"PAGTATAGPO"

235 1 0
                                    

Isang araw naisipan ni Athena na magpunta ng mall para mamasyal dahil bored na bored na siya sa kanilang bahay. Pagkadating niya sa mall ay naisipan niyang bumili muna ng inumin pagkatapos nun habang nag iikot-ikot na siya ay biglang may nakabunggo sa kanya, agad niyang nabitawan ang hawak niyang inumin kaya naman hindi niya nakita ang mukha ng lalaki at bigla itong nagsalita "Miss, sorry..." agad naman niya itong tinignan at pagkakita niya ay laking gulat niya na yung lalaki na yun ay si kenji pala (Si kenji yung kalapitbahay nilang crush na crush niya pero hindi niya close kasi nahihiya siya). Agad naman siyang sumagot ng may pagkakautal utal na "O-o-okay lang." Agad namang nabahala si Kenji dahil sa inuming natapon nito kaya nagpasya si Kenji na bumili na lang sila ulit ng bago, ayaw ni Athena kasi nahihiya siya pero wala rin itong nagawa dahil mapilit si Kenji. Pagkatapos nilang bumili ay nag ikot-ikot muna sila, habang nag iikot sila ay nagkukwentuhan din sila. Parehas silang masaya habang nagkukwentuhan, sa kakalwento nila  hindi na nila namalayan ang oras at gabi na pala. Hindi naman ganun kalayuan abmng bahay nila sa isa't-isa kaya nagprisinta na si Kenji na ihatid si Athena tutal ay may kotse naman siyang dala. Habang pauwi na sila, hiningi ni Kenji ang number ni Athena para makapag usap pa rin daw sila binigay din naman ito ni Athena. At nung nakauwi na sila parehas, agad naman nakareceive ng text si Athena mula kay Kenji, inabot sila ng madaling araw kakatext sa isa't-isa. Simula nung araw na yun lagi na silang magkatext at lagi na ring bumabanat ng pick up line si Kenji, "Alam mo para akong ice cream, kasi natutunaw ako pag kasama ka eh..." Kaya naman sa tuwing bumabanat ito ay kinikilig si Athena. Ito ang isa sa mga dahilan na naguhulog na pala si Athena sa kanya, hindi niya alam kung ganun din ba si Kenji pero tinago lang niya ang nararamdaman niya kasi natatakot siya na baka mag iba ang samahan nila. Habang tumatagal ay lumalalim ng lumalalim ang nararamdaman niya, hindi niya napigilan at nasabi niya na ito. Simula nung araw na yun parang unti-unti nang nagbabago ang samahan nila hanggang sa isang araw ay bigla na talagang nagbago ang lahat dahil si Kenji ay tuluyan ng lumayo at hindi na nagpaparamdam. Kaya naman naisipan ni Athena na puntahan ito para makipag usap. Sinabi lahat ni Athena lahat ng nararamdaman niya, tinanong niya rin kung ano ang nangyayari sa kanya pero ang tanging  sagot lamang ni Kenji ay wala. Sinabi nito na wala lang lahat ng kasweet'an niya kay Athena, kaibigan lang ang turing niya at sinabi rin niya kay Athena na kaya hindi na ito nagparamdam ng ilang araw dahil nagkabalikan na sila ng ex niya kaya dahil dun iniwasan na niya si Athena para hindi na ito lalong masaktan. Walang ibang nagawa si Athena kundi umiyak na lamang dahil sa sobrang sakit ng naramdaman niya at agad na lamang itong umalis at umuwi na sa kanila bahay. Nagkuking siya sa kanyang kwarto at nag iiiyak. Sinabi niya na "Sa kabila ng lahat ng iyon ay puro pakilig lang pala, sinaktan niya lang ako, sana hindi ko na lang siya nakilala para hindi ako umiiyak ng ganito" Iyak lamang siya ng iyak. Napagtanto niya na pinagtagpo lang pala sila pero hindi itinadhana. Hindi lahat ng dumadating sa buhay natin ay nagstastay, yung iba iiwan ka lang rin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 24, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PINAGTAGPO PERO HINDI ITINADHANAWhere stories live. Discover now