Celestine
Pangalawang buwan ko na ngayon sa pagiging cashier habang nagrereview para sa board exam medyo gahol nga lang sa oras kasi medyo malapit na yung board sana makapasa ako para kahit papaano ay makatulong ako sa gastusin sa mansyon. Oo kinuha ko iyon dahil akin naman talaga yun walang kahit anong dapat makuha dahil na kabaon na ang lahat ng patunay ko, kunin na nila ang lahat basta pag ako nakaahon lahat ng yon akin na ulit, lahat ng kinuha nila ay akin lahat ng pinaghirapan ni daddy akin, ako ang anak manglolokong asawa lang siya.
"Tine, ang tagal mo naman." Reklamo ni nate, naging magkaibigan kasi kami kasama ko rin siyang nagrereview para sa board akalain mo yun engineer pala siya. Walang kaaalam-alam si nate sa mga kaganapan sa buhay ko, ang alam niya lang ay nakapagtapos ako ng business management at medicine at itong pagiging cashier ko lang.
"Sorry na, may trabaho pa ho kasi ako hindi naman ako tulad mong walang iniintindi sa buhay." Parehas ofw kasi ang parents niya kaya ito siya walang problema sa buhay.
"Dami mo pang sinasabi magliligpit ka lang ng gamit mo eh bilisan mo magrereview pa tayo." Aba to nagmamadali pa siya kaya dito nakakapagod kaya itong ginagawa ko. Trabaho sa umaga at pagrereview sa gabi. Mabuti nalang nandiyan si nate kasi lahat ng mga kaibigan ko itinaboy ako at inayawan kasi mahirap na lang ako, masakit man pero ganon talaga ang buhay.
"Nate, maaga akong uuwi ahh sa bahay nalang ako magtutuloy sa pagrereview dadaanan ko pa kasi si daddy eh." Tumango lang siya hindi niya rin alam na patay na si daddy ang alam niya lang nakakulong ito kaya paginaasar niya ako si daddy lang ang katapat niya hahahaha.
"Ano bang kaso ng daddy mo?"
"Ano?" Ano nga ba? Mabait naman si daddy ehh kaya wala akong nakikitang kahit anong krimen ang magagawa niya.
"Ewan ko. Bata pa kasi ako nung nakulong siya."
"Hindi ba sinabi ng mommy mo?" Aba to! Wala akong pake-alam sa taksil kong nanay.
"Wala na akong nanay patay na siya, she never had a chance to tell me the truth." I'm sorry nate pero hindi ko pwedeng sabihin ang totoo.
"Celestine anak," nagulat ako nung makita si mommy sa harap ko and I really hate her sagad.
"Tine, akala ko ba patay na ang mommy mo." Napalingon ako kay nate.
"Oo nga patay naman na talaga." Sabay baling ko ng tingin sakanya.
"Eh sino siya?" Baling ni nate sakanya.
"Ay hindi ko siya kilala baka baliw lang jan."
"Anak patawad hindi ko kayang wala ka sana mapatawad mo ako sa mga kasalanan ko. Halika na umuwi na tayo."
"Umuwi? Saan? Sa bahay ng kabit mo? Hmm, let me guest gusto mo akong sumama sayo para ipamukha saakin na nawala na ang lahat ng dapat ay saakin para ipamukhang wala na ang lahat. Another thing gagawin mo akong yaya ng bastardo mo? Ay diba mayaman ka? Eh bakit hindi ka mag hire ng yaya para sakanila."
"Anak, tama na." Naluluha na si mommy pero wala akong pakealam.
"Tapos ngayon iiyak-iyak ka. Noong panahong iniwan mo ako, noong panahon iniwan ako ng lahat, nakita mo ba akong umiyak? Narinig mo ba akong magreklamo? Diba hindi naman? Buong buhay ko naniwala ako sa lahat ng nakita ko, akala ko mahal mo si daddy pero hindi mali nanaman ako. All my life I live in lie a sweet sweet lie , very sweet, super sweet lie, tagalugin ko matamis na kasinungalingan. Diba dun ka magaling sa mag sinungalin? Kahit na nanay pa kita wala akong pake-alam dahil sayo naging ganito ako. Kaya umalis ka sa harap ko dahil hindi kita kailangan at higit sa lahat kaya kong mabuhay na wala ang isang kagaya mong taksil!" Sabay lakad ko para lagpasan siya sinundan naman ako ni nate.
"So nanay mo yun?"
"Hindi ah! Baliw kaya yun practice lang yung kanina balak ko kasing mag-artista. So, pwede na ba akong maging artista?" Tumawa siya kaya tumawa narin ako.
"Pwedeng-pwede na hahahaha ang galing mo nga." Siguro kaya bumabalik si mommy ay dahil sa mga papeles na patunay na saakin ang kompanya at lahat ng meron sila ngayon. Pero pasensya siya hindi na ako babalik sakanya at hinding-hindi nila makukuha ang akin, nawala na si daddy wag lang ang mga alaala niya, hahayaan ko muna silang maghari sa kompanya pero paghandaan nila ang pag bagsak nila.
"Tine, may sumusunod saatin." Malamang ay yaan yung inupahan nilang tao para magbantay saakin pero sorry siya wala siyang makukuhang kahit anong impormasyon mula saakin, mamuti sana ang kanilang mga mata sa kakahanap ng mga iyon.
"Bilisan ko ng maglakad para maaga tayong matapos." Tumango nalang ako.
---------------------
Tapos na akong magreview at on the way na ako patungo sa cementeryo para dalawin si daddy. Nasa puntod na niya ako ng may makita akong bulaklak. Sus, galing kay mommy lang yan siguro ay akala nila makukuha nila ako ganyan nila no way high way, itinapon ko ang bulaklak at ipinalit ang saakin.
"Good afternoon, mr. William blair." Yan ang pangalan ng daddy ko, tunog palang mabait na hehehe. Ewan ko ba pero naging hobby ko na ang magpunta rito at kausapin si daddy, sakanya ko sinasabi lahat ng saloobin ko at mga nangyayari sakin kahit na alam kong hindi naman niya ako sasagutin.
"Alam mo daddy, nagrereview na ako para sa board exam diba yun naman ang pangarap mo para saakin ang maabot ko ang pangarap ko? Hahahah. Alam mo daddy pinuntahan ako nung asawa ko na nanay ko, ay nanay ko ba yun? Sa pagkakaalam ko kasi wala akong nanay na taksil hahaha. Daddy alam mo meron akong kaibigan nate nag pangalan niya mabait siya at gwapo pero hindi ko siya gusto siguro ay hanggang magkaibigan lang kami. Daddy, sana na makalawa ay gabayan mo ako sa pag sasagot sa exam ko, alam mo daddy nalalampasan ko na lahat ng problema pero hindi parin maalis sa isip ko ang katarungan para sayo, kahit kunin na nila ang lahat makamit ko lang ang hustisya mo masaya na ako."
************
Talagang mahal ni celestine ang daddy niya, pero ano kaya ang mangyayari sakanila ni nate?
TO BE CONTINUED
BINABASA MO ANG
SWEET LIES
RomanceAno nga ba ang SWEET LIES? In tagalog matatamis na kasinungalingan. Pero para sainyo ano nga ba ang sweet lies? Para saan ba ang sweet lies? Para mahulog ang taong gusto mo sayo? Kung sweet lies bakit kailangang kasinungalingan pa pwede namang tot...