Ang sabi mo maghihintay ako sayo.
Pero bakit hanggang ngayon ay wala kapa din.
Patuloy pa din ba akong aaasa na dadating ka?
O lalo ko lang sinasaktan ang sarili ko?
Okay ka lang ba diyan?
Ako heto, kinakaya pa din.
Pinapagpatuloy pa din mabuhay
Sabi mo sabay nating haharapin?
E ako lang mag-isang lumalaban.
Puro lang sabi mo ang pinanghahawakan ko.
Ikaw ba?
Siguro ni minsan hindi man lang ako sumagi sa isipan mo
Na kumusta na ako, okay lang ba ako.
Lagi nalang akong nakatulala
Dahil iniisip ko kung ano na ang susunod na mangyayari
Naalala mo lang ako kase saglit na sumagi ako sa isipan mo
Hindi kagaya ng dati puro ako lang
Ngayon, wala na.
Akala ko hanggang wakas tayo
Na tayo ang magkakasama
Pero wala talaga
Hindi na maibabalik ang dati
Ang sakit isipin na parang basahan lang ako sayo
Na pagkatapos gamitin ay itatapon na
Parang wala ng pakinabang
Hindi mo man lang naisip na may damdamin din ako
Na nasasaktan at nagdurusa
Sana matauhan kana!
Ang hirap ibalik ang dating ako
Sana maisip mo na nandito lang ako para sayo
Oo, kahit mag-mukha na akong tanga sa harap ng maraming tao.
Okay lang, matagal ko ng tanggap
Mas mabuti na nga yun
Dahil kahit sa ganitong paraan ay maipakita ko sayo
Kung gaano ka kahalaga sa akin
Pero para sayo wala akong kwenta.
Mamatay kana sana.