ang kanyang pinsan...
"Huy! Habulin niyo yung bola" sigaw ko sa mga kakampe ko, habang patuloy kaming naglalaro sakin na pupunta ang bolang tinatamaan niya...
"Ayiee!" malakas na kantyaw ng mga kaibigan ko sa amin, ngunit hindi namin ito pinansin...
Nagpahinga ako sandali at sila ay nagpatuloy sa paglalaro ng kausapin nila si Andrei na puntahan ako sa bench at kanya naman itong sinunod...
Nagkamustahan kami at nagkwentuhan...
Masaya
Nakakakilig
Ngunit...
Nakakailang rin...
Naging masaya ang daloy ng araw ngunit yun na pala ang huli...
Madalas sinasabi ng mga kaibigan ko na laging may kasamang babae si Andrei at sweet sila sa isa't isa...
Hindi ako naniwala, kasi may tiwala ako sa kanya...
Habang tumatagal nakita ko ang mga post niya tungkol sa isang babae at alam kong hindi ako iyon...
Biglang naglaho ang aking tiwala at ako'y naniwala...
Sabi niya hindi niya ako papaasahin, ngunit hanggang salita lang pala...
Nawala man ang tiwala, pero gusto ko pa rin siya kahit alam kong ang sakit sakit na...
Sinimulan kong alisin siya sa isip ko sa pamamagitan ng pag uunfriend sa kanya sa facebook, pero hindi parin pala sapat kasi lagi pa rin siyang binabanggit ng mga tao sa paligid ko...
Patuloy pa rin ako sa paglimot at tinuon ko na lang sa kaibigan, pamilya, pagaaral, at sa wattpad ang buong atensyon ko...
At ngayon masaya ako sa piling ng mga tao at bagay na nakakaintindi at nakakaunawa sa akin at sa mga tao at bagay na hindi ako iiwan at patuloy akong gagabayan...
Ako nga pala si Savannah Torres at ako'y nangangako na 'Hindi na ako muling magpapakatanga sa kanya... '
BINABASA MO ANG
Too Good At Goodbyes
Short StoryIsang babaeng may gusto sa isang lalaki sa loob ng tatlong taon, nabigyan siya ng pansin nito ngunit hanggang kailan kaya ito?