I'M LOST IN YOUR SMILE (One-Shot)
Written by: Pholeenluv
(September 24, 2017)
Ilang araw na kong nagmumukmok sa kwarto, hanggang ngayon tinatamad pa din akong pumasok. Yung crush ko kasi may nagugustuhan ng babae at sakin pa talaga niya kinwento, hindi ko matatanggap yun! dapat ako na lang e. AKO NA LANG!
"Bumangon ka na nga dyan Tayeen!"
Nagtalukbong ako ng hatakin ako ni Dex sa higaan. ang kulit naman kasi ng lalaking to!
"Sinabihan na kitang wag magpapakita sakin ah! anong ginagawa mo dito!"
Sigaw ko at pilit na siniksik ang sarili sa loob ng kumot. Nabigla na lang ako na may kamay na pumasok dito at hinatak ako palabas. He's really annoying! napabangon ako ng wala sa oras!
Nakakainis kasi yan, simula ng ligawan nya yung 4th year student na psych major nakalimutan nya na ko! Excuse me, ako ang best friend nya! Partners in crime kaya kami neto! eh dahil busy sya, ayan! wala ng panahon makinig sakin, ni hindi nya alam na may pinagdadaanan ako!
"Matitiis ko ba naman na gawin yun sayo? eh kulang ang araw ko pag di kita nakikita."
"Oo nga naman, wala ka kasing mapagtripan!"
pinisil nya ang pisngi ko at agad ko itong hinawi! matitiis? natiis mo ko! isang linggo akong walang kasama mag lunch dahil dyan sa nililgawan mo.
okay lang naman e, okay lang talaga na may nililigawan sya! pero best friend ako. I have my rights too! hindi ko sasabihin na "bestfriend lang naman ako e, wala akong karapatan." walang ganon sa vocabulary ko! Wag nya lang sana ako kalimutan dahil lang may dumating. yun lang naman... I still know my place.
"tatlong araw ka ng absent. wala tuloy akong katabi sa classroom."
ngumuso ito at hinampas ko agad sya ng twalya sa mukha.
"hatakin ko yang bibig mo e! ang sabihin mo wala ka lang makopyahan!" humilata ulit ako at tumayo sya mula sa pagkakaupo sa kama.
"Isa! Sige ka di ko bibilhin yung gustong mong singsing sa instagram!" tama ba yung rinig ko!? Yung crown na ring! Gustong gusto ko yun! Lagi ko nga sya kinakatahan na bilin sakin yun e madami naman syang pera.
"totoo bang bibilin mo na yun?" tumayo na ako at nilagay ang towel sa balikat ko.
"oo na dalian mo na!"
tinulak nya ako papuntang banyo at pumasok na ako dito. Matagal pa naman akong maligo. Siguro mga 1 hour dahil nagcoconcert pa ko. naririnig ko naman syang tinutugtog ang gitara ko.
"...You lift my feet off the ground, you spin me around, you make me crazier crazier..."
napatigil ako sa pagtotoothbrush ng marinig ang boses nya, tinutugtog nya ang paborito kong kanta. napakapit ako ng mahipit sa lababo at pinagmasdan ang mga mata kong nagbabadyang lumuha.
"It's okay Tayeen, just keep smiling."
Pang momotivate ko sa sarili ko. pagdating sa school ay umupo na agad kami sa pwesto namin, sa gilid ng bintana at magkatabi kami habang daldal sya ng daldal. walang ginawa kundi ikwento sakin ang nililigawan nya!
"You know she's kind! at matalino pa, she's running for cum laude pareho kayo! gusto ko makilala mo sya."
Kitang kita ko sa kinang ng puti nyang ngipin kung gaano siya kasaya.