NGAYON ALAM KO NA

52 0 0
                                    

Bawat araw naiisip ko kung paano tayo nagsimula,

kung paanong ang bawat umaga ay nagiging mahalaga t'wing ika'y aking makikita.

Kung paanong nangungusap ang ating mga mata, na kahit sila hindi maipagkakaila,

na may kakaiba sa'ting dalwa.

Talaga nga na kay saya, sige aaminin ko na,

kulang ang salitang masaya,kapag kasama kita.

Dahil ang pakiramdam ko ng mga panahon na yun,

totoo lahat ng mga pinapakita mo, dahil yun ang nararamdaman ko.

Sana lang kung gaano katamis ang lumalabas sa iyong bibig,

katumbas din ng totoong pag ibig.

Sana lang talaga, hindi lang ako basta pamalit sa una.

Sana lang may halaga akong talaga.

Ngunit bakit tila yata mapaglaro ang tadhana,

at parang ayaw talaga tayong magsama.

Dahil kung gaano kabilis ang pagsapit ng hapon,

ganon mo din ako kabilis itinapon.

Paano nga ba ang dating puno ng pagmamahalan at saya,

ay nauwi lang sa salitang TAPOS NA.

Pero teka, minahal mo nga ba akong talaga?

Baka naman hindi talaga.

Baka naman una pa lang isip mo lang ang nagsasabing mahal  mo ako,

pero yang puso tinatanggi ako.

Ngayon sabihin mo, hindi mo ako minahal talaga diba,

Dahil kahit anong bigkas ng iyong mga labi ng salitang MAHAL KITA,

pilit pa rin sinasabi ng puso ko na parang may mali.

Kahit sabihin mo pa na minahal mo ako,

lolokohin mo lang ang sarili kasi hindi naman talaga yun ang sinasabi ng puso mo.

Pero sige dahil MAHAL KITA naniniwala ako sa salitang MAHAL KITA,

kahit pinagsisigawan na ng isip ko,na PANAKIP BUTAS mo lang ako talaga.

Minsan nga iniisip ko, baka naman dahil ako yung laging nandyan,

baka naman dahil ako yung handang makinig sa mga hinanakit mo,

kaya akala mi mayroon din akong puwang dyan sa puso mo,

kaya akala mo mahal mo ako pero hindi naman pala,

kasi hanggang ngayon sya pa rin diba?

Ngayon alam ko na.

Alam ko na mas mahalaga at mas mahal mo pa yung una, kesa sakin na bago mo lang kakilala.

Ano nga bang laban ko sa kanya?

Sa puso mo pa lang talong talo na.

Sana hindi ka na lang pumasok sa buhay ko, kahit gaano pa kadilim ang mundo ko.

Sana hindi ka na lang dumating, kasi masaya naman ako nung wala ka, nung wala ka pa.

Hindi katulad ngayon, na kahit mga ngiti na lumalabas sa aking mga labi,

ay pilit na lamang at puno ng pighati.

Bawat araw pinapanalangin ko na SANA.

Sana talaga mapawi lahat ng sakit,

sakit na idinulot mo.

Sana lang hindi mo na sinabi ang salitang MAHAL KITA MANIWALA KA,

MAHAL KITA SERYOSO AKO, MANIWALA KA NAMAN.

Sana lang hindi mo sinabi, kung iiwan mo lang din naman akong mag isang lumuluha.

Sabi ng kaibigan ko, masakit daw magmahal,

pero hindi ko naman alam na sobrang sakit pala, sobra sobra.

Ang daya mo, sobrang daya mo.

Noon ako ang takbuhan mo, ngayon paano naman ako?

Noon ako ang sandalan mo, ngayon paano naman ako?

Paano na ako?

Paano na ako kung nung naghiwalay tayo, 

ni isang letra na lalabas sa aking mga labi, para sayo ay laging mali.

Paano naman ako, kung ayaw mo man lang ako magkwento.

Paano na ako kung puro sarili mo lang at sasabihin ng iba ang iniisip mo.

Ngayon alam ko na, ang pakiramdam maiwan mag isa.

Ang sakit pala.

Ang sakit pala na sayo ko mismo mapapala,

anng mga bagay na ni minsan hindi ko inakala,

hindi ko inakala kasi akala ko iba ka.

Pero nagkamali pala ako.

Ngayon alam ko na.

Alam ko na kung gaano kasakit umasa,

umasa na hindi ka katulad ng iba.

Ang sakit pala maging pangalawa.

Ang sakit pala maging panakip butas lang.

Pero alam mo yung mas masakit?

Mas masakit yung maniwala ka na mahal ka, kahit hindi naman talaga.

Ngayon alam ko na.

Tanggap ko na yung sinasabi nila na ibinigay ka lang ni tadhana,

para sa panandaliang kilig at saya,

ngunit hindi para sa pangmatagalang pagsasama.

Ngayon alam ko na.

Pinagtagpo lang talaga tayo, pero hindi para sa isa't isa.

Kaya tanggap ko na.

Kahit masakit pa, kahit sobrang sakit pa.

Tanggap ko na.

Dahil ngayon alam ko na, na hindi talaga tayo ang para sa isa't isa.

Kaya kung sa kanya ka talaga mas sasaya, MALAYA KA NA.


Ngayon Alam Ko NaWhere stories live. Discover now