3. Ebing slash Ebeng

20 1 0
                                    

3. Ebing slash Ebeng

"Makinig ka, Disere. Woy! Paminaw ba," bulalas ni Auntie Lilel habang kinakalabit ako. 

Potek naman. Nakikinig naman kasi ako eh. Nakakatamad lang sumagot.  

Magkapitbahay lang naman kami nila Auntie Lilel. Nagluluto siya ng mga lutong ulam at may maliit silang sari-sari store ng kanyang live-in partner na si Auntie Cristine. 

Kahit tibo si Auntie Lilel, magaling naman siya sa maraming bagay. The best na cook din yan si Auntie, kaya nga laging sold out ang mga putahe niyan eh, kaso nga lang, matapang. Nakakatakot tuloy. 

"Oo te, nakikinig ako," sagot ko. 

Hinahanda ko kasi yung mga dadalhin ko sa Leyte. At heto naman siya, nag-iingay sa kwarto ko. 

"Pag magmotor bitaw na si Ebeng, ayg kumpyansag kuyog niya ha?" aniya. 

Jusme naman. Para namang marunong akong umintindi ng bisaya no? 

Tumingin ako sa kanya. "Te pwedeng tagalog? Dugo na tenga ko eh," pagbibiro ko. 

Halatang nairita siya kasi napakamot pa siya sa kanyang blonde na buhok. 

"Basta! Kapag pinaangkas ka ni Ebing sa motor nila, huwag kang papayag. Kaskasera pa naman yun. Tsaka kapag may mga kalokohan yun, isumbong mo sa lola mo. Tsaka itext mo dito mga pinaggagagawa niya." 

Ayon naman pala, magaling naman palang magtagalog eh. Pinahirapan pa akong i-absorb yung bisaya niya. Teka, parang may di yata pagkakaunawaan sa pagitan nila Auntie Lilel at Auntie Ebing ah. Ano kaya yon? Bakit kaya? 

"Teka nga lang te, si Ebeng at Ebing ba ay iisa lang?" tanong ko. 

"Bogo man ka Disere oy. Usa ra gud. Angang naman." 

Ano daw?  

"Last na lang te, ano ba ang 'bogo'?" 

"Da oy da. Pagtuon og bisaya tiguwang!" aniya. 

Tae talaga. Wala akong naintindihan doon ah? 

"Ito te, super dooper last na talaga! Bakit ang tatas mong magtagalog?" 

"Saba!" sigaw ni Auntie. 

Ha? Saging na saba? Masarap yun. 

Hinimas ko ang aking tiyan. "Nasaan ang saging na saba te?" 

Napasapo na lamang si Auntie sa kanyang noo. May mali ba doon? 

"Disere, poponta mona ako ka Lolo Emon nimo. Sonod na laman ka pag ganahan ka," narinig kong sabi ni lola. 

Napamulat naman ako ng aking mata. Panaginip ba yun? Ang alam ko nangyari na yon ah. Teka, napaidlip pala ako dito sa bangko?! 

Tumingin ako sa aking puting wrist watch. 3:40 pm na pala. Naupo ako at kinusot ang aking mga mata. 

Pinagmasdan ko ang kapaligiran. Sa totoo lang, malayo sa expectations ko ang real appearance ng bahay na ito. Akala ko maliit, yun pala, malaki. Akala ko kubo, yun pala, semi-kubo. Akala ko de tiles, yun pala, de loam soil. Gayunpaman, maayos at organized ang mga bagay bagay sa bahay na ito. Yung mga laruan at stuff toys ay nakadisplay sa isang divider kasama ang TV at DVD player. Ganoon din ang hitsura ng mga baso, plato, mangkok, at mga kubyertos sa cupboards. 

Napatingin ako sa labas. Sadyang bukas kasi ang main door. Siguro dahil sa mainit ang panahon ay minabuti itong buksan para makapasok kahit papaano ang hangin. 

INIDORO: Takbuhan ng mga SawimpaladTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon