Nakatayo sina Mom and Dad sa harap ko at nakangiti sila pareho sa'kin. Lalapitan ko na sana sila nang biglang may sumaksak sa kanila mula sa likod!
Parang bumagal ang takbo ng oras habang titig na titig ako kanila na dahan-dahang tumutumba. At nang nakabulagta na sila sa lupa ay umagos ang baha ng dugo mula sa kanilang katawan. Agad silang binawian ng buhay.
Pinagpawisan ako nang malamig at butil-butil. Nagtaas-baba ang dibdib ko at pakiramdam ko ay nauubusan ako ng hangin sa bigat ng dibdib ko.
Napatingin naman ako sa sumaksak sa mga magulang ko. At halos lumuwa naman ang mga mata ko nang makita ko na 'yon 'yong nakakatakot na bagay na nakita ko noon sa school!
Isang Unholy spirit. . .
Agad akong napabalikwas. Umupo ako dahan-dahan dahil hinahabol ko ang hininga ko at ang bilis pa ng pintig ng puso ko habang pinagpapawisan din nang malamig.
"Ang samang panaginip naman no'n," bulong ko sa sarili ko sabay hilamos ko ng mga palad ko.
Tumayo na ako at nagpunta ng banyo para maghilamos.
Nang matapos ko naman ang morning rituals ko ay bumaba ako sa sala para makapag-almusal. Hanggang makaupo ako sa puwesto ko sa dining table ay tulala pa rin ako dahil hindi pa rin maalis sa isip ko ang napaginipan kong 'yon.
"Honey, what's wrong?" tanong sa'kin ni Mom. Siguro napansin niya ang pagkabalisa ko.
"Nothing. I just had a bad dream," sagot ko sabay tingin sa plato ko matapos itong lagyan ni Mom ng bacon and egg.
"Dream? What dream?" usisa ni Mom.
Huminga muna ako nang malalim, "That I'm going to lose the both of you, Mom and Dad."
Nagkatinginan silang dalawa pagkatapos ay tumingin silang muli sa'kin.
"Sweetheart, that's only a dream, okay? Hindi naman dahil napaginipan mo, e mangyayari talaga. Besides, kabaligtaran nga raw ng dreams ang reality, right? So, you don't have to worry that much, okay?" ani Dad sabay ngiti.
"Your dad was right, sweetie. Bakit naman kami mawawala sa'yo? We're always here for you, at ikaw lang ang baby namin kahit tumanda ka pa," malambing na tugon sa'kin ni Mom.
Napangiti na rin ako kahit kaunti dahil panatag na 'ko kahit papaano. Hindi ko kayang mawala sila sa buhay ko. Mawala na ang lahat 'wag lang ang parents ko. Mahal na mahal ko sila.
"Oh! I have an idea!" sambit bigla ni Mom na halata mo ang excitement.
"Let's have a family bonding this weekend," dagdag niya.
"Sure. Saan ba?" usisa ni Dad.
"I don't know. But anywhere is fine, right?" tugon ni Mom.
Napangiti na lang kami ni Dad at sabay tango. I feel excited to our family date. I'm really counting on it.
BINABASA MO ANG
Underworld University: The Mystic Quest
Fantasy[ COMPLETED ] FIRST INSTALLMENT OF UNDERWORLD CHRONICLES & CRUSADE SERIES Si Aika ay kilala bilang isang popular girl sa kanyang school. Mayroon siyang marangya at masayang buhay kasama ang kanyang mga magulang, kaibigan, at kasintahan, kaya't para...