***
"Weakest weapon, sharpest tongue.."
***
"Pin Claris down, Alph!" dinig kong pasigaw na utos ni Rion na iniangat na ang isa pang braso kung saan naglabasan ang iba pang metal whips na mabilis na pumulupot sa binti nung tinawag niyang 'Claris'.
Agad na sumunod ang mga itim na kadena na pumulupot sa buo nitong katawan at ulo na naging dahilan ng pagtigil sa ere ng mga punyal.
Nagpumiglas ito ng may lumabas na mga tubo ng rehas mula sa lupa at pinaikutan siya kaya nag-dematerialize ang mga punyal sa ere. Doon ko lang napansin iyong lalaking may tattoo at isa pang lalaki mula sa kaibigan ni Nyne kanina na pinagtutulungang ikulong iyong babae.
"Bring her in Wæpen's confinement, immediately. Check the casualties as well and bring them in Claridel's Hospital." kalmadong utos ni Rion sa harap ko na agad sinunod nung dalawa.
Agad akong dinaluhan ni Blade at agad sinipat ang sugat sa braso kong hanggang ngayon ay dumudugo pa din.
"Shit! Patay ako neto kay Elixir at Alexis!" medyo taranta ang boses na usal ni Nyne bago nilapitan si Rion at kinausap. Napatingin ito sa direksiyon ko na bumaba din ang tingin sa kadena makalipas ang ilang saglit habang may nililitanya sa kaharap.
"-her.. Follow me." yun lang ang klarong salita na naintindihan ko bago ako inangat ni Blade habang hawak sa kaliwang braso at marahang iginiya pasunod sa kanya.
Tumabi din si Nyne sa kanan ko at aligagang dina-dial ang numero ng kung sino mula sa cellphone nito.
Elixir, probably?
Pumasok kami sa isang modern guest room kung saan binigyan ng first aid kit ni Rion si Blade at hinayaan kami sa salas. Pumasok naman sila sa loob ng kusina at nadinig kong nag-usap ulit pero bulong nalang ang lakas niyon sa direksiyon namin ni Blade na parehong tahimik.
Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko ng makita ko ang nagliliparang mga punyal. I mean, a person can possibly throw a dagger or three of it, but the daggers I've seen earlier were unaccountable. Sobrang dami n'on!
"Hime. Let's remove your coat first." pukaw ni Blade sa atensiyon ko.
Tahimik kong hinubad ang coat dahil may suot naman akong manipis na tube vest tsaka short shorts sa loob at hinayaan si Blade na gamutin ang sugat sa braso ko. Mahaba ang sugat pero mukhang kaya namang hindi na tahiin.
"Blade.. Can we just go home? Gusto ko ng umuwi." tumango ito at mabilis na nilinis ang sugat ko.
Maya-maya, bumukas ang pinto nitong kwarto saka iniluwa ang dalawang lalaking pamilyar ang mukha.
"Woah! May iniuwing sugatang chix si Rion? Scoop to Jace!" sambulat ng lalaking may textured quiff na buhok habang ang magkabilang gilid ng ulo ay high-faded. Halatang namamangha sila ng makita akong nakaupo sa sofa.
"What?! Where?!" dinig kong sigaw sa labas na ngayon ay halatang tumatakbo na papasok.
"Jerks. Can you both stop hitting on girls every time? Look at her. She's wounded." nakangusong komento ng lalaking may mangasul-ngasul na kulay ng buhok. The length on top was a bit longer than the sides that it almost looked faded but it perfectly fits his light and warm facial expression. Maputla ang balat nito at emerald green ang kulay ng mga mata.
Green.
T-those eyes.. t-t-tantalizing.
"Hime."
BINABASA MO ANG
Devil's Chains
ActionAt the age of two, Alexzeus was able to summon a powerful weapon made of unbreakable substance that saved her life from danger; a chain -- her first savior. When she turns fourteen, another danger took place that put her in a situation which started...