NAKAKAPAGOD! PERO HINDI AKO SUSUKO!

231 5 1
                                    

Nakakapagod na!

Nakakapagod na sobra!

Nakakapagod na, pero pilit ko pa rin kinakaya kasi mahal kita.

Nakakapagod na umasa na dadating ka, kahit hindi naman talaga.

Nakakapagod nang maghintay, magpaypay ng walang humpay.

Nakakapagod na, lalo na yung taong hinihintay mo, wala naman pakialam sayo.

Nakakapagod magmahal sa isang taong, hindi ka naman mahal.

Nakakapagod nang makinig, sa mga dahilan mong paulit ulit.

Pero heto pa rin ako, nakikinig sa iyong mga sinasambit.

Nakakapagod na sobra!

Pero wag kang mag alala hindi ako magsasawa, hanggat kaya ko pa.

Dahil kahit pagod na ako, wag kang mag alala, konting pahinga lang okay na uit ako.

Kahit maghapon man akong nakatayo,

Kahit mangalay man ang mga paa ko,

kahit sumakit man ang ulo ko,

kahit gabihin man ako sa pag uwi ko,

kahit minsan nasasaktan mo ang damdamin ko,

kahit nagseselos man ako sa mga babaeng kasama mo,

kahit wala man akong karapatan sayo,

At kahit mapagod man ako kahihintay sayo.

Hanggat may natitira pang pag asa na mahalin mo ako,

hanggat nararamdaman ko na may halaga din ako,

hanggat wala pang tuluyang nagmamay ari dyan sa puso mo,

At hanggat hindi pa nababagok ang ulo ko, hindi ako mapapagod magmahal sayo.

kahit sabihin man nilang TANGA ako.

Pero kung sakali mang dumating yung araw na napagod na ako,

Baka yun na yung araw na, hindi na kinaya ng puso ko magmahal pa ng isang katulad mo.

Baka yun na yumg araw na nagising ako sa katotohang kahit anong gawin ako,

wala pa rin akong puwang dyan sa puso mo.

Kailangan ba na mawala muna ako para makita mo yung halaga ko?

O baka kahit naman mawala ako, okay lang sayo.

Mahal kita.

Sobrang mahal kita.

At hanggat hindi pa napapagod ang puso ko, patuloy pa rin akong magmamahal sayo.

Mamahalin pa rin kita, kahit nasasaktan na ako ng sobra.

OO nakakapagod, pero dahil mahal kita, hindi ako susuko,

hindi ako susuko hanggang makita mo yung halaga ko.

hanggang sa wakas masabi mo rin yung salitang MAHAL DIN KITA!


Nakakapagod! Pero Hindi Ako SusukoWhere stories live. Discover now