Phoebe's POV
*One week before classes start
Ako ay nagbabasa ng libro at naalala "Malapit nanaman ang pasukan." Excited at tinatamad ako pumasok, excited kasi kaklase ko ang crush ko, at tinatamad dahil gigising nanaman ng maaga at ayaw ko pang pumasok. Sinabi na kasi sa amin ang mga classmates namin one month before or baka mga 3 weeks before pasukan.
Kaya heto ako ngayon sa classroom bored at wala pang gana, dumating na ang adviser namin. Pinalabas kami muna kasi gagawa muna si Mdm. Alicia ng temporary seating arrangement at by class number daw. Gumawa kaming two straight line, boys and girls. Separate ang boys at girls sa class number kagaya ng G1 at B1. Papasok muna ang girls, (oh diba may chivalry) ng makaupo na ako, at naghihintay kung sino ang katabi ko, syempre lalaki ang katabi ko. At nakita ko si Lyle palapit sa upuan ko, at nalaman ko na yung mga upuan na vacant sa unahan ay inuupuan na ng iba at sunod na siya at wala pa akong katabi at yun katabi ko nga siya.
(---, itong mga ganyan is meron pa diyan nakaupo, kaso tinatamad na ako lumagay ng mga panagalan. X2 niyo nalang mga 42 kami)
Ang saya saya ko nung time na yun, pinagpapawisan na nga ko at iniinitan, pero hindi naman halata yung pawis ko noh, pero nagsabi si Mdm. Alicia na temporary lang yun. Kaya nawala yung ngiti ko, temporary lang pala.
Mamaya habang nag iintro si Mdm. Alicia tungkol sa magiging teacher namin for this subject and etc.
Tapos may binigay sa amin, ng student information ba yun? Ah basta yun, tapos may nakalagay kung kailan ang birthday mo, nag-isip ako kung ano nga ba ang spelling ng February.
Tanongin ko kaya si Diane, "Diane, ano nga spelling ng February?"
"Hindi ko alam bes hahaha," sabi ni Diane.
Habang nag-iisip pa ako, nang may narinig akong nagsalita "Anong spelling nga ng February?" Ako naman nagulat, ay oo nga pala February rin siya(Lyle).
Tinatanong niya yung nasa unahan niya na si Charles, sabi naman niya "Nakalimutan ko rin, tanong ka nalang sa iba."
Ako naman nagtanong sa likod ko buti nalang nasagot na rin nila. Hayy salamat.
*15 mins before the time
"Lumabas ulit kayo at, ito na ang permanent seating arrangement ninyo for first quarter," sabi ni Mdm. Alicia. Kaya nag si labasan na kami ulit, at ang seating arrangement namin ay by class number
(X2 niyo nalang, ganyan kami karami, mga 42 kami sa klase, malapit kami sa bintana)
Ang bilis ng oras, last subject na namin ngayong hapon.
>>End of Oneshot #1<<
~A/N~
Hello, sana na enjoy niyo >v<, sorry kung may mga wrong grammars at spellings. First time ko to😬 at matagal na ito sa mga draft stories ko. Ito ay mga one shots lang. Hintayin niyo ang next one shot stories ko hahaha. At salamat sa pagbasa:)
BINABASA MO ANG
Phoebe's Diary
Teen FictionOne Shots Stories. Special moments with crush. Welcome to Phoebe's life, isang babae nagkaroon ng crush sa isa niyang kaklase. Subaybayan natin ang mga kwento ni Phoebe.