Chapter 2 - Rest Of The First Week

243 2 0
                                    

Dumaan ang unang linggo ko sa school ng maayos. Lahat ng mga kaklase ko ay napapakitunguan ako ng maayos at ganun din ako sa kanila. Pero parang nakakainis lang na hindi ko pa alam pangalan niya, nasa bandang likod na kasi siya nakaupo samantalang ako medyo sa middle part na ng room namin. Wala kasing seating arrangement eh. Sana lang talaga malaman ko na, kasi habang tumatagal parang mas lalo siyang guma-gwapo kahit mukha siyang mayabang at maangas ang ayos niya. Para kong tanga, na patingin-tingin sa kaniyan, ewan!

Halos lahat ng subject teachers ay nagbigay lang ng mga requirements nila para sa mga subject nila. Nagkaroon din ng orientation ang lahat ng students on the first friday kasama ang mga parents. Conference or meeting, ganun ang style at sa loob ng theater ng school ginanap. Nakasama ko halos lahat ng mga classmates ko after ng orientation, nakaupo lang kami sa mga bench malapit sa garden ng school. Naguusap, kwentuhan, yung iba bumili ng pagkain, ako nakatulala lang, di pa kasi ako masyado nakikipag-bonding sa kanila, adjusting kumbaga. Hanggang sa nakita ko siya, marami siyang kasama, mukhang nasa higher levels parang mga varsity kasi mukha naman eh, puro lalaki silang lahat. Nagkatinginan kami tas ngumiti siya, di ko alam kung sakin ba, di ko tuloy alam gagawin ko. Nakakakilig, ewan di ko ma-describe ng maayos basta ansaya na nakakainis.

Umuwi na kaagad ako kasama ang lola ko, siya kasi ang guardian ko o acting parent dahil both of my parents are in the states. Nagtatrabaho sa isang banko si mama at si papa naman ay doctor abroad. Bata pa lang ako, siguro mga kinder hindi ko na sila nakasama. Okay lang naman kasi para rin to sa kinabukasan ko. Sabi nila!

Pasakay pa lang kami sa kotse nang nakita ko siyang naglalakad, magkasama sila nung bestfriend niya na classmate din namin na lalaki. Lagi kasi silang magkasama kaya siguro close sila. Bigla akong napaisip, malapit lang kaya yung bahay niya sa school namin? Grabe ah, napakarami ko nang tanong tungkol sa kaniya, kelan kaya masasagot lahat ng mga yun.

Pagdating namin sa bahay, nagbukas ako ng computer. Inopen ko yung account ko sa friendster, may nag-add sa akin pero yung pangalan ng profile ay yung section namin. Nagtaka ako kung sino yung gumagamit ng account kaya nag-message ako: "Hi. May I know kung sino po yung gumagamit nitong account? Thanks :)". After a few minutes may nag-reply: "Ako, si Justin". Nagreply agad ako kasi hindi familiar yung name niya. "Ah. Pwede pong pa-add sa real account mo? Salamat :)". Siguro more than a minute lang may nag-add na sa akin, di ko alam kung anong gagawin ko. Paano si handsome guy pala siya. So without a doubt i clicked confirm. Bigla siyang nagmessage sa akin "Okay na?" nagreply agad ako habang nakakaramdam ng kaba "Yup. :) Thank you po." sabi naman niya "You're welcome." Agad naman akong nag-browse ng mga pictures niya, hindi ko alam kung crush ko na ba siya pero sana maging masaya ako sa gagawin kong to, sabi ko sa isip ko.

Kinabukasan, marami sa mga classmates ko ang friend ko na sa friendster. Inadd din namin ang isa't-isa sa yahoo messenger. Naka-tsamba naman ako dahil na-add ko din siya. Nagchat kami, may sakit daw siya, nilalagnat daw dahil sa kaka-basketball niya. Siyempre ako naman, lahat na sinabi ko, uminom siya ng gamot, maraming tubig at magpahinga. Natawa ako kasi nung nag-chat kami ng iba ko pang classmates kinwento ko na masama pakiramdam niya, yun pala alam rin pala nila. Nakakainis, so ano na ko ngayon? Pahiya tuloy ako. Pero okay lang, dahil naman sa kaniya eh. Hay nako! Love talaga..

Pasukan na naman bukas. Buti nalaman ko na kung anong pangalan niya, Justin Villavicencio. 14 years old na siya. Malapit lang pala yung bahay nila sa school, walking distance lang. Alam ko kasi nakita ko na yung subdivision na yun dati. Hay nako, makikita ko na naman siya, sana magaling na siya para makapasok siya. Kaso, habang nakahiga ako dito sa kama bigla akong napaisip magkakagusto kaya yun sa akin, isang nerd na mahiyain. Siya kasi, mukhang maangas, mayabang pero gwapo at seryoso pa na mas nagpapalakas ng dating niya. Kung ano man tong nararamdaman ko, hindi ko alam kung dapat bang pigilan ewan Inlove na ata ako!

 ‘Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.’ - Bob Ong

Unang Pag-Ibig (One-Sided Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon