B. BARBER'S TALE

1.7K 31 13
                                    

B A R B E R ' S   T A L E

"Let's trim some guilt. Let's cut some revenge. Let me tell you some bloody joke."



"Ahhhh!!!!" Sigaw ni Sheyn sa loob ng gym.

Nasa labas ako dahil sabi ni Dex, Dexter Vellanueva, tropa ko. Kasama nya sa loob si Jez, Jezsie Quezon, tropa nya pero hindi ko masyadong kilala.

Dinala nila ang kaklase kong si Sheyn Rodriguez sa loob ng Gym after class. Kami nalang ang tao dito sa school kaya ang lakas ng loob nila.

Ako si Joijenlee Apolinar, Apol tawag nila sa akin.

Nanginginig ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam na magagawa nila yun.

Alam kong may ginagawa sila kay Sheyn. At inutusan nila ako na magbantay dito sa labas. Natatakot akong makealam dahil marami silang kayang gawin.

"Ahhhh!!! Tulungan nyo ako!... maawa kayo sa akin..." Tumatangis na Sheyn. Hanggang dito sa labas ay naririnig ko ang iyak nya at ang tawanan ni Dex at Jez.

We're 4th year students... kaming tatlo ay napapabilang sa worst section dito sa school. Worst i mean wala ng mas lalala kasi nandito na sa amin ang lahat. Adik, pusher, manyak, malandi, mayabang, basta lahat.

At ewan ko ba kung bakit sa dinamidami ng grupong masasamahan ko ehh sa mga ganitong tao pa. Dala narin ng pagkawala ng atensyon sa akin ng magulang ko kaya nagkaganito ako.

"Whoo! pare ang sarap!" Tawanan nila Dex at jez..

Babae ako kaya hindi ko kaya na may nangyayareng ganyan.

Hawak hawak ko ang gamit ni Sheyn. 

Ang bag at ang uniform nya. 

"Maawa kayo sa akin!!!" Iyak na dumudurog sa puso ko.

After 45 minutes ay natapos din sila.

Lumabas ang dalawa na naka topless lang at sabay na nanigarilyo.

Nag apir pa ang dalawa at nakangiti hanggang langit.

"Ayos pare!" 

"Akala ko ba magpapaturo lang kayo sa project natin!" Galit kong kinompronta si Dex.

"Ehh etong si Jez ehh..."

Tinitigan ko ng masama si Jez pero ginagantihan lang nya ako ng ngiti.

Maya maya ay lumabas si Sheyn na shock na shock at may luha sa kanyang mga mata. Ang sandong suot suot nya ay punit at naka underwear lang sya.

Naawa ako sa kanya dahil isa pa naman sya sa pinaka matalino sa buong school namin.

I co comfort ko sana sya pero 

"Hoy Apol tara na!" tinawag na ako ni Dex.

Alam ko ginahasa nila si Sheyn.

Niyakap ko sya bago ako umalis.

[After3days]

"Magpagupit kana or else i sususpend kita!" Sigaw ng guidance councilor sa loob ng office. Naririnig ko hanggang sa labas. Pinapagalitan nya sina Dex at Jez dahil sa inappropriate na style ng buhok nila.

Paglabas nila ay tawanan parin ng tawanan ang dalawa. Parang naka high... laging wala sa sarili.

"May araw din yang matanda nayan..." nanggagalaiting si Jez.

"Wala kanabang magagawang matino?!" Di ako nakapagtiis at kinompronta ko sya.

Bigla syang tumingin sa akin ng seryoso at itinaas ang kilay nya.

The Horror AlphabetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon