Lovestory ng Buhay ko. <:

154 2 0
                                    

Prologue.

Lovestory ng Buhay ko. <:

Revised Edition. (Naks gumaganon! XD)

©bukopandanrepublic

Please do enjoy. Nirevise ko lang kasi masyadong madaming space, wrong grammartizations, etc. Maarte ako e, pake mo? Odi wag ka magbasa. Dejk. :p

Eto na ho yung BAGONG prologue. CIAO! ;)

-------------------------------------------------------------------

21st century. Oo. Iba na panahon ngayon. Marami nang bago. Lahat ng gadgets pabago ng pabago kulang nalang pati cellphone lumipad. Ngunit kasabay ng mga pagbabagong ganito sa teknolohiya, medyo nagbago na din ang ating kultura.

Uhuh. You read that right. Kung dati kapag 6:00 ng hapon dapat nasa bahay na, ngayon maski 12:00am, oo hating gabi makikita mo may mga pakalat kalat na teenager sa daan.

Pati pananamit natin nabago na din. Habang tumatagal paikli ng paikli lahat ng damit. Ewan. Kapos ata mga manufacturers ng damit sa bulak. Dami pa naman dito sa bahay, idonate ko nalang. Yung iba kulang nalang pati nunal sa singit makita, pati yung kurba sa baba ng pwet, yun bang sneek preview point ng pwet makikita na sa sobrang ikli ng shorts. Maitim naman.

Maski ang pamamaraan natin ng pagsasalita nabago na din. Oo. Katulad ni Myrtle sa PBB. Kala mo may nunal sa dila e. Paka arte magsabi ng R, kala mo may jawbreaker na nastuck sa bagang. Yung iba conyo like omayghad the canteen is so kadiri like there are so many ipis and the tindera’s are so like pawisan and everything. Oo. Kaloka e sarap idikit yung dila sa ngala-ngala. XD

Pero sa opinion ko ang pinaka nagbago sa kulturang Pilipino ay yung pamamaraan ng pagsuyo sa isang babae. Kung si Don Juan kinuha ang damit ni Prinsesa… ano pangalan? Juana? Yeh. Think so. Hahaha. Sorry. Oh kung sino man yung kinuhaan ni Don Juan ng damit para mapansin sya. At kung si Florante ay nagpatali lang sa puno tapos nagkita sila ni Laura tapos WALA NA. Inlab ulit sila sa isa’t isa kahit sinabi pa nyang “Kung apuhapin ko sa sariling isip ang suyuan naming ng pili kong ibig, ang pagluha niya kung ako’y may hapis nagiging ligaya yaring madlang sakit. Nguni, sa aba ko, sawing kapalaran! Ano pang halaga ng gayong suyuan kung ang sing-ibig ko sa katahimikan ay humihilig na sa ibang kandungan? ” Charot. :D Eh ngayon isang text palang  ng “Hi” inlab na agad. 1week palang inlab na? Ano yan? PBB teen edition? =))) Ngayon kasi di na masyado uso yung harana harana eklabvu. Uso na yung sa text magtatanong tapos sasabihin,

“Hi. Single ka ba?” sabi ni lalaki.

“Ha? Uhm. Oo e. haha. Bakit?” sabi ni babae na kinikilig kulang nalang mapunit ang panty.

“Kitamo nga naman. Single din ako e, gusto mo tayo nalang? J” sabi ni kuya na mukha namang sinikmuraan ni Hulk.

“Ha? HIHIHIHIHI. Eng beles me nemen.. Peg eesepen ke pe e..HIHIHI” pag-iisipan pa daw ni ate kung makangiti naman abot gulugod.

“Nako wag mo na pag-isipan. Sige ka baka magbago isip ko.” NAK NG KAPAL NG GILAGID MO KUYA.

“He? Hihihihihihi. Esege ne nge. HIHIHIHI.” Landi sarap tapyasan ng baba.

“Yes! So tayo na a. Ilabyou. :*” HANOYAN 5SECONDS palang inlab na?!

“HIHIHIHIHIHI. Ee. Elebyete.” Sabi ni ate na nakalabas ang dila kikilig kilig pa.

Ganyan na nga ka liberated ang  panahon ngayon. E nadali din ako dyan e. hahaha. Ultimo pag sa personal di nagpapansinan pero sa text intimate. INTIMATE. Hindi kasi yung bastos. -__-  I mean, basta yun nay un. :D

Oo. Sa text ko sya sinagot. Although sabi nya di daw nya ako niligawan nun, pero sinagot ko sya. Muntanga dba? Denial kasi sya. :D Dati pa kami magkaklase simula nasa bahay bata pa kami. Dejk. :D Simula kinder hanggang ngayong 2nd year. Mutual naman nararamdaman naming sa isa’t isa simula pa man nung una. Hanggang sa isang araw, lahat nagbago. Sinagot ko sya. Masaya kami pareho. Madalas mag-away pero magbabati din uli. Akala ko sya na. Akala ko magtatagal kami. Nakaready na nga yung calendar ko sa phone e. Naka set sa “Anniversary”. Akala nga ng lahat kami na forever e. Yung magsoulmate ba.. pero.. di naman ako si Zenaida Sebio. XD

“Bakit mo ‘ko mahal?”

“Kasi alam kong hindi ikaw yung lalaking dudurog sa puso ko.”

Hahaha. Isang kabalbalan. Oo. Akala ko sya na si FOREVER. Pero hindi e. Sino ba naman ako para idikta ang future. Kung tatanungin ako kung sino ang lalaking minahal ko ng todo todo walang preno tagos sa kalamnan ni Pacquiao , ang isasagot ko..

“SYA. Sya yung unang minahal ko kahit pa sya yung unang dumurog sa puso ko.”

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Due to public demand.. Eto na. Tinuloy ko na, mga echosera kayo e, isang taon akog kinulit. Eto na ho mga kamahalan. Kukumpletuhin ko na iteyyy. Oks na? Libre nyo ko sa Starbucks a. =))))))))

Lovestory ng Buhay ko. &lt;:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon