Chapter 23

478 39 31
                                    

MARIONNE's POV

Opisyal na ipinakilala ako ni daddy sa lahat ng naroon, bilang anak niya at nag-iisang taga-pagmana at papalit sa pwesto niya oras na gusto na nitong magpahinga. Nakaupo sa upuang nakalaan sa akin katabi ni mommy  at ni daddy na patuloy pa rin ang pagsasalita sa harapan.Nasa kanya ang paningin at pandinig ko pero di ibig sabihin nun ay nasa kanya ang buong atensyon ko. Nangingibabaw ang lakas ng kabog sa dibdib ko. Halos ika bingi ko na. Isang tao lang ang nagpaparamdam sa akin ng ganito, pero imposible dahil alam kung wala siya dito ngayon.

"Baby," mahinang tawag sa akin ni mommy, ramdam ko rin ang marahang pagkalabit niya.

Nilingon ko siya."Yes, mom?"

"Your daddy is calling you, "bulong ni mommy,"are you okay? "

Ngumiti ako."Yeah...I'm okay. "Kako at ngumiti, pilit na kinakalma ang sarili.

Narinig ko ang pagtawag na muli ni daddy sa aking pangalan para pumunta sa harapan. Yun ay dahil kelangan kong magbigay ng kahit maikling speech . And I already prepared a short one.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntung-hininga. Trying to calm and fix myself.

Nagbilang muna ako ng ilang segundo bago tuluyang tumayo.

Naramdaman ko ang isang kamay na humawak sa kamay ko at mahinang pagpisil niyon.Nilingon ko ang pinanggalingan nun at nakangiting mukha ni mommy ang nakita ko.I smiled back, to show that I'm okay though, I'm not.

Kinakabahan ako, di dahil sa speech na 'to. Maraming tao at oo, nahihiya ako but it can be managed.

Mabuti na lamang at inalalayan ako ni Jacob habang naglalakad patungo sa kinatatayuan ni daddy.

"Nervous? "bulong ni Jacob.

"No."sagot ko.

"Hmmm...pero iba ang sabi ng katawan mo.Your trembling and your hand is freaking cold."nakangising sabi nito. Nanunuya.

"Because I'm damn freaking cold. " mariing sagot ko at palihim syang inirapan.

"Sino ba naman kase ang maysabi sayo na magsuot ka ng ganyan. Mahaba nga ang damit mo, pero bukas naman ang likod at halos kita na pang-upo mo.Malalim pa ang ukab sa may dibdib. Tch!"

"At sa tingin mo ginusto ko 'to? Kung pwede lang t-shirt tsaka jeans at sneakers ang suotin ko ay yun ang susuotin ko."di naman talaga ako gaanong giniginaw, keri ko ang lamig.Kung alam lang nito kung bakit ako nanlalamig at nanginginig.

"Naku!...tiyak na uusok ang ilong at tenga nun pag nakita ka ."bulong ni Jacob sa akin bago ako tuluyang binitawan ng malapit na kami sa may entablado.

"Anong? Sinong ?..."di ko na nagawang ituloy ang sasabihin ko, nakangiti at kinindatan ako ni Jacob saka ito tumalikod at naglakad pabalik sa kinauupuan nito.

Wala akong nagawa kundi pagmasdan na lamang siya. Ano naman kayang pinagsasabi ng taong 'yun? Nasa matinong pag-iisip pa naman 'yun at di naman lasing.

Napailing na lang ako sa naisip kong iyon.

Kung si daddy naman ang tinutukoy nito ay nakita naman ni daddy kanina sa bahay itong suot ko,at wala namang komento na negatibo.Si mommy naman, ay siya pa nga mismo ang pumili nitong isuot ko, kaya malabong si mommy ang tinutukoy ni Jacob.

LOVE will Lead YOU back (My Maid from Heaven Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon