Rhian's POV
"Rhiaaaaaan! Gumising ka na diyan yung boyfriend mo kanina pa tumatawag ang ingay!"
Napabangon ako ng mabilis ng marinig ko ang sabay na sigaw ng aking mga kaibigan na sila Jasmine at Kris Ann
*Ringgggg* *Ringgggg*
Agad kong kinuha ang cellphone ko katabi ng alarm clock sa gilid ng kama
"Hello babe?" masigla kong bati sa kanya
"Tangina Rhian! Kanina pa ako tawag ng tawag sayo ngayon mo lang nakuhang sagutin?!" Bulyaw sakin ng boyfriend ko si Eron.
"B-abe sorry kakagising ko lang." malungkot kong sagot
"Sorry nanaman?! Shit naman Rhian! Lagi na lang bang ganito? Laging ako yung mag-aadjust?May practice kami ngayon ng team pero tinawagan padin kita para malaman kung nasa school kana tapos ngayon kakagising mo lang?Hindi lang ikaw ang priority ko sa buhay Rhian" mataas padin ang tono ng boses niya
Napahinga ako ng malalim bago ulit ako magsalita.
"Babe sorry.Napuyat lang naman ako dahil ginawa ko pa yung project mo para sa English."
"Idadahilan mo pa sakin yan ngayon? Ano sinusumbat mo pa sakin yan ngayon?" sigaw niya ulit
"No babe hindi sa ganun--"
"Alam mo Rhian?Pagod na ako.Tama na.Goodbye."
bago pa ako makapagsalita ulit binabaan niya na ako ng phone.
Umupo si Jasmine at Kris Ann sa magkabilang gilid ng kama "Ano girl okay ka lang ba? Yang Jowa mo kasi ang OA masyado kaya di ko yan bet para sayo e"
"Correct ka diyan! Feeling ko nga pinagpupustahan ka lang ng mga tropa niyan"
"Uy ano kaba Krissy wag ka nga" awat ni Jasmine
"What?Sinabi ko lang naman kasi may posibilidad na totoo.Alam mo naman yan si Eron"
"Naku tara na nga ikaw Rhian mag-ayos kana super late nanaman tayo lagot na" sabi ni Jasmine
Tumakbo na ako at dumiretso sa CR para maligo
----------
"Girl kanina pa paikot ikot yang ulo mo mula ng dumating tayo dito sa Campu hanggang ngayon ba naman na dissmisal na?" puna ni Kris Ann sakin
"Hinahanap ko si Eron.Dissmisal na wala pa siya tsaka dapat tapos na practice nila ng ganitong oras e." Pag-aalala ko
"Ano kaba girl hayaan mo na yun e diba nga nagkasagutan kayo sa phone kanina?Ano pa bang ineexpect mo?Puntahan ka niya ang magsorry?Sus alam mo naman ang mga lalaki masyadong ma-pride yan" singit naman ni Jasmine
"Kaya nga tara na may assignments pa tayo Rhian uwi na tayo" aya ni Kris ann
"Sige mauna na kayo sa kotse hintayin niyo ko.Susunod na ako di ko talaga kayang di kami makapagusap ngayon e pupuntahan ko muna siya sa Gym titignan ko kung nandun siya" sabi ko sa kanila"
"Siguro kaba?Sige basta dalian mo ah"
Mabilis akong tumakbo para tignan kung nasa Gym si Eron.Bago ako pumasok naririnig ko na mula sa labas ang malakas na tawanan ng mga lalaki na sigurado akong kaibigan ni Eron.
Bubuksan ko na ang pintuan ng gym ng biglang dumating si Charles.Isa sa mga kaibigan ni Eron.
"Rhian!Ikaw pala" bati niya sakin
"Hi Charles.Pupuntahan ko sana si Eron sa loob nandiyan ba siya?" tanong ko
"Uhmm...Si Eron?Actually kanina pa siya umalis.May kasamang babae"
"Babae?Sino?" nagtataka kong tanong
"Ah- ano kailangan ko ng umalis Rhian sige bye.Mas mabuti na umuwi ka na din." at tumakbo na ito paalis
"Teka Charles!" sigaw ko pero hindi niya na ako nilingon pa
Sinong babae kaya yung tinutukoy ni Charles?Ayokong magduda kay Eron pero kinakabahan ako.
----------
BINABASA MO ANG
One Last Heartbreak
Teen FictionSabi nila when it comes to love always expect heartbreaks.Pag nagmahal ka imposibleng hindi ka masasaktan.At pag nasaktan ka ibig sabibin nagmahal ka.Mahirap bumitaw kung alam mong may laban pa.Mahirap lumaban kung yung taong mahal mo bumitaw na.Per...