Were Okay
KEYVEN --
Pagkagising ko ay wala na si Chasty. Hindi ko alam kung paano ulit ako nakatulog pagkatapos kong marinig ang mga sinabi nya.
"Panaginip ba yon o totoo?" tanong ko pa sa sarili ko. Bumangon na ako,medyo magaan na ang pakiramdam ko.
Paglabas ko sa kwarto ay naabutan kong nasa kusina si Chasty. Nakatalikod sya sa akin kaya hindi din nya agad ako napansin.
Naamoy ko ang niluluto nya. Kumalam ang tyan ko at agad akong natakam.
"Oh? Gising ka na pala? Maupo ka muna,patapos na pagluluto ko sa ulam." aniya ng humarap at makita ako.
Kumalabog ang dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Shit! Ganito ba talaga yon?
"M-maliligo muna ako." ani ko at bumalik sa kwarto. Kinuha ko ang tuwalya at muling lumabas at dumiretso sa banyo.
Napapikit ako at kinapa ko ang sarili kong damdamin. Hindi ko talaga dapat magustuhan si Chasty. Pero ano ito? Mukhang hindi ko lang sya gusto. Mukhang...Shit!
Dali dali na akong naligo. Pagkatapos at pagkalabas ko ay naghahain na si Chasty sa mesa. Bago pa sya lumingon sa akin ay tinungo ko na agad ang kwarto ko.
Mali ito,hindi ito tama. Hindi ako tutulad sa mga tito ko at sa mga kaibigan nila. Kailangan kong pigilan ang damdamin na ito. Hindi ako dadalhin nito sa tama.
Pero paano si Chasty? Ano ibig sabihin ng sinabi nya? Gusto din nya ba ako? Pero imposible yon,may Dok Blithe na sya,tsk.
Nagbihis na ako at lumabas ng kwarto.
"Kain na. Para mabawi mo yung mga nawala sayong energy." ani Chasty. Hindi ko sya tiningnan,umupo na ako at nagsimulang kumain ng tahimik.
"Wala kang pasok?" pagkuwa'y tanong ko din,hindi ako makatiis ng hindi sya kinakausap.
"Dalawa lang ang klase ko ngayon,pero pupunta ako sa school para kausapin ulit ang Dean namin,tas magpapa check up ulit ako kay Dok Blithe." ang sagot nya. Hindi na ulit ako nagsalita,ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain.
The truth is,hindi ko gusto na magkasama sila ng duktor na iyon. Hindi ko din gusto na hindi ko iyon gusto. Maling mali,hindi dapat ako nagsese--,ugh.
Matapos kumain ay tumayo na ako at uminom ng tubig. Masarap ang adobong niluto nya. Gusto ko syang purihin pero naisip ko na huwag na lang,wala ding silbi. Dahil mula sa araw na ito,mas tataasan at titibayan ko na ang pader sa pagitan naming dalawa,just like before.
Tumayo na din sya at kinuha ang mga pinagkainan namin at nilagay sa sink.
"Mauna na ako." ang sabi ko lang,pumasok ako sa kwarto at kinuha ang bag ko saka walang paalam na lumabas ng bahay. Bahala na sya,sanay naman sya sa mga gawaing bahay.
BINABASA MO ANG
Rebel Heart! (boyxboy) - COMPLETED!
General FictionLumaki si Keyven Montenegro sa isang pamilya/clan na open sa same sex relationship. Nasaksihan nya ang mga ito habang lumalaki sya at hindi nya maintindihan kung bakit ganon. Kaya pinangako at isinumpa nyang hindi gagaya sa mga tito nya na pumatol s...