Kabanata 18

8 1 0
                                    

Kanatana 18

Stay

Naging mabagal ang gabi sa akin, hindi ako tinantanan ng mga mata ni Lance hanggang sa matapos ang event naglaho lamang iyon nang ihatid na ako ni August sa bahay. Paulit ulit na inilalabas ng utak ko ang galit na imahe ni Lance,natatakot ako pero ganun naman talaga, hahayaan ko na siya.

Ata Mara called me once para batiin at kamustahin, nasa tukador daw nila ni Kuya Oliver ang regalo nila sa akin. Halos magsisigaw ako dahil sa nakitang passport na naroon, may nakaipit na mga pera at isang two way ticket to Singapore. Pang isa lang iyon pero sobrang napasaya pa rin ako.

For me, this is the most heart warming birthday ever. Gusto kong ipagsigawan sa lahat ang pasasalamat ko kaya naman, kinabukasan paggising ko ay nagbukas ka agad ako ng mga social media ko, hindi na ako nagtaka sa pagsabog ng notifications ko, its very fine with me now, sanayan lang talaga.

Inubos ko ang lahat ng oras ko sa loob ng ilang buwan simula ng mag hiwalay kami ni Lance para sa pag aaral ko at sa mga taong hinahangaan ako. Meet ups at kung ano ano pa ang ginawang events ng mga admins sa fan page ko, pumayag naman ako para naman matuon rin sa ibang bagay ang isip at puso ko.

Ang dami dami ng lumalabas na mga page patungkol sa akin, may secret files, asktyra, at kung ano ano pa. Ayus lang naman iyon dahil hindi ko naman sila pwedeng pigilan, kung minsan lang ay nakakahiya dahil noon ay hindi ako naman ugali masyado ang mag ayos ayos bago lumabas ng bahay, pero ngayon, kailangan ay parating maayos ang lahat sa aking pampisikal, hindi ako makapag mall mag isa, dahil marami nang nakakakilala, kahit pagtapon ng basura ay minsan ko nalang nagagawa.

Mababait sila at ang karamihan ay kababaihan, hilig nilang mamigay ng mga merch tungkol sa mga tula ko. Isang beses nang mag meet up nga ay nagulat ako dahil ang isa sa mga admin ay si Efrainne. I just can't believe na hanggang sa school namin ay kinikilala na rin ang mga tula ko.

Habang nagbabasa ng mga comments at nanonood sa mga videos tungkol sa akin ay isang tula galing sa code name na 'The Vice President' ang nagpahinto sa tibok ng puso ko. Kaka post lang nito sa secret files ni Admin C. I think si Chloe iyon.

'Sa paglubog ng araw
Ikaw ang nagbibigay sa akin ng ilaw
Liwanag na tila nakakasilaw
Ang ganda mong di ko matanglaw

Sa tuwing ika'y humahalakhak
Lumilinaw daang tinatahak
Mga ulan man ay pumatak
Ikaw ang sentro ng aking pagkagalak

Ako'y lubos na natulala
Sa iyong ginawang tula
Ako'y lubhang nabigla
Sa di inaasahang pagkawala

Nakaramdam ng panlulumo
Sa iyong pagbabago
Pagibig man ay di lumago
Dadahin ko ito sa mga susunod na yugto.'

Walang pamagat ang tula na iyon at walang kahit ano. Just the code name and the poem.

Dalawang beses ko pang inulit ang pagbabasa non at halos maramdaman ko ang pagka guho ng pader sa aking puso nang matanto na kay Lance ang tula na iyon. Masyadong pinag isipan at ma sistematikong pagkagawa. It's his first time making a poem.It's his first time making a poem for me. I know, it's for me. I believe.. it's for me.

I want to assume, dahil iyon ang sinsabi ng puso ko at ng kanyang tula. Fuck.

Pagkatapos ng malalim na pag iisip ay naalala ko ang paper bag na inabot sa akin ni Lance bago ako yayain ni August palabas sa backstage.

Sa sobrang lutang ko kagabi ay hindi ko na maalala kung saan ko iyon nilapag o pinasok. Wala sa aking bag at sa kung saan dito sa kuwarto.

Tinext ko na rin si August pero wala daw siyang napansin na may hawak akong pink paper bag pag uwi. Gusto ko ng umiyak dahil sa frustration na nararamdaman. I want to call or chat Lance kung nakita na niya iyon, pero di ko magawa. Because you blocked him Tyra! Remember???

Oh my gosh. Ni hindi ko man lang siya napasalamatan ng maayos kagabi.

Lumipas ang mga araw at nawala rin iyon sa isip ko, kahit pa gabi gabi ay dinadalaw ako ng konsensya ko ay nakakayanan ko naman iyon. Kahit sobrang hirap mag move on dahil sa sobrang dami ring hindrance ay kinakaya ko, kinakaya ko na palayasin si Lance sa sistema ko.

Malakas na ulan ang sumalubong sa akin paglabas sa school, sa mga ganitong panahon ay gusto ko na lamang maupo at magsulat ng tulang panibago pero hindi ko magawa dahil kanina ay tumawag na sa akin si Ate Mara na nakarating na sila sa bahay. I missed them, it's been one week?

Hindi pa man tuluyang tumila ang ulan ay naglakas loob na akong tumakbo papunta sa sakayan ng jeep, unluckily, baha na. Basang basa na ang sapatos ko and take note! Wala akong dalang payong! Very good Tyra! Bakit kasi hindi mo naging hobby ang pag dala ng payong!?

Wala namang bagyo ngayon pero hindi ko alam kung bakit ganito kalakas ang ulan. Punuan na rin sa jeep dahil uwian nga. Basang basa na ako, my bag is also wet. My phone is ringing pero hindi ko iyon makuha sa aking bulsa dahil paniguradong mababasa iyon.

It took me almost ages bago makapanik sa jeep, nasa kalagitnaan ako ng pagpasok ng biglang may humatak sa aking bewang pababa. I almost scream dahil sa malalaking palad na mahigpit ang hawak sa aking bewang. Hindi niya iyon binitawan hanggang sa maramdaman kong hindi na ako nababasa ng lalong lumalakas na ulan.

Hindi ko hinarap si Lance, yes si Lance. Kahit hindi ko pa siya nakikita dahil naka talikod ako sa kanya ay siguradong si Lance iyon. Mabibigat na hininga pa lamang niya ay alam na alam ko na, alam rin iyon ng puso ko na halos kumawala sa aking dibdib.

Nasa loob kami ng isang malaking pulang payong. Binigay ko iyon sa kanya noon, para magkasya kaming dalawa kapag umuulan dahil hindi ko talaga ugali ang magdala ng payong. Tangina Lance, konti pa. Konti nalang at..

"You need to go home." His deep sustained voice really sent shivers down to my spine.

Parang gusto ko siyang harapin at paki usapan na bumalik na siya akin. I'm really in love with him, kahit anong gawing kong pag move on at walang saysay dahil yun pa ang naging dahilan ng lalo kong pagkalugmok sa kanya.

"I'm going home, hindi mo ba 'yon nakita?" Hindi ko pa rin siya nililingon, kahit pa alam kong kailangan kong makita ang kanyang mukha para masatisfy ako ngayong araw, ngayong buwan. Kahit isang beses lang, pero salungat ang ginagawa ng katawan ko sa sinasabi ng puso ko.

"I'm fetching you." seryoso iyon na parang sinasabi na naiinis na siya dahil hindi ko siya hinaharap. Assume pa Tyra.

"No. I'm going home alone." Isang para sa dumaang taxi bago ko siya harapin. His bloodshot eyes ang sumalubong sa akin, basang basa siya at tumutulo tulo pa ang tubig ulan sa kanyang buhok, hindi niya pinasok ang kanyang sarili sa payong! Nakahawak lamang siya doon at ang buong payong ay ang naka sukob sa akin.

"What the hell Lance?!" Mariin siyang pumikit nang kinuha ko ang payong sakanya para silungan kaming dalawa.

"What the hell are you doing Lance! Nahihibang ka na ba? Magkakasakit ka!" Hindi ko siya tinigilan, nakapikit pa rin ng madiin ang kanyang mga mata, na para bang naririndi na sa akin.

"Come home with me." Pinal iyon kaya wala akong nagawa.

We went to his car, lumalayo siya sa akin pero inilalapit ko sakanya ang payong. Ang arte arte nito. Nakakainis.

Pagkapasok sa kanyang sasakyan ay pinatay ko na ka agad ang aircon. He just stared at me seriously.

"Ano ba kasing gusto mo Lance? Pasakay na ako ng jeep tas nang nila ka, tapos binasa mo pa ang sarili mo sa ulan para payungan ako, e kasya naman ang dalawang tao doon sa payong! I'm going home alone, at ikaw, uuwi ka sa inyo, maliligo at magpapahing-"

"Ihahatid lang kita Tyra." pagputol niya.

"Ang kulit mo." Nagbalak akong lumabas sa kanyang kotse pero pinigilan ng kanyang malamig at basa basang palad ang aking braso.

"Stay, please. I promise, ihahatid lang kita." Hindi na niya ako pinagsalita pa at ni lock na ang kotse at pinaharurot Ito.

Let's Not Fall In Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon